Chapter 11 : Not the Last

82 10 34
                                    

MAAGA kaming nagising lahat dahil ito na ang huling araw naman dito. Susulitin na namin ang natitirang sandali namin dito dahil babalik na ulit kami sa bayan. Balik na ulit kami sa dati naming buhay.


Matapos ang halos isang linggo naming pananatili rito ay wala namang nangyaring masama sa amin, puro saya lang, may ilan lang na mysterious at complicated pero hindi naman nagtagal. Nakapaglibot na rin naman kami noong isang araw. Natikman na rin namin lahat ng mga putahe sa food court. Naligo na rin kami sa dagat, sumakay sa bangka. Actually, ayoko talaga pero pinilit ako ni Zin. At ayoko rin naman na magtampo sila sa'kin. Hindi rin namin pinalampas ang paglalaro sa park at playground. Nag-beach volleyball din kami na sobrang saya. At ngayong huling araw namin dito ay kukuha lang kami ng mga litrato bilang remembrance. Hindi rin kasi kami masyadong nagpi-picture sa tuwing may pupuntahan at gagawin kami.


Tapos na kaming maligo at si Asion na lang ang hinihintay namin. Nakasuot lang ako ng oversized na long-sleeves na tinupi ko ang manggas at nag-short ako ng hindi naman masyadong maikli saka nagsapatos.


"Aya, bili muna tayo ng milktea. Nauuhaw na'ko kanina pa."  hindi pa man ako pumapayag ay hinila na ako ni Zay palabas ng kuwarto. Kasama rin namin si Blanca na nakasuot ng puting oversized jacket, puting sapatos at puting short na hindi naman gano'n kaikli. Bumagay rin sa kaniya ang buhok niyang nakatali lang ng malaya sa likod.


Si Zay naman ay nagsuot ng pink na hanging jacket at puting shorts na pinaresan niya ng kulay peach na sapatos. Katulad ng kay Blanca ay nakatali lang din ang buhok niya sa likod. Ako lang ang naiiba dahil tinirintas ko iyon pero nasa likod din naman. Tapos nagtabi rin ako ng ilang hibla ng buhok ko sa magkabilang bahagi ng ulo ko na hinahayaan ko lang namang tangayin ng hangin.


"Ano sa'yo?"  tanong ni Zay nang makarating kami sa counter. Nasa tabi ko si Blanca, tumitingin kung ano ang o-order-in. "Oreo na lang."


Habang naghihintay ay umupo na muna kami sa isang puwesto. Marami-rami rin kasi ang mga taong nandirito at mukhang kanina pa naghihintay sa kanilang mga order. Mabuti na lang at may naupuan kami.


Ilang minuto pa ay dumating na ang order namin. Akala ko ay aalis na kami pero sinabi ni Zay na dumito na raw muna kami. Napagod daw siya sa paglalakad, eh ang lapit-lapit lang naman ng food court. Ewan ko ba sa kaniya, baka tinatamad lang maglakad. Tamad kasi talaga minsan haha.


"Aya?"  sabay-sabay kaming napalingon nang may tumawag sa akin sa 'di kalayuan. Si Selene iyon kasama niya ang kuya niyang tahimik lang.


"Sabi ko na, eh. Pwedeng makiupo?"  isang tango lang ang isinagot ko at ngumiti. Nang magtama ang mga mata namin ni Vino ay agad siyang umiwas. Affected pa rin ba siya sa nangyari? O nagtatampo siya kasi hindi ako sumama na makipag-usap sa kaniya?


"By the way, I'm Selene and this is my brother, Vino."  pagpapakilala ni Selene saka inilahad ang kamay sa mga kasama ko. Nananatili namang tahimik si Vino sa upuan niya katabi ang kapatid niya. Bale tatlo kami nina Selene at Vino ang magkakatabi ngayon at dalawa naman sina Zay at Blanca.


"Zay, nice to meet you."  nakangiting sabi ni Zay matapos niyang abutin ang kamay ni Selene.


"Blanca, nice to meet you."  ani Blanca at inabot din ang kamay ni Selene.


"Kuya, makipagkamay kana. Huwag ka nang mahiya."  pangungulit ni Selene sa kuya niya dahil tahimik lang ito at parang wala sa sarili. Muling napalingon sa'kin si Vino pero this time, seryoso ang mga mata niya. Nginitian ko na lang siya dahil sobrang seryoso niya. Katulad ng kay Zin ay wala rin akong makita sa mga mata niya.


AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon