Prologue : The Beginning

520 29 51
                                    

REMINDER:

Please don't forget to vote and comment down your thoughts in every chapter. Votes and comments are highly appreciated. Thank you!



×××



ALAS SAIS pa lang ay gising na ako ngunit nakahilata pa rin sa kama. May pasok pa ako pero nakatitig lang ako sa kisame at hinahayaang maglabay ang isipan. Nagtatrabaho ako bilang isang staff sa isang coffee shop ilang metro lang ang layo. Hindi na ako namili pa ng ibang trabaho since mahirap ang buhay. Bukod sa sarili ko, kailangan kong magbayad sa pakikitira ko sa mga kamag-anak ko.



Halos sampung taon na ang lumipas mula nang matuklasan ko ang aking kakayahan. Ilang hinaharap na ang sinubukan kong iwasan at tulungan ngunit nabibigo lang ako at sa huli ay sisihin ko ang sarili dahil wala na naman akong nagawa.



Ilang taon na ang nakalilipas pero sariwa pa rin sa isipan ko ang alaala na sinapit ng aking mga magulang. At hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili dahil hindi ko man lang sila nagawang iligtas. Kung mas maaga ko lang sanang nalaman ang kakayahan na iyon ay sana nandito pa sila. Pero wala e. Ano naman ang magagawa ng isang dose anyos na bata na wala pang kaalam-alam sa mga ganoong bagay?



Napaluha na lang ako nang rumehistro sa isipan ang mga larawan nina Mama at Papa. Napabangon ako at saka hinayaang bumagsak ang aking mga luha habang yakap ang mga tuhod.



"Ma, Pa, p-patawarin niyo po ako kung h-hindi ko kayo nagawang i-iligtas. M-miss na miss ko na po k-kayo."



Lumipas ang ilang minuto ay pinakalma ko muna ang sarili ko bago napagpasyahang maligo na.




×××



"One cup of cappuccino, please."  mabilis akong kumilos upang kumuha ng kaniyang order. Alas nuebe na ng umaga at dumarami na rin ang mga customer.


Hindi lang naman ako mag-isa, may kasama ako. Sina Jerome, Asion, Zay, at Blanca. Tatlo kami nina Zay at Blanca ang palaging nasa counter, o may isa o dalawa sa amin ang magse-serve. At 'yung dalawang lalaki ay nasa loob lang ng kusina. Kaya lang, nagkasakit si Blanca samantalang may importanteng emergency raw si Zay kaya ako lang ang mag-isa ngayon dito sa counter. Minsan lang naman lumabas 'yung dalawa, kapag breaktime o 'di kaya naman ay mabo-bored sila sa loob.


Mabilis ko lang na naihanda ang order ng lalaki kanina. At dahil nga mag-isa lang ako ay ako ang maghahatid niyon sa kaniya.


Maingat akong naglakad palapit sa lalaki. Nakaupo lang ito habang nagbabasa ng libro. Kahit na nakasuot ito ng eyeglasses ay mapapansin pa rin ang kagandahan ng hitsura niya.


"Your cappuccino, Sir,"  huminto siya sa pagbabasa at kasabay ng paglingon niya ay nagsimula nang rumehistro sa akin ang mangyayari sa kaniya, mamaya...


Magkakagulo dahil magkakaroon ng aksidente. Masasagasaan siya mamaya pag-alis niya rito sa Coffee Shop. Maraming madadamay. Maraming mawawalan ng buhay.

AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon