Chapter 25 : Hiraya

44 8 30
                                    

HINDI pa rin kami makapaniwala sa nangyayari. Pinagmamasdan ko lang ang katawan ko sa harap ng malaking salamin at kitang-kita ko pa rin na invisible ako. Tanging ang damit na suot ko lang ang nakikita. Pero ang malaking tanong...



...paano ko nagawa 'yon?!



I mean, wala naman akong ibang ginawa. Kaya paano ko masasabi kung paano nangyari 'yon kung wala naman akong kaalam-alam?


"Hindi kaya, lumalabas na ang totoong ako? I mean, 'yung totoong kapangyarihan ko?" tanong ko sa kanila habang nakatingin pa rin sa salamin. Hindi ako sigurado pero iyon ang nararamdaman ko.


"Hindi rin namin alam. Ang alam lang kasi namin, kaya mong magpagaling ng sugat. Hindi namin masasagot ang tanong mo, Aya." bumagsak ang balikat ko sa narinig. Tama nga naman sila. Hindi nila ako nakasama nang lumaki ako kaya wala silang alam sa akin bukod sa mga pinagsamahan namin noong mga bata pa kami. So, sinong makakatulong sa'kin?


Hindi na lang ako nagsalita pa at umupo na. Inaya ko na sila na ipagpatuloy na namin ang pagkain dahil lumalamig na ito.


Walang nagsasalita sa amin, nagpaparamdam lang kung sino ang unang babasag sa katahimikan. Hindi ako mapakali. Gulong-gulo na naman ang isip ko. Ang daming bagay akong natutuklasan, at ang daming pangyayaring hindi ko inaasahan.


Sino ba talaga ako?


Ano ba talaga ang kapangyarihan na meron ako?


"Aya, oo nga pala. Kanina, nabanggit ni Zin ang Zinotes. May alam ka ba doon?" nasa kusina ako ngayon habang naghuhugas nang lapitan ako ni Zay. Napatigil ako sa ginagawa dahil sa tanong niya. Oo nga pala, sinabi ni Zin na siya na ang magsasabi sa kanila kaya lang wala si Zin ngayon.


"Ah, sasabihin ko mamaya. Tatapusin ko lang 'to, para marinig ng lahat." oo, tama. Para naman mas malinawan sila dahil katulad ko ay nagugustuhan din sila sa mga nangyayari.


Matapos kong maghugas ay nakita ko si Zay at Blanca na nakaupo sa isang pwesto samantalang hindi ko makita 'yung dalawa pa. Lumapit ako sa kinauupuan nila at tumabi.


"Nasa'n 'yung dalawa?" bungad ko sa kanila, napatingin silang dalawa sa'kin.


"Ah sandali, tatawagin ko." tumayo si Zay at lumabas ng shop. Ilang sandali pa ay bumalik din siya kasama sina Jerome at Asion. Saan naman galing 'tong dalawa?


At dahil kumpleto na kami ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "So, kung naaalala niyo pa. Nabanggit ni Zin kanina ang tungkol sa Zinotes." huminto ako at nagpakawala ng hininga.


"Base sa ikinuwento ni Zin sa'kin, ang Zinotes ay isang lihim na organisasyon na kung saan... hinuhuli at ikinukulong nila ang mga taong may kakaibang kakayahan katulad natin. Ang main purpose raw ng organisasyon ay kuhanin ang mga kapangyarihan ng mga kagaya natin nang sa gayon ay ma-kontrol nila ang buong mundo."


"Wait, as in the whole world?" tumango lang ako kay Zay. "Pero paano naman nila nalaman na nag-eexist ang mga katulad natin?" tanong niya pa.


"Hindi rin sila pangkaraniwang tao." nagulat naman sila sa sinabi ko. Inaasahan ko na 'to dahil ako rin ay hindi makapaniwala noong una kong malaman.


"You mean, may kapangyarihan din sila?" tinanguan ko lang ulit si Zay.


"Wait, kung organisasyon iyon ibig sabihin may namumuno? Like leader or head?" nilingon ko si Jerome. Ito na ang hinihintay kong itanong nila. Kung sino ang namumuno sa Zinotes. Sasabihin ko ba sa kanila?


AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon