Chapter 4 : Friends

212 19 38
                                    

MABIGAT ang katawan ko nang bumangon ako. Parang nabugbog ang buo kong katawan at medyo kumikirot ang ulo ko. Inilibot ko ang mga mata ko at napaigtad ako nang mapagtantong nasa bahay na pala ako!




Wala akong maalala. Ang huli kong naaalala ay noong kumakain kami ni Zin sa kainan tapos, tapos, argh!




Mabilis akong nagtungo sa banyo para maligo nang may maalala. May trabaho pa pala ako!




"Ba't pumasok ka pa? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"  iyon agad ang bungad ni Zay sa akin pagdating ko sa shop. Mabuti na lang talaga at hindi masyadong malayo ang shop sa bahay. Hindi na din ako kumain dahil sa pagmamadali.




"Okay na ako. Tsaka mababagot lang din naman ako kung magkukulong lang ako sa kwarto ko buong maghapon."   sagot ko saka nag-suot ng apron at hairnet. Madaming customers ang dumarating kaya hindi na kami nakapag-kuwentuhan pa.



Matapos ang halos ilang oras, nakahinga kami ng maluwag dahil hindi na ganoon kadami ang mga customers. Magtatanghali na rin kasi kaya wala na masyadong napapadpad dito.



"Kamusta nga pala kayo? Nauna na kami sa inyo kahapon kasi nagka-emergency sa bahay. Hindi din maganda pakiramdam nu'ng magkapatid kaya hindi ka na namin ginising. Tsaka kasama mo naman si Zin kaya alam naming safe ka."  sinamaan ko siya ng tingin nang ngumisi siya ng nakakaloko. Parang may ipinapahiwatig siya na hindi ko nais malaman. Tsk.



"Okay naman. Gabi na akong nagising kaya gabi na rin kami nakauwi. Kumain pa kasi kami bago kami umuwi."   tumango-tango lang naman siya na parang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Inirapan ko na lang siya dahil alam kong inaasar niya lang ako. Kahit kailan talaga puro siya kalokohan.



"Pero aminin mo, ang gwapo ni Zin 'di ba? Kung liligawan ako no'n, magpapakasal na agad ako!"  sabay kaming napatawa dahil sa kalokohan niya. Nakisali na rin sa amin si Blanca na tahimik lang na nakaupo kanina.



Halos magkakapatid na ang turingan namin sa isa't-isa, maging 'yung dalawang magkapatid. Highschool pa lang magkakasama na kami at nakakatuwa lang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nabubuwag. Solid 'to mga mare!



"At bakit nagtatawanan tayo ngayon dito?"   sabay-sabay kaming napatigil at nilingon si Jerome na kagagaling lang sa kusina at sumunod naman ang kapatid nitong si Asion.



"Ito kasing si Aya, luma-lovelife na! Balita ko, kumain pa raw sila kagabi."   pang-aasar pa ni Zay sa akin kaya napanguso na lang ako dahil nakatingin silang lahat sa'kin habang nakangiti ng nakakaloko.



"Walang malisya 'yon! Hindi pa kami kumakain pareho kaya 'yon! And besides, siya ang nag-yaya kaya siya ang may kasalanan! Ang dudumi ng mga utak niyo!"   pagtatanggol ko pa sa sarili ko pero tinawanan lang nila ako kaya muli akong napanguso dahil alam kong pinagtutulungan nila ako.



"Alam mo, ayos lang naman sa'min kung magkaroon ka ng boyfriend, eh. Basta huwag mo lang kaming kakalimutan dahil kapag ginawa mo 'yon, kami mismo ang magpapalapa sa aso sa jowa mo!"   kunwaring napakamot na lang ako sa ulo dahil akala ko seryoso na si Jerome pero sa huli ay tinawanan lang nila ako nang tinawanan. Okay, panalo na sila.



"Pero seryoso, may relasyon ba talaga kayo ni Zin?"   napabaling ako kay Zay. Hindi na sila tumatawa pero hindi rin sila gano'n ka-seryoso.



"Wala nga. Wala. Relasyon agad? Eh, ilang araw pa lang kaming magkakilala. At isa pa, hindi kami magkakaroon ng relasyon noh, kaibigan puwede pero kung usapang mag-jowa, malabo 'yon!"  paglilinaw ko pa pero tumango-tango lang sila na parang napipilitan. Bahala sila diyan!



AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon