Author's Note

48 2 0
                                    

Hello there! This is it! Finally, natuldukan na rin ang kuwento ng buhay ni Aya. Nagtapos man ito ng masakit at malungkot, alam kong naging maganda naman ang paglalakbay niyo kasama siya. Totoo nga ‘yong sinasabi ng ibang author na nakagagaan ng pakiramdam kapag nakatapos ka ng isang nobela. Tipong lahat ng pinaghirapan mo’y nagbunga na. Alam ko naman na nabigyan ko ng sapat at makabuluhang wakas ang kuwento ni Aya kaya sana ay huwag niya akong dalawin sa pagtulog haha.



Kaya naman nais kong pasalamatan ang lahat ng naging bahagi at magiging bahagi ng nobelang ito. Isa kayo sa mga naging dahilan upang marating ko ang puntong ito. Isang magalang bow para sa inyo!



Nais ko rin pasalamatan ang mga kaibigan at pamilya na nakilala ko sa industriyang ito, hindi ko man kayo mabanggit ngunit alam na ninyo kung sino kayo. Kayo ang isa sa mga nagbigay sa akin ng lakas ng loob na ipagpatuloy at tapusin ang aking nasimulan. Ngayon ay narating ko na ang stage na iyon at dahil iyon sa inyo. Maraming salamat!



To our Almighty God, maraming salamat po dahil muli ninyong binuksan ang aking puso upang tapusin at ipagpatuloy ang aking nasimulan. Kung hindi po dahil sa Inyo ay hindi ko po ito mabibigyan ng wakas. Maraming Salamat po!



Inihahandog ko ang tagumpay na ito sa aking sarili. Para sa sarili ko ito dahil sa wakas ay natupad din ang pinapangarap kong makatapos ng isang nobela. Nasuklian na rin ang lahat ng mga sakripisyo at paghihirap ko mabuo lang ang kuwentong ito. Great job, Self!



At dahil natapos ko na ang nobelang ito, at natuwa ako, may pa-bonus ang lola niyo! Doon niyo malalaman kung ano ang nangyari after ng death ni Aya.


Ano kaya ang nangyari kay Cassandra?



Buhay pa kaya ang anak nina Zin at Aya?



Tapos na nga ba ang kasamaan?



Doon na nga ba nagtatapos ang kuwento?



Abangan!

AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon