Chapter 44 : Backstory II

28 3 0
                                    

"Patayin mo na ako..."




Iyon ang huli niyang sinabi kaya ibinigay ko ang kaniyang hiling. Nararapat lamang iyon sa kaniya sapagkat hindi niya naisagawa ang napag-usapan namin. Tunay ngang nakapasok sila sa Manawari at binulabog ito, hindi naman siya nagtagumpay na patayin si Tiyara.




Inamin sa'kin ni Maximino na iniibig niya si Tiyara na siyang dahilan kung bakit hindi niya nagawa ang plano namin. Dahil patay na si Tiyara bago pa nila maisagawa ang plano.




Sino na kaya ang panibagong namumuno sa Manawari?




Panahon na siguro para magbalik ako roon at muling maghasik ng kasamaan at kaguluhan...




"A-anak, i-ipangako mo sa akin na... tutuparin mo ang p-pangarap namin ng iyong ama..." mabilis kong nilapitan si Inang nang hawakan niya ang aking kamay. Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa amin ang pagkawala ni Itang.




"Inang, huwag po kayong mag-alala. Tutuparin ko po ang pangarap niyo..." pagkasabi ko niyon ay dahan-dahan niyang binitawan ang aking kamay at saka siya binawian ng buhay.




"Inang!!!" halos magwala ako rito sa kwarto habang pilit na ginigising si Inang. Ayokong mawala siya sapagkat siya na lamang ang meron ako.




"Inang!" halos mawalan ako ng boses sa pagsigaw ko. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit.




Sisiguraduhin kong pagbabayarin ko silang lahat. Ako ang magiging pinuno ng Manawari at walang kahit na sino man ang makakapigil sa akin...





×××





LUMIPAS ang panahon at napagpasyahan kong muling magbalik sa Manawari.




Panahon na para muling maghasik ng kasamaan at kaguluhan sa aming mundo. Bubuo ako ng sarili kong kaharian upang kalabanin ang kung sino man ang namumuno ngayon.




Sa tulong ng kapangyarihan na ipinagkaloob ni Tiyara kay Maximino noon ay nakapasok akong muli sa Manawari.




Iginugol ko ang halos buong kapangyarihan ko para lang makapagpatayo ng sarili kong kaharian. At hindi naman ako nahirapan dahil sa tulong ng kapangyarihan ko at ang kapangyarihan ni Inang at Itang.




"Sino ka? Ano ang iyong ngalan?" napahinto ako sa paglalakad dito sa gubat upang magmasid sa nayon.




"Ako si Eulogio, ikaw?" tanong ko sa kaniya. Tila ngayon ko lang siya nakita at hindi ko maitatanggi ang kaniyang kagandahan.




"Laura ang aking pangalan. Ano ang iyong ginagawa rito sa gitna ng kagubatan?" napalingon ako sa kaniya at nakatitig siya sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng kakaiba sa kaniyang mga titig.




"Nais mo bang sumama sa aking kaharian?" nagtaka naman siya sa aking sinabi. Hindi niya ba ako nakikilala?




"Sige, naghahanap din ako ng matitirhan sapagkat ako'y naliligaw." naliligaw? Nakatira ba siya sa nayon?




"Wala kang tirahan?" tanong ko pa sa kaniya na ikinatango niya lang. Aayain ko na lamang siya sa aking kaharian at siya ang magiging Hara nito.




AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon