Chapter 34 : He's Back

38 6 10
                                    

PAGMULAT ko ay puting kisame at ang kakaibang atmosphere ang bumungad sa akin. Pakiramdam ko nanghihina ako dahil hindi ako makagalaw na tila tinakasan ng libo-libong enerhiya sa katawan.



"God, you're awake." dahan-dahan akong napalingon nang marinig ko siyang magsalita. Nakaupo siya sa couch sa tabi ng kama pero lumapit siya sa'kin at umupo sa bandang bewang ko. Ngayon ko lang napansin na may dextrose pala ako.



"Ano bang nangyari? Sabi ng doktor kulang ka raw sa protein at calcium. Plus pagod na pagod daw ang katawan mo kaya ka nawalan ng malay." bakas ang pag-aalala sa tono niya. Kulang sa protein at calcium? Bakit naman ako kukulangin?



"You know what, just rest. Bibili lang ako ng pagkain sa canteen." tinanguan ko nalang siya at tinapunan ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.



Naaalala ko pa ang nangyari kanina. Nahilo ako habang naglalakad palapit kay Vino and then nawalan ako ng malay. Tapos paggising ko, nasa sinaunang panahon ako, sa panahon bago mabura ang Manawari.



Tapos narinig kong may pinag-uusapan si Mama at isang matandang lalaki. Hiraya? Haraya? Ha... Alam ko na! Hayana!



Ang Hayana ay ang pinaka-makapangyarihan na ibinigay sa'kin ni Mama! At iyon ang dahilan kung bakit gustong-gusto nilang akong makuha. Ngayon alam ko na. Naiintindihan ko na ang lahat. Ang kailangan ko na lang gawin ay pag-aralan iyon.




"Anuman ang naisin ng may hawak ng Hayana ay magagawa nito. Lahat ng kaniyang sasabihin ay makapangyarihan. At ang sinumang may hawak nito ay siyang pinaka-makapangyarihang nilalang. Subalit kung gagamitin ang kapangyarihang iyon sa isang mabigat na bagay, magiging kapalit nito ang sarili nitong buhay."





So, ako na nga ang pinaka-makapangyarihan sa kahit na sino? Pero paano ko naman gagawin 'yon? Anuman ang naisin ko ay magagawa ko? Lahat ng sasabihin ko ay makapangyarihan?



Napahinto ako sa pag-iisip nang marinig na bumukas ang pinto. Hindi ako bumaling doon dahil alam kong si Vino na iyon at muling nag-isip.



Pero bigla akong nagtaka nang hindi man lang nagsalita si Vino kaya lumingon ako sa daanan papunta sa pinto. Alam kong nakabukas pa rin iyon at dahan-dahang nagsara. Weird pero muli kong naramdaman 'yung naramdaman ko sa labas ng condo ni Vino. May mali...



"Well, well, well..." napabangon ako ng wala sa oras nang makita ko kung sino ang tumambad sa harapan ko.



"Ano'ng ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" sinubukan kong itago ang takot sa dibdib ko pero nabigo ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at halos hindi ako makahinga ng maayos.



"Hindi ka ba masaya na makita ako? I'm here to visit you.." sarkastikong sabi niya. Kahit na wala siyang kasama ngayon, ramdam kong nagkalat lang sila sa buong ospital. Kailangan ko si Vino, nasaan na ba siya?



"Wala akong panahon para makipaglaro sa'yo, Mr. Fortido. Kaya umalis kana bago pa ako tumawag ng nurse." pagbabanta ko sa kaniya pero as usual, humalakhak lang siya na nagdudulot ng matinding takot sa dibdib ko.



"Hindi naman ako naparito para makipaglaro. And I'm shocked dahil tinatawag mo ako sa last name ko. You can call me, Tito Zin since gusto ka naman ng anak ko kahit niloloko mo lang siya." kumuyom ang mga palad ko dahil sa sinabi niya. Wala siyang karapatan na husgahan ang pagmamahal ko sa anak niya, wala siyang alam!



"Umalis ka na! Nurse! Guard!" nagsusumigaw ako pero parang walang nakakarinig sa akin. Alam kong may ginawa sila para hindi siya maabala sa ano mang motibo niya sa pagpunta rito.



AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon