Special Chapter 1 : New Life

31 3 0
                                    

15 years later...


"Mommy! I want this one!"  Napapangiti na lamang ako habang pinapanood si Ziyan na itinuturo ang mga laruan na nakikita niya. Hindi ko naman siya pinagbabawalan dahil alam kong doon siya magiging masaya. Kaya kahit ano, binibili ko para sa kaniya.



Nang matapos kaming mamili ng mga laruan niya ay kumain muna kami sa isang sikat na restaurant dito sa Cavite. Sa Lancaster na kami nakatira ngayon, bagong lugar, bagong buhay.



Labinlimang taon na nakakalipas pero sariwang-sariwa pa rin sa'kin ang lahat. Lahat ng mga alaala, sakit at pagdadalamhati. Halos ayoko nang mabuhay noong mga oras na wala pa si Ziyan. Gusto ko nalang ding mawala sa mundong ito pero noong malaman kong buntis ako, muling nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko. Binigyan ako ni Ziyan ng bagong pag-asa. Bagong pag-asa na hindi pa tapos ang lahat at hindi pa ako nag-iisa.



Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa nakaraan, hindi ko mapigilang mapaluha. Ilang taon na ang nagdaan pero hindi ko pa rin lubusang natatanggap ang mga nangyari. Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Pero kahit naman sisihin ko nang sisihin ang sarili ko, wala namang mangyayari. Hindi naman no'n maibabalik ang dati.



"Mommy, look! That man is staring at me,"  napahinto ako sa pag-iisip nang magsalita si Ziyan at may itinuturo siya sa labas. May isang lalaki ang nakatayo sa 'di kalayuan at nakatingin nga ito sa kinaroroonan namin. Sa mga sandaling iyon ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba.



"Ziyan, finish your food and let's go home, okay?"  Iniba ko na ang usapan para mawala sa isip niya ang nakita niya. Kailangan na naming makauwi dahil ramdam ko na may kakaiba sa lalaking 'yon. "Okay, Mommy!"



Pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa parking lot para kuhanin ang kotse. Nagmasid-masid ako sa paligid dahil baka sinundan kami ng misteryosong lalaki. Pinasakay ko na kaagad ang anak ko sa loob at saka kami umalis doon.



Hinayaan ko lang na maglaro si Ziyan sa likod ng mga laruan na binili namin kanina. Hindi siya dapat mag-isip ng kung ano-ano dahil bukas ay kaarawan na niya. Ayokong maging masama ang pagdiriwang ng kaarawan niya.



Pagkauwi namin sa bahay ay pinapasok ko na muna siya sa kwarto niya para sigurado akong ligtas siya. Tinawagan ko na ang event organizer para i-follow up ang event na magaganap bukas ng hapon. Maayos naman na ang lahat kaya wala na akong kailangang problemahin. Sila na ang bahala sa pagkain, mga palaro, designs, at lahat-lahat. Alam kong magiging malaki ang gastusin pero ayos lang, basta maging masaya lang ang anak ko.



Sa mga bisita naman ay ayos na rin dahil nabigyan ko na ang lahat ng imbitasyon. Dito lang naman sa bahay gaganapin ang kaarawan ni Ziyan kaya hindi na nila kailangan pang lumayo. Patutulugin ko nalang siya bago ang lahat para masurpresa siya.



Nang maisipan kong kumain ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng cookies at biscuits. Kinuhanan ko na rin si Ziyan dahil alam kong paborito niya ito. Ihahatid ko na sana sa kaniya ang mga iyon nang biglang may kumatok sa pinto. Kaya naman inilapag ko muna iyon sa lamesa at pinagbuksan ang nasa labas.



"Sino sil—"



Halos hindi ako makahinga nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Pumikit-pikit ako para siguruhing hindi ako namamalik-mata pero totoo nga. Hindi ito guni-guni o isang imahinasyon.



"It's nice to see you again, Aya,"  boses niya pa lang, sigurado na akong siya nga ang nasa harapan ko ngayon. Pero paano? Ang buong akala ko...



AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon