Chapter 3 : Encounter

223 22 40
                                    

TATLONG araw na ang lumipas simula nang maka-engkwentro ako ng isang katulad ko. At simula din noong araw na iyon, lagi na akong tulala at wala sa sarili. Ang daming bagay na bumabagabag sa isip ko nitong mga nakaraang araw. At nagsimula iyon noong nagkakilala kami ni Vino...



Hindi ko na din nakikita si Zin simula noong huli kaming nagkita. Mas mabuti na rin siguro 'yon para mabawasan ang iisipin ko.



"Aya, ayos ka lang ba? Namumutla ka."  nag-aalalang tanong ni Zay sa akin. Tumango lang naman ako at simpleng ngumiti. Nandito kami ngayon sa shop at alas dos na. Medyo sumasakit din ang ulo ko.




"Sigurado ka?"   tanong niya pa kaya sinubukan kong tumayo pero agad akong napahawak sa ulo ko nang makaramdam ako ng pagkahilo. Hindi yata maganda ang pakiramdam ko.



"Aya! Sinasabi ko na, eh. Hindi maganda ang pakiramdam mo."  hindi ko na masyadong marinig ang sinasabi ni Zay at narinig ko din ang boses ni Blanca. Unti-unti na ring lumalabo ang paligid hanggang sa wala na akong makita.






"Sino ka?"   tanong ko sa isang tao na hindi ko makilala dahil nasa madilim siyang parte–– hindi! Madilim ang buong paligid! Tanging liwanag lang mula sa maliit na bintana ang nakikita ko. Nasaan ako?


"Sino ako? Nakakatawa ka, Ms. Valdez."  natatawang sabi ng taong nasa harapan ko. Isa siyang lalaki. Nakaupo siya sa isang maliit na sofa malapit sa pintuan. Nasaan ba kasi ako?!


"Sino ka?! At nasaan ako?! Anong gagawin niyo sa'kin?! Pakawalan niyo ko!"   nagsisisigaw ako pero parang walang nakakarinig sa akin. Nakaramdam din ako ng kirot at napagtanto kong nakagapos pala ang mga paa't kamay ko.


"Calm down, Ms. Valdez. Hindi ka namin sasaktan. Just give us what you have and we'll give you the freedom you want."   seryosong tugon niya pero tumawa lang din siya pagtapos no'n. Baliw! Nasaan ba kasi talaga ako?! At ano'ng kailangan nila sa'kin?


"Ano bang gusto niyong makuha sa'kin?! Sarili ko na lang ang meron ako!"   pinilit kong hindi maiyak dahil sa sakit na iniinda. Mamaya lang ay siguradong mawawalan na ako ng malay dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali nila sa akin. Nararamdaman ko na rin na nasusugatan na ako at ang hapdi no'n.


"Come on, Ms. Valdez. Huwag na tayong maglokohan. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."   napatigil siya sa pagsasalita nang bumukas ang pinto sa tabi nito. Iniluwal niyon ang isa pang tao na hindi ko rin makilala.


"How is it?"   boses iyon ng isang babae.


"Here. Natatawa na lang ako sa kaniya. Ikaw na nga ang kumausap diyan! Nasasayang lang ang oras ko."  nakita ko pang tinapik nito ang likod nu'ng babae bago ito lumabas. Kaming dalawa na lang ngayon ng babae ang nandito. Umupo siya sa inupuan ng lalaki kanina. Kailangan kong makatakas dito.


"Sino ka?!"  galit na tanong ko sa babae dahil hindi siya nagsasalita. Isang demonyong halakhak ang kumawala sa kaniya na nagpakaba sa akin. Mga baliw!


"He's right. Nakakatawa ka nga talaga, Ms. Valdez. Ano bang kaya mong gawin, ha?"   mabilis na kumulo ang dugo dahil sa tanong niya.


"Sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulungan kapag nakatakas ako dito! Mga demonyo kayo!! Pakawalan niyo ako dito!!!"   kasabay ng malalakas na pagsigaw ko ay ang paghalakhak niya. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.


AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon