Chapter 28 : New Home

47 7 24
                                    

SI VINO NGA!!!



"Batid kong magkakilala na kayong dalawa." sabi ni Inang Hiyas kaya umiwas ako ng tingin kay Vino.



"Opo, Inang." tugon ni Vino saka pumasok sa loob.



"Pagpasensyahan mo na ang aking apo, mabuti namang bata iyon." dagdag pa ni Inang Hiyas matapos niyang lingunin si Vino.



"Pero, Inang Hiyas. Ngayon na po ba tayo tutuloy para sagipin ang mga kaibigan ko at ang mga bihag na Harami?" pag-iiba ko ng usapan. Kasi kung ngayon, baka maging pabigat lang ulit ako sa gagawin namin. Kailangan kong mag-ensayo.



"Hindi pa sa ngayon, hija. Kailangan mo munang pag-aralan ang kapangyarihan mo. Kailangang mapag-aralan mo ang mga iyon nang sa gayon ay hindi ka mahirapan kapag ginamit mo na. Makakatulong din iyon kung paano mo ito mako-kontrol." tinanguan ko lang si Inang Hiyas.



"Don't worry, Aya. We'll help you with that. Just trust and believe in yourself." pagche-cheer up pa sa'kin ni Selene kaya nginitian ko nalang din siya.



"Tama si Leneng, tutulungan ka namin kasama si Inong."



"Inang! Sinabi ko naman po na huwag niyo akong tatawagin sa palayaw ko kapag may ibang tao! Nakakahiya!" reklamo ni Selene kaya natawa si Inang Hiyas. Napangiti na lang din ako sa kanila. Sobrang makaluma kasi ng palayaw niya.



"Ano'ng masama roon? Kaibigan mo naman itong si Aya kung kaya't walang problema kung tawagin kita sa iyong palayaw, hindi ba hija?" lumingon sa'kin si Inang Hiyas na nakangiti kaya mabilis akong um-oo at ngumiti lang. Baka isipin ni Selene na kinakampihan ko ang lola niya, hehe.



"Basta, Inang. Halika na, Aya. Simulan na natin ang pag-eensayo." hinila na ako ni Selene palayo kah Inang Hiyas. Nginitian pa ako ni Inang Hiyas bago siya mawala sa paningin ko.



"May isang lugar dito na malaya. Kaya kahit anong gawin mo, walang ibang makakakita." panimula ni Selene. Naglalakad kami ngayon sa isang mabatong kalsada. Ilang metro na ang layo namin mula sa bahay at hindi ko alam kung saan kami tutungo.



"Nandito na tayo!" binitiwan niya ang kamay ko at ipinakita ang lugar. Akala ko na mag-eensayo na kami?



Malaya nga rito. Malawak at maganda. Sariwa rin ang ihip ng hangin na nanggaling sa kakahuyan sa gilid. May ilang bahagi na madamo at meron ding mabato at mabuhangin. Parang nasa gubat lang pero walang puno. I mean, marami sa likuran namin pero wala rito sa open area.



Sa tabi namin ay may isang ilog na sobrang linis ng tubig. Hindi naman literal na katabi, pero ilang dipa lang ang layo.



"Ito ang tinatawag ni Inang na Kali Laang. Dito rin kami madalas maglaro ni kuya habang nag-eensayo. Minsan ay pumupunta kami sa Bantay dahil mas malawak doon. Tara." muli na naman niya akong hinila at naglakad kami habang sinusundan ang ilog.



Hanggang sa huminto kami dahil may nakaharang na malalaking sanga ng puno at bumungad sa amin ang malawak na lugar.



"Ito naman ang Guidiguid. Dito kami pumupunta ni Kuya kapag sawa na kami sa Kali Laang. Medyo tago rin kasi ito." tinanguan ko siya saka ko inililibot ang mga mata. Mukhang mas malawak ito kaysa sa Kali Laang. Wala rin masyadong mga puno at flat ang lupa.



"Pero mas pinakapaborito ko ang Bantay. Tara ipapakita ko sa'yo." hinawakan niya ulit ang kamay ko at saka kami pumasok sa kakahuyan. Medyo nakakatakot ang lugar dahil walang kahit na sino at wala man lang akong marinig na ingay.



AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon