Chapter 35 : Lost

33 6 12
                                    

MALAMIG na sahig kaagad ang naramdaman ko nang magkaroon ako ng malay. Hindi ko pa magawang maimulat ng husto ang mga mata ko dahil sa panghihina at ang sakit ng ulo ko. Parang tinanggalan ako ng ulo sa sobrang sakit.



"Sino ka?" tanong ko sa isang tao na hindi ko makilala dahil nasa madilim siyang parte--- hindi! Madilim ang buong paligid! Tanging liwanag lang mula sa maliit na bintana ang nakikita ko.



"Sino ako? Nakakatawa ka, Ms. Valdez." natatawang sabi ng taong nasa harapan ko. Isa siyang lalaki. Pamilyar ang boses niya pero hindi ko magawang maisip kung saan at kailan ko narinig dahil sa pananakit ng ulo ko. Nakaupo siya sa isang maliit na sofa malapit sa pintuan. Nasaan ako?!



"Sino ka?! At nasaan ako?! Anong gagawin niyo sa'kin?! Pakawalan niyo ko!" nagsisisigaw ako pero parang walang nakakarinig sa akin. Nakaramdam din ako ng matinding kirot sa katawan at doon napagtanto kong nakagapos pala ang mga paa't kamay ko.



"Calm down, Ms. Valdez. Hindi ka namin sasaktan. Just give us what you have and we'll give you the freedom you want." seryosong tugon niya pero tumawa lang din siya pagtapos no'n. Baliw! Nasaan ba kasi ako?! Kailangan kong makatakas para mailigtas si Vino, at si Zin!



"Ano bang gusto niyong makuha sa'kin?! Sarili ko na lang ang meron ako! Kinuha niyo na ang mga magulang ko! At pati mga malalapit at mahahalagang tao sa buhay ko, hindi niyo pinalampas! Mga wala kayong puso!" pinilit kong hindi maiyak dahil sa sakit na iniinda. Mamaya lang ay siguradong mawawalan na ako ng malay dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali nila sa'kin. Nararamdaman ko na rin na nasusugatan na ako. At muli rumehistro sa akin ang lahat ng mga sinapit ng mga mahal ko sa buhay. Sila ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon at patuloy na lumalaban.



"Come on, Ms. Valdez. Huwag na tayong maglokohan. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." napatigil siya sa pagsasalita nang bumukas ang pinto sa tabi nito. Iniluwal niyon ang isa pang tao na hindi ko rin makilala dahil nga madilim ang buong paligid. Sa akin tumatama ang liwanag na nagmumula sa bintana kaya hindi ko sila maaninag ng maayos.



"How is it?" boses iyon ng isang babae. Hindi ko alam pero parang ngayon ko lang 'yon narinig. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.



"Here. Natatawa na lang ako sa kaniya. Ikaw na nga ang kumausap diyan! Nasasayang lang ang oras ko." nakita ko pang tinapik nito ang likod nu'ng babae bago ito lumabas. Kaming dalawa na lang ngayon ng babae ang nandito. Umupo siya sa inupuan nu'ng lalaki kanina.



"Sino ka?!" galit na tanong ko sa babae dahil hindi siya nagsasalita. Isang demonyong halakhak ang kumawala sa kaniya.



"He's right. Nakakatawa ka nga talaga, Ms. Valdez. Ano bang kaya mong gawin, ha?" mabilis na kumulo ang dugo ko dahil sa tanong niya. Sinubukan kong gumalaw at bumangon, nagawa ko pero parang ang bilis lang din at nanghihina ulit ako.



"Qwerty..." napatigil ako nang may tila boses na bumulong sa tenga ko. Tama! 'Yung lalaking kausap ko kanina ay walang iba kung 'di si Qwerty! Ngayon, sino naman ang babaeng 'to? Kailangan ko na talagang makatakas dito. Pero paano? Nanghihina pa rin ang katawan ko at mas lalo lang yata akong nanghihina dahil hindi ako makagalaw.



"Sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulungan kapag nakatakas ako dito! Mga demonyo kayo!! Pakawalan niyo ako dito!!!" kasabay ng malalakas na pagsigaw ko ay ang paghalakhak niya. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak sa sakit na kanina ko pa iininda. Hindi lang sakit sa katawan kung 'di sakit din sa puso at isip.



"Oh, bakit ka umiiyak? Kanina lang ang tapang tapang mo, tapos ngayon para kang bata?! What a poor girl!" sarkastikong sambit niya pa saka muling humalakhak. Hindi ko magawang punasan ang mga luha ko. Wala akong magawa kung 'di ang sumigaw lang nang sumigaw. Umaasang may tutulong sa'kin kahit mukhang malabong mangyari. Hanggang dito na lang ba? Ayokong isipin...



"Itigil mo na 'yang kakasigaw mo, Aya. Inuubos mo lang ang lakas mo. Kung ako sa'yo, ibigay mo na ang hinihingi namin at makakalaya kana." tumayo siya at lumapit sa akin. Ibinulong niya ang mga iyon sa akin. Dahil sa nangingibabaw na galit at inis, iniuntog ko ang ulo ko sa ulo niya dahilan para mapasigaw kaming dalawa sa sakit.



"You bitch!" napasigaw ako sa sakit nang maramdaman kong lalo pang humigpit ang pagkakagapos sa akin.



"Gusto mo na talagang mamatay, ha? Sige, ibibigay ko 'yon sa'yo!" itinutok niya sa akin ang isa niyang kamay at kasabay niyon ay tila unti-unti akong nawawalan ng hininga. Isa rin siyang peculiar. Pero s-sino naman siya?



"Ahh! T-tulong!!" nahihirapang sigaw ko dahil nakalutang na ako sa ere habang sinasakal ng babae. Walang magawa ang pagsisigaw at pagpupumiglas ko dahil lalo lang akong nahihirapan. Sandali... Parang naulit na 'tong pangyayari na 'to!



Oo tama! Naulit na nga ito! Sa panaginip ko noon sa shop at si Zin ang gumising sa'kin! Hindi ko lubos akalain na magkakatotoo ang panaginip na iyon! Kailangan kong makaisip ng plano...



"I-ibibigay ko n-na!" kasabay niyon ay sumalampak ako sa malamig na sahig at heto na naman siya, tumatawa.



"Sinasabi ko na nga ba at bibigay ka rin. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Pero sa oras na may gawin kang kataksilan o kahit na ano, hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka." hey, girl! Don't you know that I can read minds? Hintayin mo lang ang oras mo. Ako yata ang pinakamakapangyarihan sa kahit na sino? Gosh! Why do I always forget about it?



Sa ngayon, sasakyan ko muna ang mga balak niyo. And kapag nakahanap ako ng magandang tiyempo, isasagawa ko na ang plano ko.



"Just being curious, ano bang kapangyarihan ang meron ka at nagkakandarapa sila sa'yo? Kasi, parang wala ka namang kayang gawin, eh! Well, except sa magsisigaw." noong tumawa siya ay tumawa rin ako. Sinasabi ko na nga ba't wala siyang alam kaya ganiyan siya kung makapagsalita, well sorry na lang sa kaniya.




I know na nasa part na ako ng pagsuko. But I remembered every single sacrifices of my loved ones kaya bakit ako susuko?





I am indeed the most powerful and...







I'm not going to be lost...

;














AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon