Chapter 5 : Warning

186 19 50
                                    

LINGGO ngayon at day-off namin. Napagpasyahan naming mag-outing since nabugbog kami sa trabaho these past days. Pinagmamayabang pa nila na sila na daw ang bahala sa lahat-lahat. Pumayag na lang din ako sa gusto nilang mangyari dahil kailangan ko rin sigurong magpahinga at lumanghap ng sariwang hangin. I'm sure kailangan din nila 'yon.



Sa Hiraya Beach kami pupunta ngayon. Malapit lang 'yon dito sa bayan, sasakay ka lang ng tricycle nang ilang minuto at makakarating ka na sa beach. Maganda kaya do'n? Nakaka-excite sigurong maligo sa dagat.



Naisip din nilang isama namin si Zin dahil nga magkaibigan na raw kami so dapat, kasama na siya sa bawat lakad namin. Napapabuga na lang ako ng hangin dahil nararamdaman kong sinasadya talaga ng mga monggoloyd kong kaibigan ang mga 'to. I can feel na may pinaplano sila na hindi ko alam. Tsk.



Alas siyete pa lang ng umaga at napagkasunduang magbabakasyon na muna kami. Since ilang buwan na rin naman kaming nagtatrabaho sa shop, kailangan din daw namin ng mahaba-habang pahinga. Natatawa na lang ako sa mga pinaggagagawa ng mga monggoloyd na 'to. Pero sa kabilang banda ay masaya ako dahil bukod sa makakapagpahinga kami, makakabuo pa kami ng mga panibagong alaala kasama ang panibagong tao, si Zin.



Susunduin daw nila ako dito sa bahay nina Auntie. Nagpaalam na ako kagabi at pumayag naman siya. Pero pakiramdam ko, wala talaga silang pakialam sa'kin kahit saan man ako pumunta o ano man ang gawin ko sa buhay ko, malamang buhay ko naman 'to. Hindi ko na lang iyon pinapansin dahil ayoko ng gulo, at isa pa nakikitira lang din ako sa kanila kaya kailangan kong makisama. As long as hindi naman nila ako minamaltrato o sinasaktan, it's all goods at walang dapat na ikabahala.



Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa marinig ko na lang ang nakakairitang boses ni Zay na nasa labas na ng bahay. Nasa taas ako kaya sinilip ko muna sila sa bintana. Saktong pagdungaw ko ay nakita ako ni Zay na tila nababagot na sa paghihintay sa akin na lumabas. Napailing-iling na lang ako.



"Hoy! Bumaba ka na diyan!" napapangiti na lang ako dahil ang aga-aga pa pero parang ang taas na kaagad ng energy nitong si Zay. Well, ano pa nga ba? Lagi naman siyang hyper kaya love na love ko siya!



Mabilis pa sa alas-kwatro, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba para harapin sila. Nadatnan ko pang kumakain na sina Auntie kaya lumapit ako sa kinaroroonan nila para magpaalam ulit. Tango lang ang isinagot nila kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Baka kasi maistorbo ko pa sila sa pagkain nila.



"Ang ganda mo naman! Tara na nga!" iyon kaagad ang ibinungad sa akin ni Zay habang sinusuri ang buong katawan at pagmumukha ko. Nambola pa ang isang 'to, eh alam ko namang maganda ako haha!



"You look good, Aya." napalingon ako nang magsalita si Zin na nasa likuran ni Jerome. Hindi ko siya napansin kanina dahil sa kakaibang hitsura niya ngayon. Masasabi kong mas bumagay sa kaniya kapag naka-shorts at t-shirt siya kaysa sa pantalon at long sleeves kapag pumupunta siya sa shop. At magsisinungaling ako kapag hindi ko sinabing mas lalo siyang gumwapo ngayon.



"Oy, Aya daw!" nabalik ako sa ulirat nang sinagi ako ni Zay. Tinititigan ko pala siya. Luh, nakakahiya! Pang-aasar at pangangantiyaw na naman ang aabutin ko nito sa mga kaibigan kong monggoloyd!



"Ah, t-thanks you look g-good too." inaasahan ko na ang isang nang-aasar na tingin na bumalandra sa mukha ni Zay na ngingiti-ngiti pa. Kinunutan ko lang siya ng noo at saka sila inaya bago pa nila ako masabon.



Nagkuwentuhan at nagtawanan lang kami habang naglalakad patungo sa sakayan ng tricycle. Nabigla pa ako nang mapansin na nakikipagtawanan at biruan din si Zin sa amin na parang matagal na kaming magkakakilala. Nakakapanibago lang.



AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon