Serenity's POV
Nagising ako dahil sa sobrang lamig. Hindi naman naka on yung AC pero nanginginig talaga ako. Iminulat ko ng kaunti yung mga mata ko para hanapin kung nasaan ang kumot pero hindi ko nakita. Sa pag-aakalang nasa baba lang ng kama yung kumot, tumayo ako para hanapin doon.
Wrong move. bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at napaupo sa kama.
Urgh, hangover. Uminom nga pala ako kagabi.
Napansin ko na wala ako'ng damit. Kaya pala ako giniginaw.
Teka, bakit wala ako'ng damit?
Wait lang....
Hindi ba panaginip lang yung nangyari kagabi? Kung panaginip lang, ba't wala ako'ng damit?
"Oh shirt!!!!" I cursed loudly.
I paced back and forth.
Maya-maya narinig ko si mama na tinatawag ang pangalan ko. "Sen" sabay katok sa pinto. I know na hanggang dalawang katok lang sya tapos bubuksan nya na ang pinto. Dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan para di nya mabuksan. Nakakahiya syempre baka makita nya ako'ng hubo't-hubad.
Like I predicted, she turned the knob. Buti nalang nauna akong makarating sa pinto at agad hinarang ang katawan ko para di nya mabuksan. "Maaaa wait lang kasi! Nagbibihis pa koooo"
"Ay, pasensya na. Sige, magbihis ka na dyan kasi kakain na tayo" bilin nya sakin bago sya umalis.
I sighed in relief.
Habang nag susuot ng damit, may mga random memories na bumabalik sa isip ko.
I wonder if panaginip lang 'yun, or nangyari nga talaga. I can't remember when and how. Pero deep inside, may saya at excitement ako'ng nararamdaman. I can also recall some of our moments last night, which is too realistic para maging dream lang.
Shit.
Now that I think about it, natatandaan ko yung image ng maganda nyang katawan. The smooth skin, round breast, sexy curve, soft lips, and her mesmerizing femininity.
The butterflies inside my stomach suddenly bounced back and forth after remembering those. Kinilig ako bigla.
Pero even if may nangyari samin, I still need to hold back my feelings. Hindi pwede. It was a mistake. Why did it happen? How? Was it because of me?
Hindi 'to kasama sa plano. Supposedly, ilalayo ko ang sarili ko sa kanya para hindi na kami pareho masaktan. I already suffered enough pain. Hindi ko alam kung makakaya ko pa na bumalik sa gano'ng setting. Nakakapagod maging pangalawa. She said she loves me more, pero they are married. Mas may karapatan si kuya Randy sa kanya. Mas madaming kayang gawin si kuya Randy para kay Nathalie while ako wala.
I am not worthy enough para ipag laban sya. Wala din ako sa lugar para sumali sa relasyon ng iba, lalo na't parehas kami'ng babae. Madami ang hahadlang at manghuhusga. Baka nga kabilang pa don sila mama. There's a bigger chance na hindi sila boto para samin ni Nathalie.
Ang pinaka tama'ng gawin ay ipaubaya sya sa totoong nag mamay-ari at may kakayahan na ibigay ang mga pangangailangan ni Nathalie.
Masakit man, pero hindi ako yun. Hinding-hindi magiging ako yun.
Kahit sobrang gusto ko pa.
I can't explain how painful it is for me to love her this way. Gusto ko syang yakapin, mahalin, at alagaan pero the world is against us. We're not meant to be together.
Iniisip ko kung hanggang kailan ang pagdurusa ko at kung may katapusan pa ba lahat ng 'to.
After doing my morning routine, pumunta na ako sa dining table where they all sat.
![](https://img.wattpad.com/cover/128218429-288-k167174.jpg)
BINABASA MO ANG
Mrs. Amora
RomanceMaayos ang buhay ko dati. Wala akong ka proble-problema. Papasok sa school, maglalakwatsya tapos uuwi at matutulog. Masarap ang buhay kapag walang lovelife. Walang sasagabal sa gusto kong gawin. Pero nag umpisang magbago ang buhay ko nang magkaroon...