Gaya ng plano, tinulungan namin si Mrs. Amora sa pag-ayos ng backyard nila. Kung di sana kaming dalawa naglaro ng tubig, edi hindi gan'to ka gulo ang aayusin namin. Pero sobrang nag enjoy ako nun. Sya lang at ako, nagbabasaan ng tubig tapos nagtatawanan. Hmm. Okay, parang mas prefer ko na na ulitin yun kahit na mas malala pa ang masira namin.Pagka uwi ko galing school, nagbihis agad ako at nag shower kahit na alam ko'ng madudumihan lang din naman ako. Dumeretso ako sa bahay nya at nagulat nang mapansin na nandito na silang lahat. Si Freah may suot na gloves habang si Lenard at Miko nagpalit lang ng short habang suot parin ang damit nila kanina sa school.
Lumabas ng bahay si Mrs. Amora na may dala-dalang vase. I can't help but smile. She's gorgeous kahit na naka pambahay lang sya. Wait, no.. Combi sya ng cute saka goegeous plus hot. Did it make any sense? Probably not. Ang kagandahan nya kasi para sakin hindi mabibigyang hustisya ng salita.
Napansin ako ni Lenard. "Sen..? "
Napalingon silang lahat sa direksyon ko pati narin si Mrs. Amora.
Weird ang pagkaka tingin nila sakin.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko? " tanong ko sa kanila.
Tinaasan ako ng kilay ni Miko. "Sa sitwasyon mo'ng yan magkakaroon ka pa ng dumi? Eh, inubos mo na yata ang sabon at pabango mo sayo ngayon eh."
Sumang-ayon si Freah. "Oo nga, at teka! Wag mo'ng sabihing may lakad ka ngayon? Ikaw pa naman nagyaya samin kahapon tapos mang-iiwan ka?"
Napa roll ako ng eyes. "Ang OA nyo! Naligo lang may lakad agad? Pag untugin ko kayo dyan eh... At alam naman ninyo na hindi ako nang-iiwan" dag-dag ko pa habang naka smirk.
Totoo naman eh. Never ako'ng nang-iwan sa kanila pwera nalang noong kinaylangan ko na umuwi dahil natatae na ako at natakot na baka di ko na mapigilan. Aside from that, nah. Ako ang pinaka the best na kaibigan sa balat ng lupa.
Tiningnan ko kung ano ang reaksyon ni Mrs. Amora sa sinabi ko. Pero nung nalaman ko na nakatingin din sya sakin, bigla akong naka ramdam ng butterflies. Pesteng butterflies yan. Laging sinusugod ang tyan ko sa tuwing nakikita sya.
Namula ang pisngi ko. Deym, nakakahiya! Sana di nila napansin.
Nag smirk sya. "Namumula ka yata?" Tukso nya sakin.Sheyt. Alam nya ba? Na sya ang dahilan ng mala-kamatis kong pisngi?
Tumawa ako ng pilit. "Mainit eh. Ang hot ko kasi"
Syempre, as expected nag protesta ang tatlo ko'ng kaibigan na traydor. "Booo!" Sabi nilang tatlo.
"Ayaw ko na uwi na ako" Sabi ni Miko na nagkukunwaring uuwi.
"Kaiyak ka bes" sabi ni Freah, with fake disappointment on her face.
Tumawa sina Lenard at Mrs. Amora. Lumapit sakin si Mrs. Amora saka inakbayan ako in a comforting manner. "Okay lang yan Sen. Tandaan mo, di masamang mangarap."
Nagsitawa silang lahat.
Nag pout ako, pero ramdam ko na mas tumindi pa ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kamay nyang nakasabit sakin. Sinubukan ko'ng wag bigyan yun ng masyadong atensyon.
Napa smirk ako (internally) nang makaisip ng hokage move.
"Salamat, buti pa po kayo hindi ako masyadong dina'down." diniin ko yun word para sa maliit na come back ko. Nag pretend akong kawawa at naiiyak saka niyakap si mrs. Amora.
Syempre, para sa kanya walang malisya kaya niyakap nya rin ako pabalik habang tumatawa. "Tahan na Sen"
Nakatalikod sya sa mga kaibigan ko habang ako naman naka harap sa kanila. Nag smirk ako na may halong pagmamayabang sa kanila saka hinigpitan pa ng konti ang pagkakayakap sa pinaka magandang dilag sa balat ng lupa.
BINABASA MO ANG
Mrs. Amora
RomanceMaayos ang buhay ko dati. Wala akong ka proble-problema. Papasok sa school, maglalakwatsya tapos uuwi at matutulog. Masarap ang buhay kapag walang lovelife. Walang sasagabal sa gusto kong gawin. Pero nag umpisang magbago ang buhay ko nang magkaroon...