(6) Bread&Rolls

878 53 9
                                    

This is it. Magbubukas na ako ng sarili ko'ng bakery. Everyone gathered outside. Ako at si Randy ang nasa harap ng pinto. Hawak nya yung ribbon tapos sakin yung gunting.

Sobrang masaya at excited ako dahil sa wakas! May sarili na akong business. Akala ko masasayang lang ang pagiging pastry chef ko. But here I am now. Standing in front of my dream.

I looked around to search for her. Wala parin. I sighed. Gusto ko na nandito sya ngayon. Kaya nga nag schedule ako ng sabado para maka attend sila ng mga kaibigan nya.

"Nath? Okay ka lang? Sino ang hinahanap mo?" nagtatakang tanong ni Randy. "Naghihintay na sila sa pag cut mo ng ribbon."

I forced a smile, trying to hide my disappointment. I was about to cut the ribbon. Natigilan ako nang may marinig na footsteps.. Or tumatakbo?

Napalingon kaming lahat. Hinihingal sila ng mga kaibigan nya. She looked up at me and then smiled. Nag thumbs up sya.

I automatically giggled at her cuteness. Now everything is perfect. I cut the ribbon with a smile on my face.

Everyone cheered and congratulate me.

May pa reception sa loob. Parang pa free taste narin. Hindi naman madami ang bisita kaya hindi naman kami malulugi.

Nagsipasok na silang lahat. Busy kaming dalawa ni Randy sa pag asikaso. May co-chef ako na sya ngayong nagluluto. Baka kasi kumulang. Nakapag hire narin ako ng mga waiter/waitress. Actually nag apply sila Serenity, Miko at Freah. Syempre tinanggap ko agad sila. Bukas pa sila mag-uumpisang magtrabaho dahil gusto ko ngayon, mag enjoy sila kasama ko. Bale 4 hours lang ang shift nila pag may pasok tapos 8 naman kapag weekends. Hindi ko alam kung bakit sila nag apply dahil obviously, may kaya silang lahat. Si Serenity Police ang papa at nurse mama. Architect naman ang trabaho ng papa ni Miko tapos kay Freah, seaman.

Sila Lenard daw may sariling computer shop. Hindi sya nag apply dahil tumutulong din sya dun.

"Ate Nathalie!" Tinawag ako ni Miko. Pumunta ako sa table nila.

"Congrats po!" sabi nya habang naka ngisi.

Tumawa ako ng konti saka nag thank you. Sunod na nag congratulate sakin ay si Serenity. She has that cute smile on her face. I can tell that she's genuinely happy for me. Her eyes said it all. Hinila nya ako papunta sa may kitchen, kung saan wala masyadong tao.

"congratulations po." sabi nya tapos niyakap ako. Alam ko na inosente ang yakap nya pero di ko mapigilang makaramdam ng kilig. Her touch sent electricity through my body. Ayoko pa sanang bitawan sya kaso maraming tao. Baka ano pa ang isipin nila samin. May nilabas syang maliit na box na nakabalot. "Ito nalang po muna yung gift ko. Next time nalang yung mamahalin kapag naka sweldo na ako galing sayo." biro nya.

I laughed again. Awe, ang thoughtful nya. "Pwede ko na ba'ng buksan?"

She nodded while grinning.

Excited ko na binuksan ang maliit na box. My eyes went wide. It's a key chain. Nakasabit ang pangalan ko rito na gawa sa silver. Personalized at halatang hindi mumurahin.

"Para sa susi ng bakeshop"

She explained before I could even speak.

Oh my gosh. "Thank you" I breathed out. "Ang ganda nito."

A satisfied grin appeared on her face. "Salamat naman at nagustuhan mo."

I look at her as if she was insane. "Seryoso ka ba? Pano ko to hindi magugustuhan, bukod sa galing sayo to, halatang hindi biro ang winaldas mo'ng pera."

She smirked. "wait, gusto mo kapag galing sakin?"

I blushed. Sinabi ko ba talaga yun? "Ewan ko sayo."

Mrs. AmoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon