(12) Trip

646 46 16
                                    

Serenity's POV

I swear she's doing this on purpose.

Hindi ako makahinga.

She looks stunning. Naka messy bun ang buhok nya, tapos nakasuot sya ng bikini. No matter how hard I try, napapatingin ako. You can't blame me though. She's so hot! Kung kami lang sana ang nagkatuluyan, I'll show her off to everyone. But, hindi ako. Hindi kami pwede.

Pagkatapos namin na ilagay ang mga gamit sa vacation house nila tito, nag prepare agad kami at pumunta sa beach. We will only be here for two days so kaylangan sulitin na namin.

Nakahiga ako sa sand habang naghihintay kay Lenny. Nagbibihis pa sya sa CR na malapit dito.

"Sen, ano ba? Tulungan mo nga si ate Nath mo na maghanda ng snacks." Saway ni mama sakin.

Agad ako'ng napatingin sa kanya.

"H-Ha?!"

No! Torture yun sa part ko! Ma naman?

Napataas ang kilay ni mama. "Ba't ganyan yung reaksyon mo?"

Napalunok ako ng laway. "Wala, nagbibihis pa si Lenny. Hihintayin ko muna sya."

"Sige, basta tumulong agad kayo. Nagbabantay ako kay Lance."

Umalis sya at pumunta sa kapatid ko.

Tumayo ako at pinuntahan si Lenny. Sakto naman na bumukas ang pinto. Napanganga ako nang makita ang suot nya. She look... sexy. Bagay na bagay sa kanya. I tried my best not to look below because let's be honest here. She's gorgeous and i'd be lying pag sinabi ko'ng hindi ako matutukso. "Wow, ang hot mo dyan" kumento ko sa kanya.

Agad namula ang pisngi nya. "Che. Ikaw nga dyan sobrang sexy." She boldy checked me out. Napakagat labi sya. "Damn, tara pasok sa CR ulit." She joked.

Hinila ko yung kamay nya. Marunong din naman akong sumakay sa trip. "Tara."

"Teka-teka-teka!" Hinila nya rin pabalik yung braso nya.

Tiningnan ko sya. "Bakit?"

Namumula ang pisngi ni Lenny. "Seryoso ka?"

I laughed hard. "Syempre... Hindi."

Hinila ko yung kamay nya. Hinawakan nya rin yung kamay ko kaya basically, para kaming nag ho-holding hands.

"Bawal mag PDA dito." Sabi ni Maddy while smirking.

Binitawan ko agad yung kamay ni Lenny. "S-sira ka."

"Awe, kinikilig ka yata eh." Asar ni Maddy.

Sumagot naman si Lenny. "Oo, lagi talagang kinikilig sakin ang ate mo. Ewan ko ba dyan." Hinawakan nya ulit yung kamay ko.

Halos lahat talaga sasabayan nya. Baka isipin ng kapatid ko na totoong may namamagitan samin.

"Baliktad yata, ikaw nga 'tong patay na patay sakin." We are still holding each other's hand.

Maddy rolled her eyes. "Ew, masyado kayong in love. Dyan na nga kayo."

Di nya rin kinaya. Bitter parin talaga sa mundo yung kapatid ko. I thought maybe this time may crush na sya or something. But anyways, iba-iba naman kasi ng hilig ang tao. Sigurado ako'ng iba yung hilig ni Maddy. It involves fictional characters.

Pag-alis ni Maddy, nagkatinginan kaming dalawa at napatawa. "Bagay talaga siguro tayo." Inakbayan ko si Lenny.

I don't want to lead her on or something, pero masyado na ako'ng komportable kasama sya kaya madali lang din sakin magbiro at makipaglandian ng walang halong malisya. If that makes sense.

Mrs. AmoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon