(4) Penny for your Thoughts?

782 34 4
                                    

Gulat parin ako, at the same time nagtataka kung paano at bakit sya nandito.

Umupo sya sa tabi ko. Wala syang sinabi.

Dug'dug'dug'dug'dug.

My heart is beating fast again. Sa tuwing napapalapit sya sakin ganito nalang lagi. Nag-aalala na nga ako baka isang araw atakihin na ako sa puso. Normal ba to?

Tinitigan ko ang mukha nya, curious kung pano nya nagagawa ang ganoon kalakas na epekto sakin, at kung meron din ba ako sa kanya? Pfft. Malabo, kay kuya Randy siguro meron.

Suddenly, lumingon sya sakin dahilan para magka eye to eye contact kami. Akala ko wala nang ilalakas ang pagtibok ng puso ko pero meron pa pala. Should I start worrying now?

My breath hitched when she smiled. Gaaash. Anong nangyayari sakin? "Penny for your thoughts?" marahan nyang tanong.

Narinig nya ba ang nangyari sa bahay? Ayst. Malamang, sigawan na yun eh.

I shook my head. Tumingin ako sa sapa. It's so calm. "Ano po ang ginagawa nyo dito?"

"Naka upo." maikli nyang sagot.

My head snapped in her direction. Naka tingin din sya sakin habang naka smirk.

"Ha-Ha." sagot ko sa joke nya. Pero napa ngiti din ako don.

Mas lumapit pa sya sa akin saka isinabit ang kamay nya sa balikat ko. Well, there goes the butterflies in my freaking belly.

"May narinig kasi akong sigawan.. Hindi naman sa nakiki isyoso ako. Nag-alala lang ako kaya lumabas ako ng bahay.. At ayun, nakita kitang.. Uhm tumakbo papunta dito kaya sinundan kita.. " paliwanag nya sakin.

"Nag-aalala ka sa ano?" I asked curiously.

"Sayo.. " Mahina nyang sagot.

Napalingon ako bigla sa kanya. Nag blush sya ng konti. She cleared her throat and removed her hand from my shoulder.

Na miss ko kaagad ang contact. Analmig kapag wala ang kamay nya. Iniangat nya ang tuhod nya saka niyakap ang mga kamay nga rito.

"I mean, nag-alala ako sayo, kay Lance, at kay Melody. Alam mo na, baka maipit kayo sa away ng mga magulang nyo." She explained softly. Pero alam ko meron pang ibang dahilan ang pag-aalala nya. Sa boses nya palang, I can sense that she's holding something back.

Tumango ako. "Salamat po. Kahit na, noong isang araw ko lang kayo nakilala, grabe ang pagmamalasakit nyo saming magkakapatid."

She's beautiful, inside and out. She's perfect. Napaka swerte ni kuya Randy. Pero hindi ko ikakaila na nagseselos ako.

Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag iyak ko. Dahil ba sa fact na maghihiwalay sila mama at papa? O dahil may gusto ako sa isang taong hindi kaylan man mapapa sakin?

Either way, it hurts. I cried, 'cause I thought it's the only way that I'll be able to ease the pain, until I felt two soft arms wrapped themselves around me. She murmured comforting words, and held me tighter.

"Shhh. Tahan na, magiging okay din ang lahat."

Just like that, I feel safe again. 

Niyakap ko rin sya. "Salamat.." bulong ko malapit sa tenga nya. She shivered for a moment.

Naghiwalay kami sa pagkakayakap namin sa isa't isa. Tinitigan nya ako sa mga mata.. Tapos sa labi ko.

I gulped hard. Panaginip ba to? Para makasigurado, hinawakan ko ang pisngi nya. Napakalambot nito. Totoo nga, totoo sya.

Mrs. AmoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon