Nagising ako nang makarinig ng malakas na katok galing sa pinto. Sinubukan ko na matulog ulit pero kumatok ulit ang tao sa labas ng kwarto ko kaya napilitan akong bumangon. Isang mata ko lang ang nakaya kong buksan kaya tinanggal ko lang ang pagkaka-lock ng pinto saka bumalik ulit sa kama.
Maya-maya pa ay narinig ko ang bunganga ni Madison. "Ate! Gising na! May bwisita ka sa baba!"
I groan in annoyance. Ibinaon ko pa lalo ang mukha ko sa unan. Bwisita nga talaga.
"Uy! Bumangon ka na nga! Hinahanap ka nila!" Rinig sa boses ng kapatid ko ang pagka-inis.
Pinilit kong bumangon sa kama. This time, nabuksan ko na ang dalawang mata ko. Alam ko kung sino ang tinutukoy nyang bisita.
"Sandali lang kamo."
Tumango sya saka lumabas. Ang kapatid ko kasi may pagka bitter ng konti, hindi lang samin kundi sa lahat. Ayaw nyang makipag socialize. Ewan ko ba dun kung anong problema nya sa mundo. Puro libro, aral, at movies inaatupag nun. Buti nalang kamo cool ang ate nya kaya pagdating sa school, walang nagtatangkang mambully sa kanya dahil hmp! Basag sila sakin.
Kinuha ko ang cp ko sa ilalim ng unan para tignan ang oras. Napa irap ako nang malamang mag-aalas nwebe palang pala. Pagkatapos kong magbihis at mag toothbrush, bumaba ako sa sala.
Ayun, nakaupo ang tatlong mokong sa sofa habang nanonood ng cartoons kasama ang bunso kong kapatid.
Tumakbo sakin si Lance ng mapansin nya ako. "Atee"
I bent down and kissed him on his cheeks. "Morning kidoo" ginulo-gulo ko ang buhok nya. He chuckled then ran back to his previous spot in front of the large screen television. He's so sweet. I love him so much.
"Ay salamat! Nagising narin sa wakas!" Sabi ni Miko na may dramatic expression pa sa mukha na akala mo naman ay ilang taong naghintay.
Inirapan ko sya habang nakangiti. "Bitch." I know it sounds weird pero saming mag babarkada, it's more like a compliment.
Yeah, it's really weird.
"Ang tagal mo! Ginugutom na kami!" Reklamo ulit ng isa ko pang kabarkadang timang na si Lenard. I swear! Sa pagkain lang umiikot ang mundo naming magkakaibigan. Ang nakakamangha lang ay, hindi kami tumataba! We're so lucky!
"Sira ulo! Wala sakin yung ref, andun sa kusina." Sagot ko saka sumiksik sa gitna ni Miko at Freah. "Teka nga, ba't ang aga nyo yata dito?" Inisa-isa ko sila ng tingin.
"May practice tayo sa choire Ms. Makakalimutin!" Sagot ni Freah.
"Yeah, Kaya magbihis ka na dyan at ipaghanda mo na kami ng almusal." Dagdag ni Miko.
I shook my head then laughed. Malahalimaw silang kumain, maliban nalang samin ni Freah. Nasa pagkain nga umiikot ang mundo namin pero di ibig sabihin nun, kasing laki din ng mundo ang kinakain namin. Sadyang tradisyon lang talaga sa barkada namin na magpakain ang may bahay. Kahit na ma late sa lakad basta nakakain. Meryenda, almusal, tanghalian at hapunan, kapag natyempuhan na tambayan ang bahay mo, mapipilitan kang mag grocery ng wala sa oras kapag nakulangan ang stock. Pero okay lang dahil salit-salitan naman kami.
Nagshower ako saka nagbihis at dali-dali silang pinakain kasama ng mga kapatid ko. "Maddy naka-alis na ba sila mama at papa?"
Tumango sya. "Kanina pa. Ay, pinapasabi ni mama na mag grocery ka daw."
I rolled my eyes. "Ba't di ikaw ang gumawa?"
Naka smirk ang loko saka nag shrug. "May assignment ako."
Napa scoff ako. Alam ko na wala naman talaga syang assignment. "Assignment mo mukha mo. Lagi ka nalang may assignment kapag inuutusan ka ni mama."
"Eh, masisisi mo ba sila kung hindi sila naniniwalang gumagawa ka din ng assignment?"
BINABASA MO ANG
Mrs. Amora
Lãng mạnMaayos ang buhay ko dati. Wala akong ka proble-problema. Papasok sa school, maglalakwatsya tapos uuwi at matutulog. Masarap ang buhay kapag walang lovelife. Walang sasagabal sa gusto kong gawin. Pero nag umpisang magbago ang buhay ko nang magkaroon...