(7) Overthinking

1K 51 13
                                    


Patapos na yung shift ko ngayong hapon. Nag dadalawang isip pa ako kung papayag sa alok ni Lenny o hindi. Lenny is a cool girl. Alam ko na may gusto sya sakin pero malinaw naman na siguro sa kanya na wala akong gusto sa kanya diba? Kung sakaling hindi pa, kaylangan ko na talagang linawin. Ayokong nagseselos si Nathalie.

It bothered her so much. Insecure sya dahil marami daw dyang mas bata at mas maganda sa kanya at mas bagay pa sakin. Like, seriously?! Mas bata oo. Pero Mas maganda? Ha! Never. Pang model yung katawan at mukha ng girlfriend ko. Anong panlaban nila dun?

Kahit na nasasaktan ako sa tuwing maglalambingan sila ni kuya Randy, hindi ko parin sya magawng iwan. Minsan naiisip ko rin na sumuko sa tuwing nararamdaman ko na sobra na. Alam mo yung tingin ng mga mata nya sayo, ay katulad ng tingin ng mga mata nya sa iba? That loving gaze she would give me when we're together. Yep. Ganun din nya tignan yung asawa nya. Meron nga one time, kinaylangan pa namin ni Freah at Miko na mag out ng maaga sa trabaho dahil sobrang nasasaktan na ako. Alam na rin nila Miko at Lenard. Bestfriend ko sila so dapat lang na sabihin ko. Anyway, yun nga. As usual dumaan ulit si kuya Randy sa shop ng asawa nya at habang nagku-kwentuhan napadaan ako at aksidenteng narining ang usapan nila.

Hulaan nyo kung tungkol saan?

Sex. Freaking sex!

Alam ko naman eh. Hindi yun maiiwasan pero deym! Ang sakit lang talaga.

Mukhang narinig din yun ni Miko at agad syang napatingin sakin. His worried eyes searched mine. I gave him a small sad smile. He just shook his head. Hinila nya ako papunta sa stock room tapos ayun, bumigay na ako. Bumukas ang pinto, nakita kami ni Freah. Mukhang may kukunin yata sana sya rito. Tinanong nya kung anong nangyari at Ikinuwento naman agad ni Miko. Umalis sya agad. Pag balik nya, pinahubad nya samin yung uniforms at sinabing pupunta raw kami sa ice cream shop.

So yeah. Ice cream + bestfriends = comfort.

Hindi naman sinasadya ni Nathalie eh. Ginusto ko ito kaya dapat panindigan ko. Alam ko yung pakiramdam at sakit na dulot ng selos at ayokong maramdaman yun ni Nathalie.

So, papayag ako na makipagkita kay Lenny para linawin na hindi ako intiresado.

Lenny: Nasaan ka na? <3 Nandito ako sa labas.

May gusto nga sya sakin.

Me: Palabas na ng shop. See yah.

Okay! Here goes nothin'

Paglabas ko ng shop nakita ko si Lenny na nakatayo at may dalang green roses.

Sobrang nagustuhan ko yung green roses na bigay nya sakin. Obviously, hindi ito totoong rose but green is my favorite color and well.. I love roses.

"Thank you." Niyakap ko sya ng mabilis

Napa ngiti sya hanggang tenga. "Nagustuhan mo?"

Tumango ako bilang sagot.

She playfully sighed in relief. "Phew! Salamat naman."

We both laughed.

"Tara na." isinabit nya yung braso nya sa braso ko tapos sabay kaming naglakad papunta sa park.

"Uhm.. Lenny?"

"Yep?"

Pano ko ba sasabihin?

"Hindi to date diba?" I sighed internally. Way to go Serenity! Ang tanga mo promise!

She chuckled. "Depende sayo. Kahit ano lang naman sakin basta kasama ka." Tumingin sya sa mga mata ko. I felt nothing. Walang spark yung mga mata nya. Hindi nya napapatibok ang puso  ko ng mabilis gaya ni Nathalie.

Mrs. AmoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon