(9) Regrets

551 38 7
                                    

Three weeks. Three weeks mula nang magbago ang lahat. Wala na kaming ugnayan sa isa't-isa. Nag resign ako sa trabaho dahil obviously, mas lalo lang akong mahihirapan. We never talked to each other again. Iniiwasan ko sya hanggang sa makakaya ko.

I cried myself to sleep every night tapos pakiramdam ko nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay pati narin makipag-usap sa mga taong nakapalibot sakin. Sobrang miss ko na kasi sya eh, and knowing that I can't talk, hold and make her smile like I used to.. It's just too much. Mas masakit ito kaysa sa sakit na naramdaman ko dati habang kami pa. Atleast dati napapawi ang sakit kapag hinahalikan nya ako, niyayakap at sinasabihan ng I love you.

Pero ngayong wala na yun lahat, puro sakit nalang yung nararamdaman ko. Walang Nathalie na papawi sa bawat hapdi.

Mas lalo pang nadurog ang puso ko nang makita silang pumasok ng simbahan habang magkahawak ng kamay. Nakangiti sila, habang ako ay nakatayo habang tinitignan ang pinaka mamahal ko'ng babae na hawak-hawak ng asawa nya. Ang taong totoong nag ma-may ari sa kanya.

Naiiyak nanaman ako. I wish I was him. Dapat hindi na ako nagreklamo! Sana hindi nalang ako nanumbat!

I tried to look away but it's too late. She caught me staring at her. Natigilan ako sa kinauupuan ko. Hindi ko magawang umiwas ng tingin at mukhang ganoon din sya. After what felt like an hour when in reality five seconds lang, nagkaroon ako ng lakas para lumingon sa ibang direksyon.

Sa buong misa, hindi ko mapigilang magnakaw ng sulyap sa kanya paminsan-minsan. Okay, maybe madalas. Can you blame me? She look so beautiful in that dress. It's almost like she's teasing me. Her dress hugged her body perfectly and her long toned legs are showing.

Napatalon ako ng konti nang sikuhin ako ni Lenard. "Tama na nga yan." Nag-aalala nyang saway sakin. "Maawa ka naman sa sarili mo." He shook his head.

Napayuko ako kasi alam ko na tama sya. I'm only torturing myself by looking at the person I love with someone else.

We all stood up, para sa patapos na kanta.

Pagkatapos ng misa, dumiretso ako sa bahay. Simula nang maghiwalay kami ni Nathalie, hindi na ako masyadong nakikipag bonding sa mga bestfriends ko. What's the point? Pano ako mag e'enjoy kung durog na durog ang puso ko?

"Ate Sen!" Tawag ni Maddy sa kabila sabay katok.

"Bakit?!" irita ko'ng tanong tapos ibinaon ang ulo sa unan.

"Pinapatawag ka ni mama. Bilis! kakausapin ka raw nya."

"Sabihin mo tulog ako." ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog kung sakali man na umakyat dito si mama. Expert na ako sa pagtulog dahil lately, yun lang ang ginagawa ko.

"Bahala ka nga dyan! Isusumbong kita!"

Bahala din sya. Basta matutulog ako.

____________

I yawned while stretching my arms. Nakatulog nga ako. Ano'ng oras na ba?

Bumangon ako tapos kinuha yung cellphone ko sa table katabi ng kama. Alas dose na ng tanghali. Tatlong oras din pala yung tinulog ko. Lumabas ako ng kwarto na naka sports bra at shorts lang dahil akala ko wala namang ibang tao rito maliban samin.

Well, I was wrong.

Nagulat ako nang may madatnang bisita sa living room.

What the heck is she doing here?

I just stared at her, dumbfounded. Still confused. Finally, nagsalita na ako.

"Uh..? Hi?" I asked with a puzzled look on my face. Though, tumitibok na ng mabilis ang puso ko.

Mrs. AmoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon