This past few days, hindi ko maiwasang maging cold sa kanya. Sobrang selos na selos na ako. Nakakapagod ang ganitong klase ng relasyon. Patago, may kahati, at higit sa lahat wala na akong ibang naramdaman kundi sakit.
It hurt me so much to see her with him. Gusto ko ako lang yung tititig sa kanya na para ba'ng sya lang yung mundo ko, gusto ko ako lang yung dahilan ng napakaganda nyang ngiti, gusto ko ako lang yung yayakapin nya, mamahalin nya, at makakasama nya habang buhay.
But it's time to face reality. I will never be that person. She's inlove with him. Oras na para palayain sya at ang sarili ko.
"Serenity?"
"Serenity!"
Napatalon ako ng konti. Tumingin ako kay mama. "Bakit po?"
"Kanina ka pa tulala dyan ah? Yung kapatid mo oh pinaglalaruan na yung cellphone mo"
Agad ko namang inagaw yung cellphone ko kay Lance. Pagbukas ko ng phone andami nyang selfies! Puro dahi nga lang yung kita.
"Ikaw talaga Lance! Ayusin mo nga kapag nag selfie ka. Tara dalawa tayo."
Kinalong ko sya tapos nag selfie kami. "Smiiiiiiiiiilllllllleeee"
He made a cute pose.
May narinig ako'ng katok sa pintuan kaya ibinaba ko muna sya. Na'ng malapit na ako bigla ko'ng naapakan yung laruan ni Lance kaya nadulas ako.
Ay wow, ang malas ko grabe. Malas na nga sa love life, malas din sa buhay!
Tatayo na ako pero biglang bumukas yung pinto. Na shock ako ng konti nang makita si Nathalie.
Di muna ako nakagalaw kasi first, ilang araw ko na syang iniiwasan. Second, she look so freaking sexy in those jeans. Lastly, she look pissed.
Nag iba yung expression ng mukha nya nang ma pansin nya yung posisyon ko. "Ano'ng ginagawa mo dyan?"
"W-Wala. Sinusubukan ko lang kung malinis yung sahig namin. May kaylangan ka kay mama? Teka lang tatawagin ko sya."
Bago pa ako makaalis hinawakan nya yung braso ko tapos hinila ako palabas ng bahay.
Dinala nya ako sa bahay nila. "Nath ano ba? May ginagawa pa ako sa bahay."
"Mag-uusap tayo." Mariin nyang sabi.
"Teka, hindi naman ako pumayag ah? Kidnapping 'tong ginagawa mo eh."
"Manahimik ka muna dyan Serenity." binuksan nya yung bahay at pinapasok ako. Nanahimik ako bigla. She can be scary sometimes.
Itinikom ko nalang yung bibig ko. Galit na galit kasi sya baka hindi na ako makalabas ng buhay dito. Hehe charot lang. Baka pilay lang naman abutin ko.
Umupo ako sa sofa nila. Napahilamos ako ng mukha dahil eto nanaman. Away, away away, walang katapusang away.
I just sat there without saying anything. Hindi lang sya ang galit, hindi lang sya ang nasasaktan.
Pinilit ko na magpanggap na masaya these past few weeks. Ngumingiti ako, tumatawa, at nagbibiro sa harap ng mga kaibigan at pamilya ko. God knows how hard I cry every single night before I put that mask.
Nagtataka nga ako kung ba't di pa ako nababaliw hanggang ngayon. Or maybe baliw na nga, kasi sa dinami daming tao dito sa mundo, na in love ako sa taong may asawa.
"Ilang araw ka na'ng hindi nagpaparamdam sakin." Magkahalong lungkot at galit ang makikita sa mukha nya. "Alam ko naman kung bakit. Alam ko na pagod ka na pero sana kinausap mo nalang ako kaysa umiwas. Alam mo ba na sobrang nag alala ako? Hindi ko alam kung ano'ng iniisip mo! Ilang araw na ako'ng walang tulog dahil hindi ako sanay na iniiwasan mo ako ng basta nalang."
"I'm sorry" was all I said. Nakakapagod narin kasi mag explain. Pagod na din ako'ng umiyak.
"Yun lang? I'm sorry?" She scoffed. "I think you can do better than that." Galit nyang sabi.
"Well, what do you want me to say? Na gusto sana kitang kausapin kaso, baka magalit ang asawa mo?" I asked sarcastically.
Napipikon na sya sa mga sinasabi ko. But I couldn't care less. Lahat ng naipon ko'ng sama ng loob, unti-unti na'ng lumalabas. Hinayaan ko lang ang sarili ko'ng magsalita. "Bakit, available ka ba laging kausap? Pwede ba kitang takbuhan, yakapin, o iyakan sa tuwing nasasaktan ako? Diba hindi?!"
"Sen.." Yayakapin nya sana ako kaso linayuan ko sya.
"Halos mamatay na ako sa selos sa tuwing naglalandian kayo sa harap ko! Ang mas masakit pa, wala manlang ako'ng magawa..."
Huli ko na napansin ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha galing sa mga mata ko. "Araw-araw, hinihiling ko na sana hindi nalang ikaw. Na, sa iba nalang ako nahulog. Pero araw-araw nararamdaman ko parin ang pagmamahal ko sayo... Nath, gulong-gulo na ang utak ko. Hindi ko alam ang gagawin" I started sobbing. Helplessness is evident in my voice.
Lumapit sya para yakapin ako. Iyak ako ng iyak sa balikat nya. I know she's crying too pero hindi kasing tindi ng sakin. I'm a cry baby.
Humiwalay ako sa yakap nya at tinitigan sya. "I love you Nath. I really do. Kaya kitang ipaglaban, pero sa sitwasyon natin? Kahit saang anggulo, ako lang ang talo dahil ako lang din naman mag isa ang lumalaban."
She didn't say anything.
"Iniwasan kita kasi whenever I look at you... All the doubts, sadness, and pain... bigla nalang nawawala. Sa tuwing magkasama tayo hindi importante sakin kung ano lang ako sa buhay mo. You made me feel things that I never felt before. I feel safe, and contented... and I just want to be with you in every single minute of my life. That's why I know..." I shook my head. Naiiyak nanaman ako. "I should just let you go. You will never be mine. At least not only mine... I don't want to share the most precious thing I have with someone else... I can't... I'd rather not have you at all"
She started crying hard. I'm guessing she already knows where i'm going. "Masaya ako'ng nasabi mo na ang mga gusto mo'ng sabihin. Honestly, I don't know what to say either aside from sorry. I know you were hurting." Kinuha nya ang mga kamay ko at hinalikan. "Pero mas pinili ko na maging selfish. Hindi ko lang sinasabi pero gustong-gusto narin kitang pakawalan. Pero kasi, ang hirap. Hindi ko kaya Serenity... Mahal kita, and I can't imagine myself living without you..."
If you love someone you need to let them go right? Pag walang ako, hindi na magiging komplikado ang buhay nya. Hindi nya na kaylangang mamili. Besides, i'm just a teenager after all. There's more time to heal after this break up.
"You're not selfish. You gave me a chance remember? You could've ignored me."
"But I didn't. Nahulog ako sayo nang di ko napapansin. Pero, sa tingin ko tama na. Hindi ko na pwedeng unahin ang nararamdaman ko. Ayokong nasasaktan ka Sen..." Sabi nya habang umiiyak.
"Nat-"
"Sen, o-okay lang. You don't have to explain. Kasalanan ko ang lahat. Wala akong ibang ginawa kundi pahirapan at saktan ka. You deserve someone better. At hindi ako yun."
If she only knew, na wala nang mas hihigit pa sa kanya para sakin...
Idininikit nya ang mga noo namin. She whispered "magiging tayo ulit balang araw."
She kissed me one last time before pushing me away.
____________________
Hey wassup? Kung sino man ang may gusto dyang magbasa☺️
Xoxo,
Kleng💞I'll start updating as much as I can😅😁
BINABASA MO ANG
Mrs. Amora
RomanceMaayos ang buhay ko dati. Wala akong ka proble-problema. Papasok sa school, maglalakwatsya tapos uuwi at matutulog. Masarap ang buhay kapag walang lovelife. Walang sasagabal sa gusto kong gawin. Pero nag umpisang magbago ang buhay ko nang magkaroon...