Serenity's POV
Kaylan ba matatapos 'tong sakit? I can't believe I said that to her. Ang hirap ipagtabuyan ng taong gusto mo'ng makasama habang buhay. Mahalaga sya sakin, at alam ko na sya lang ang babaeng mamahalin ko. She's the only person who can instantly make my heart beat like I've ran a thousand miles. Her smile never failed to warm my heart and made me feel those little butterflies inside my stomach. Sa tuwing tititigan ko sya, kuntento na ako. Parang wala na ako'ng kaylangan sa mundo. She's my world after all.
Now, I have to create another one. A world without her.
Oo nasaktan ako kagabi, but it's not like I've never seen them do it before.
Ang pinaka rason kung bakit ko sya itinulak papalayo ay alam ko na mas makabubuti sa kanya na mawala ako sa buhay nya ng tuluyan. It will be the best for her, and I guess it will be best for me too.Besides that, I'm nothing compared to her husband anyways. He's matured, handsome, and can provide everything she need. While me? Para lang ako'ng langaw na aalibad-bad sa kanya. Isang napaka walang kwentang langaw.
Hindi ako insecure dati kay kuya Randy. Nag focus lang kasi ako kay Nathalie at sa nararamdaman ko. I didn't think about him much back then and i'm thankful for that. If I did, nabaliw na talaga siguro ako.
Ngayon lang nagsilabasan ang insecurities ko. It really bothered me to the point na hindi ako nakatulog hanggang madaling araw. The bright side though is na realize ko ng mas maigi ang tunay na katayuan ko sa buhay nya.
Isang sagabal.
I'm not mad at her for kissing her husband. Yeah, it hurts like hell but I mainly did what I did for her own sake.
To stop myself from thinking too much again, pumunta ako kila Lenny. Lately, lagi na kami'ng magkasama whether sa school o sa galaan.
Pinapatawa nya ako lagi. Alam ko na nahahalata nya rin na malungkot ako. My face literally screamed 'broken'. Especially during the first week after namin mag usap ni Nathalie. But, she never asked why, or what happened. Wala, nandyan lang sya para sakin. Para damayan ako kahit na hindi ako nag o-open up sa kanya. Iniintindi nya ako lagi. I owe her a lot.
Syempre aside from her nandyan din ang barkada ko. Ginagawa nila ang lahat para aliwin ako. Bumalik yung dating gawi namin. Naglalaro kami ng LOL during lunch time, tumutulong sa simbahan, at sabay-sabay na nanonood ng anime. Yep! still childish as ever, but I love it.
Nag text ako kanina kay Lenny. Sinabi ko sa kanya na magkita kami sa park. Gusto nya sana sa bahay nalang mag chill kaso hindi pa ako nakakapag linis. Magaling na ang paa ko kaya medyo na miss ko rin na maglakad-lakad.
Mga ilang minuto din ang lumipas bago sya dumating. As usual, naka ngiti sya at ready na manghawa ng masayahin nyang vibe. "Sen-sen!" Pinisil nya yung pisngi ko.
"Araaay!" I smacked her hand. "Baka lumapad pa lalo yan sa kakapisil mo eh" reklamo ko habang hinihimas yung pinisil nyang part.
Tumawa sya at sumagot. "Eh ang cute mo kasi!"
"Alam ko na yan. Kaya nga wag mo na dagdagan, okay na ako sa level ng cuteness ko."
"Ay, laki agad ng ulo? Binibiro lang naman kita eh, naniwala ka naman agad"
"Jokes are half meant" I replied.
"Edi half cute ka lang" umupo sya katabi ko dito sa bench.
"At least cute" sagot ko.
Tapos sumagot din sya "At least joke"
"Pero cute parin"
"Pero joke lang"
![](https://img.wattpad.com/cover/128218429-288-k167174.jpg)
BINABASA MO ANG
Mrs. Amora
RomanceMaayos ang buhay ko dati. Wala akong ka proble-problema. Papasok sa school, maglalakwatsya tapos uuwi at matutulog. Masarap ang buhay kapag walang lovelife. Walang sasagabal sa gusto kong gawin. Pero nag umpisang magbago ang buhay ko nang magkaroon...