(2) Bonding

1K 50 8
                                    

Pagkatapos naming mag linis ng mga kabinet at mag-ayos ng mga designs, inusog naming dalawa ang sofa sa gusto nyang pwesto. Kanina pa kami tulak ng tulak nito dahil hindi sya makapag decide kung saan mas maganda. Mabuti nalang nasatisfy na sya sa pwesto dito malapit sa may binta kasi pagod na pagod na ako at di ko na alam kung kakayanin ko pang itulak ulit to sa ibang pwesto kapag hindi pa sya nakuntento ulit.

Kung sakin lang kasi pare-pareho lang naman ang kalalabasan, upuan parin!

Pawis na pawis kami pero andaya nya. Sya napakaganda parin. Ang pawis sa katawan nya hindi nakaka turn-off. Kabaliktaran pa nga eh.

"Sen? Tulala ka yata? Napagod ka ba ng husto? Pasensya na sa abala."

Ang akala nya tulala ako dahil napagod ako sa ginawa namin.

Pfft, ngayon lang sya nahiya kung saan tapos na kami? Haha. Joke lang! Nag enjoy naman ako na tumulong sa kanya eh. At saka, hindi naman ako papayag na sya lang mag-isa ang gumawa ng lahat ng to. Kung tutuusin nga pagdating ko kanina sobra kalahating gawain na ang natapos. Imagine, eto pa nga lang pagod na ako tapos sya pa kaya? Haayst. Sana mas napaaga ako ng daan.

Syempre, nagreact agad ako. "Hindi po ah! Sus, ito lang? Paper lang to sakin." Sabi ko na may halong pabiro na pagyayabang.

Her face looked relieved. "Sigurado ka?" Tumango ako. "Salamat talaga sa tulong. Hindi to matatapos kung wala ka. Pano ako makakabawi sayo?"

I shook my head. "Hindi na po tulong ang tawag sa ginawa ko kung hihingi lang din naman ako ng kapalit.. At saka, kaylangan ko na po'ng umuwi at bisitahin ang shower. Ang baho ko na eh." Sabi ko sabay amoy sa sarili.

Tumawa sya. "O'sige. Ako ngarin kaylangan narin ng ligo."

Hinatid nya ako hanggang sa may pintuan. Bago ako tuluyang makaalis ay nagpasalamat ulit sya sakin.

Pagdating ko sa bahay, as promised nag shower ako. Sinigurado ko na walang natirang libag sa katawan ko dahil baka makita ni Mrs. Amora, nakakahiya!

Habang naliligo, hindi ko parin maisip kung bakit hindi ko mabanggit ang pangalan nya kapag magkaharap na kami. Parang napaka sagrado ng pangalan nya at di ako karapat-dapat magbigkas nun. Oo na! Ako na ang praning! Pero kung kayo ang nasa sitwasyon ko, malamang maiintindihan ninyo ang ibig kong sabihin.

Sige na nga, papababawin ko.

Nahihiya akong tawagin sya sa pangalan nya.

Bakit?

Hindi ko rin alam. Okay na? Malinaw na ba?

Pero ang good news, sya nakakausap ko. Ako kasi yung tipo ng taong hindi makapag eye-contact sa crush. Halimbawa, pagnakasalubong ko sila it's either yuyuko ako or diretso lang ang lakad. Sa lahat ng torpeng tao dito sa mundo ako ang pinaka torpe. Hindi ako gumagawa ng move dahil ayokong ma-reject. It's not that i'm ugly. Trust me, i'm not! Maraming nagkakagustong lalaki at sometimes babae sakin. Sa isip nyo siguro dapat malakas na ang self confidence ko nun, well mahilig ako sa hopeless romantic and..... Guess what? Ding-ding! Madalas akong magkagusto sa mga taong out-of-my-league. Kung sa tagalog pa ay, hanggang pangarap lang. Straight girls, teacher, fictional, and so on.

Ay, muntikan ko na palang makuha si Straight girl pero, hindi din naman naging kami dahil.. Ya know.. Takot ako dahil baka hindi ako maging sapat sa kanya or.. Watsaevah. I'm starting to think that i'm also scared of comittments. But watevah. Being single is fun!

And anyway, I know nagtataka kayo kung ba't si church girl nagkakagusto sa babae? First of all, hindi dapat kayo nagtataka. Second, hindi dapat kayo nagtataka.
Third, hindi dapat kayo nagtataka dahil there's nothing wrong with it as long as hindi tayo nangangaliwa.

Mrs. AmoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon