Warning: Contains mature/sexual content. Feel free to skip if you don't like the scene.
Natulala ako pagkatapos marinig ang sinabi nya. I can't believe she'd do that. Plano ba nya na bumawi? Titiisin nya yung selos kay Lenny, gaya ng pagtiis ko dati ng selos kay kuya Randy?
Ano'ng ibig sabihin nyang 'kapag pwede na'?
Hihiwalayan nya ba si kuya Randy?!
Tumayo ako at hinabol sya sa labas. "Naaath!" Pagbukas ko ng pinto, nakita ko syang palabas palang ng bahay.
"Nath!" Tinawag ko ulit sya. Lumingon si Nathalie at huminto.
Dahan-dahan ako'ng naglakad papunta sa kanya. "A-ano'ng ibig sabihin mo kanina?"
She raised her brow. "So, may paki-alam ka na ngayon?"
I rolled my eyes. "Ayoko ng away." She scoffed at my statement.
"Stop acting like a child, will you?" Sabi ko sa kanya nang di parin sya sumagot at tinitigan lang ako.
"You're the one who's acting like a child. Kanina lang pinapagtabuyan moko, tapos ngayon gusto mo ako'ng kausapin?"
Sumagot ako. "Oo, may gusto lang ako'ng itanong. Ano'ng ibig sabihin ng 'kapag pwede na?'" I air quoted the last sentence.
"Hindi na importante yun. Gagawan ko iyon ng paraan mag-isa. You can be with Lenny. Either way, wala naman ako'ng karapatan diktahan ka." Lumabas si Nathalie pagkatapos nyang mag salita.
Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung dahil sa bola, or dahil kay Nathalie.
Habang kumakain kami ng hapunan, panay ang tingin ko kay Nath. Hanggang ngayon curious parin ako sa kung ano ang pinaplano nya. She caught me staring at her. This time, hindi ako umiwas. I want her to know that I need answers. Like, right now! Kasi kung hindi, mukhang mababaliw ako sa kakaisip.
Hindi nya ako pinansin. Instead, sumali sya sa usapan nila mama at kuya Randy.
Inapakan ko ang isa nyang paa sa ilalim ng lamesa. Napatingin si Nathalie sakin. Masama ang pagkaka titig nya pero I just smirked at her.
She rolled her eyes and ignored me for the Nth time.
She's stubborn. Gusto ko ng answeeeeers! Give it to me woman!
Aapakan ko sana ulit ang paa nya pero mukhang ibang paa yata ang naapakan ko.
"Ano'ng problema mo?" Iritadong tanong ng masungit ko'ng kapatid.
"Sorry, di ko sinasadya." Sagot ko kay Maddison.
Halatang natawa si Nathalie don. Tinakpan nya ng konti ang bibig nya at pasimpleng tumawa.
My heart flutters every time makita ko syang tumatawa.
"Bakit babe?" Tanong ni kuya Randy.
Sumagot sya "Wala, naalala ko lang yung laro kanina."
He nodded and chuckled. "Oo nga, grabe yung impact ng bola sa ulo ni Sen-sen." Lumingon si kuya Randy sa direksyon ko. "By the way, okay ka na ba?"
Namula ako sa kahihiyan. "O-oo. Ang lalakas nyo kasi maglaro eh."
Hinawakan ni Lenny sa ilalim ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at sinabing wag na sya'ng mag-alala.
Naka ilang sorry na kasi sya sakin kanina. Just like the last time, nahiya pa syang humarap agad sakin kaya si Nathalie yung nagbantay sa kwarto.
"Kayong dalawa, kaylan nyo planong magka anak?" Tanong ni mama sa kanila.
Saktong umiinom ako ng tubig kaya nabulunan ako. Napaubo ako ng malakas.
BINABASA MO ANG
Mrs. Amora
RomanceMaayos ang buhay ko dati. Wala akong ka proble-problema. Papasok sa school, maglalakwatsya tapos uuwi at matutulog. Masarap ang buhay kapag walang lovelife. Walang sasagabal sa gusto kong gawin. Pero nag umpisang magbago ang buhay ko nang magkaroon...