(10) Say No To Comeback

542 47 2
                                    

Matagal na mula na'ng dumalaw si papa sa bahay. Mukhang mas maayos na ang sitwasyon nila ngayon ni mama. I hope malapit na rin silang magkabalikan for good.

Binilhan nya ako ng pagkain. Obviously, food is life for me and he knows it.

"Dahan-dahan Serenity, baka mabilaukan ka na nyan." Saway ni papa sakin.

Hindi ko sya pinansin. Naubos ko yung burger ng dalawang subo lang. Kinuha ko yung fries. "Pa, gusto mo?" Alok ko sa kanya.

"Sige na, masaya na ako'ng nakikita ka'ng busog." He smirked. "Tumaba ka na ah" kumento nya.

Natigilan ako bigla. Kinabahan ako at dali-daling binitawan yung fries. Kinuha ko yung tungkod ko tapos pumunta sa harap ng salamin.

Hindi naman ah?!

Lumaki lang ng konti yung tyan ko pero wala namang pinagbago sa ibang parte ng katawan.

Tiningnan ko si papa ng masama. Tumatawa yung loko. "Oh diba, tumigil ka agad?"

"Papa naman eh!" Reklamo ko.

Nag kwentuhan kami ng konti tapos nagpaalam na sya dahil papasok na sya sa trabaho.

Sunod naman na dumalaw sakin yung mga sira ulo ko na mga kaibigan. Naglalaro kami ng video games.

Dahil dalawa lang yung controller, salit-salitan kami. Dinalhan din nila ako ng pagkain kaso mas marami pa yung nakain nila.

Inaasar ako nila Lenard at Miko dahil lampa daw ako. Nakakainis na nga eh.

"Edi kayo sana yung umakyat don!"

Pinagtawanan lang nila ako ulit. "Lausy ka nga kasi!"

I just rolled my eyes at them.

Pabiro nilang hinahampas yung injured na paa ko. Hindi ko alam kung kinulang ba sila sa aruga o sadyang trip lang nila ako'ng inisin.

"Freah! Ano ba, batukan mo nga 'tong dalawang to!" Kaylangan ko na ng back-up.

Pinindot ni Freah yung pause button tapos tumayo at hinampas silang dalawa ng unan. Malakas ang pagkakahampas nya sa dalawa kaya tumigil sila sa panggugulo sakin.

Hayst. Kahit ganito yung mga bugok nato lagi nila akong inaalala.

Nagtatawanan kami at nag kukwentuhan nang may kumatok sa pinto. Tumayo si Leonard para buksan ito.

Pumasok si Nathalie. Nagulat ako saglit pagka kita sa kanya. Mukhang may dala syang pagkain.

Nakasuot sya ng fit na pantalon, at v-neck na shirt. It looks good on her. Damn, naglalaway nanaman ako. Hayst.

I can't help but wonder... Bakit balik parin sya ng balik sa bahay? Tapos na kami. Ayokong umasa at ma attach ulit sa kanya. Gusto nya ba ako'ng pahirapan?

"Naistorbo ko yata kayo" Sabi nya. Medyo nag alangan muna sya ng konti bago pumasok.

"Hindi naman po. Naglalaro lang kami ng video games." Sagot ni Freah. "Ano po'ng dala nyo?"

I rolled my eyes. Mga patay gutom talaga kahit kelan.

She chuckled a little bit. "Buko pie. Napadami kasi yung na bake ko kaya naisipan ko na idala nalang yung sobra dito."

Binigay nya kay Lenard yung pie. Syempre, kinuha nya naman agad at dinala sa kusina. Feeling ko nga kakainin nya yung kalahati dun eh.

"Ooy Lenardooo! Wag mo'ng uubusin yan!" Sigaw ni Freah. Parehas kami ng iniisip.

"I'll try!" Sagot ni Lenard. Halatang may laman yung bibig kasi medyo muffled yung boses nya.

Tumayo si Miko at inalok kay Nathalie yung upuan nya, which is sa tabi ko.

Mrs. AmoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon