(5) Over the Bakod

791 35 2
                                    


I messed up. Hindi ko na dapat ginawa yun. Okay na ang lahat eh! Pero hinayaan ko'ng lamunin ako ng kahibangan, kalasingan at katangahan ko. I should've known. Itong nararamdaman ko, hinding-hindi masusuklian. As much as I tried to tell myself to stop, I just can't. It's too powerful to resist. Like I've been hypnotized and all that shit. Para syang sacred fruit ko. Alam na'ng hindi pwede pero gusto ko paring maangkin. Kahit na ilang beses ko  pa na subukang layuan, may boses na bubulong at laging aakit sakin para bumalik. Ito rin ang tutulak sakin para mahulog sa temptasyon.

Ang boses na yun ay ang puso ko. Kahit ano'ng gawin ko na pagbibingi-bingihan, hindi ito kaylan man titigil sa pagsigaw ng pangalan nya.. I mean, apilyedo. Bakit kaya hindi subukan ng puso ko na isigaw na may asawa na sya? Puso ko to eh!  Dapat sakin sya kumampi!  Dapat yung iniisip nya ay ang kabutihan ko at hindi ang ika-papahamak ko pa. Sino ba ang mabibi-ak pag nasaktan ako? Diba ang puso ko rin? Bakit pinapahirapan ako ng sarili ko'ng puso?! Urgh.

It's been a week since we last talked to each other. Hindi rin naman gumagawa ng effort. Bakit nga rin naman sya mag e'effort? Sino ba ako sa kanya? Hindi ako kawalan!

At bakit ba ako nagagalit ng ganito? Anak ng mansanas may asawa sya! Marami pa naman dyang iba na kasing edad ko at may malaking chansa na mapasakin.

"Serenity!"

Napatalon ako ng konti sa boses ni mama. "Bakit?"

She shook her head in amusement. "Kanina pa kita tinatawag dyan. Nilulumot na yang pagkain. Ano bang iniisip mo?"

Pfft. Andami. Isa-isahin ko kaya sa kanya?  Ay wag nalang. Baka patayin pa nya ako pag nalaman nya na may gusto ako sa kapit-bahay naminnaasawaa sawa. "uhm.. Wala po." sagot ko saka kumain.

"Ate Sen, kinamusta ka pala sakin ni ate Nathalie kanina." Sabi ni Madison.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla at saya. Syempre sinubukan ko na pigilan ang pag ngiti ng sobra baka isipin pa nila mama na nasisiraan na ako ng bait. Pero may lumabas parin na ngiti sa mga labi ko. "Talaga?"

Wow, naisip nya ba ako? Or naalala nya lang ako dahil nakita nya si Maddy? Hm.

Tumango sya dahil may laman pang pagkain ang bunganga nya. Inubos nya muna ito bago nagsalita ulit. "Napadaan kasi ako kanina dun. Binigyan nya pa nga ako ng muffins! Grabe ang sarap!"

Napa pout ako. Gusto ko rin ng muffins! Naiinggit tuloy ako. "Edi wow." bitter kong sagot sa kanya. Kaylangan talagang magpainggit? Actually hindi naman talaga ako masyadong nainggit sa muffins. Mas nainggit ako sa fact na nakakausap nya si Mrs.  Amora tapos ako hindi.

Tumawa si mama at Madison dahil akala nila dahil sa muffins ang reaksyon ko.

Pagkatapos naming kumain, umakyat agad ako sa kwarto bago pa ako mapag utusan sa mga hugasanh plato. Haha, success!

Kumuha ako ng tuwalya tapos pumasok sa CR para mag shower. As usual, kumakanta ako. Gumanda yung mood ko mula nung sinabi sakin ni Maddy na kinakamusta ako ng dyosa kong kapit bahay. Haha! Yeaah, nasa isip nya ako. Ibig sabihin ba nun di sya galit sakin? Sana nga hindi.

Ang sakit na ng pisngi ko sa kaka ngiti. Kumakanta pa ako nyan ha.

It's you babe, and i'm a sucker for the way that you move babe
And I could try to run but it would be useless.
You're to blame. Just one hit and you will know I'll never be the same.

Hindi ko nga alam ang buong lyrics eh. Pero wala akong pakialam. Basta kakanta ako. Yung ugat ko sa leeg lumalabas narin dahil sa sobrang taas ng kanta.

Pagkatapos kong mag shower at toothbrush, nagbihis agad ako ng pantulog. I can't stop smiling.

Isasarado ko na sana ang binta kaso parang bigla akong nabulunan sa nakita ko. Agad na nawala ang mga ngiti ko sa mukha. Na paralyze ako sa pwesto ko..

Mrs. AmoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon