Prologue

50 3 0
                                    

A/N: This is the Sequel of C.A.M.E.R.A.

Enjoy reading!

*****************************

Third Person's POV

Many years later....

"I heard na may bago tayong i-tatraining" ani Irma habang nakatingin kay Yesenia.

"That's right, there will be new stars in our agency" sagot ni Yesenia at uminum sa tasa na may lamang kape.

"Ang mga magiging bagong stars ba ay ang-" Hindi na natapos ni Irma ang kanyang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto at ang iniluwa nito ay si Isabelle.

"They're here" banggit nito, agad naman itong naintindihan nila Irma at Yesenia.

Ibinaba na ni Yesenia ang tasa at lumakad na papalabas.

Tumayo na rin si Irma at napatigil siya nang masagi niya ang isang box, nalaglag ang mga laman nito. Dahan-dahan na pinulot iyon ni Irma dahil sa kanyang nakita na puro litrato. Nakuha ng atensyon niya ang litrato ni Jenna. Pati na rin ang litrato nilang tatlo nila Yesenia at Isabelle noong bata pa sila, nandun din ang baby picture nila Christian.

Tinalikod ni Irma ang litrato nilang tatlo at ang nakasulat dito ay:

"Ich und meine schwester und unsere cousine"

Ito ang nakita nila Christian noong nakita nila ang kanilang baby picture sa isang desk.

Ibinalik na ni Irma ang mga litrato sa box at ipinatong ito sa desk. Lumakad na siya papalabas pero sa kalagitnaan ng kanyang pag-lalakad nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya. Pero, nag-patuloy pa rin siya sa pag-lalakad at nag-hahanda kung may umatake man sa kanya.

"Irma"

Nagitla si Irma nang may humawak sa kanyang balikat, babalian niya sana ito pero napatigil siya nang makita si Pearl.

Dahan-dahang bumitaw si Irma sa kanya. "Inaantay ka na nila Fritz (Isabelle)" ani Pearl. Tumango naman si Irma at lumingon muna sa paligid bago mag-lakad.

Nakatitig lang si Pearl kay Irma habang nag-lalakad ito papalayo sa kanya. Lumingon din ito sa paligid, napakunot ang noo niya nang bigla siyang humarap at may nakita siyang kulay itim na damit na nag-pakita sa gilid ng kurtina pero bigla rin itong nawala.

Lakas loob na lumapit si Pearl sa kurtina upang makita niya kung sino ang nasa ilalim na yun. Nang makalapit na siya mabilis na hinawi ni Pearl ang kurtina at napakunot ang noo nang mapansing may nakasabit sa bintana na isang itim na tela.

Itim na tela? Banggit ni Pearl sa kanyang isip, kinuha ito ni Pearl at tiningnan ng mabuti. Nakita niya sa tela na may isang kutsilyo na nasa gilid nito na nag-sisilbing design sa tela.

Napansin din ni Pearl na bukas ang bintana, sumilip siya dun at may nakitang itim na kotse na nakaparada. Bumaba ang bintana ng kotse at nakita niya ang isang tao na nakamaskara. Bigla itong humarurot papalayo.

Agad na sinarado ni Pearl ang bintana at mabilis na pumunta kila Irma.

"May nakita daw na- Aray!" Napahinto si Pearl sa pag-takbo nang mabunggo niya si Rafael.

"I'm sorry" paghingi ng tawad ni Pearl. "Btw, sila na ba ang mga bagong magiging stars?" Tanong niya habang nakatingin sa anim na nasa likod ni Rafael.

"Yes, at papunta na sila sa training room" tipid na ngumiti si Rafael at inakbayan ang isa sa kanilang anim.

"I'm sure na makakapasa sila dyan" ngiti ni Pearl at tinapik ang balikat ng isa sa kanilang anim.

"Gwapo naman ng ana-" napahinto si Pearl nang hilahin siya ni Emma papalapit sa kanya. "Oh?" Tanong ni Pearl kay Emma na nakatingin kila Rafael. "Gandang Tita mo naman" tawa ni Emma.

The Second MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon