Third Person's POV
5 days later...
"Anne, Nasaan na ang toothpaste?!" Tanong ni Allie na nasa banyo.
"Wala na! Wala ng laman yun tinapon ko na, kumuha ka nalang ulit ng bago" sagot ni Anne na nasa salamin at nag-aayos.
"Nakita niyo yung medyas ko?" Tanong naman ni Christopher habang nakapamewang.
"Napasama ata sa mga damit ko" sagot ni Ralf na nag-susuot ng t-shirt.
"Baba na kayo! Kakain na!" Sigaw ni Miggy na nasa baba na.
"Oo! Bababa na!" Sagot ni Emmie, tumingin muna ito sa salamin bago lumabas ng kwarto at bumaba.
"Ang bango ah!" Banggit ni Christopher habang nababa ng hagdan.
"Nakapag-luto na ako, ah" ani Miggy habang nilalapag ang kanyang niluto.
"Wow" sambit ni Anne at umupo na sa bilog na table.
"Teka, kukuha lang ako ng water" paalam ni Allie bago pumunta sa ref.
"Sabi nila Mr. Ortega mamayang hapon daw tayo mag-kikita" balita ni Ralf, uminom ito ng kape at inayos ang suot niyang salamin.
"Tapos sabi nila madali lang daw ngayon ang training natin, 1 hour lang" singit ni Emmie.
"Wow, 1 hour lang ah" sagot ni Christopher at sumubo ng pag-kain. "Sarap" habol niya.
"Dahan-dahan naman, Christopher" ani Miggy habang nakatitig pa sa kanya.
"Sarap ng luto mo eh, yiee!" Tawa ni Christopher at nasamid dahil sa pag-tawa.
"Allie! Tubig!" Sambit ni Anne.
"Ito na! Ito na" sagot ni Allie at inabutan si Christopher ng tubig.
"Salamat" ani Christopher.
"Dalawang araw nalang! Star na tayo!" Masayang sambit ni Anne.
"Whoo!" Itinaas pa ni Christopher ang kanyang kamay, ang isang kamay ay may hawak na tubig ang kabila naman ay pandesal.
"Natawag si Dad" ani Miggy, "Excuse me" paalam niya bago tumayo at lumayo sa kanila.
"Hello? Dad?" Ani Miggy.
Miguel[ON CALL]:"Kapag tapos na kayo mag-umagahan, diretso na agad kayo dito sa ating meeting room"
"Yes, Dad" sagot ni Miggy bago patayin ang linya.
"Ano daw sabi?" Tanong ni Emmie, pagkapasok ni Miggy.
"Kapag daw tapos na tayo kumain at nakapag-ayos na, diretso na tayo sa meeting room" sagot ni Miggy.
"Okay" sagot ni Ralf. Napatango naman ang iba sa kanila.
"Sakay na!" Sigaw ni Miggy na nasa driver's seat at inaantay sila Christopher na nasa loob pa ng bahay.
Nasa Van na sila Emmie, Ralf, at Allie. Ang iniintay nalang nila ay sina Anne at Christopher.
"Andito na!" Sagot ni Anne habang tumatakbo sila ni Christopher papunta sa Van.
"Pinaka-mabagal mag-handa at mag-ayos, Christopher at Anne" tawa ni Allie.
"That's me!" Ngiti ni Christopher at kumaway pa sa kanila.
"Present!" Singit ni Anne at itinaas ang isang kamay.
"Let's goo!" Ani Allie.
~
"Kailan kayo mag-papakita sa kanila?" Tanong ni Pearl kila Mr. Ortega at Mr. Baldwin.
"2 days pa" sagot ni Mr. Ortega at inayos ang kanyang suot na sumbrero. Napatango naman si Pearl.
BINABASA MO ANG
The Second Mission
ActionC.A.M.E.R.A's Sequel Black Stars Agency has a new stars. And these are Christopher, Anne, Miggy, Emmie, Ralf, and Anne. But, the new stars are not able to do their training well, because they thought is that they are too young to dive into intense t...