Chapter 3: First Training

48 2 0
                                    

Third Person's POV

"Ano? Nakapag-handa na ba kayo sa ating first training?" Tanong ni Emmie sa kanila.

"Ready na ready!" Sagot ni Christopher habang naka-thumbs up.

"Okay, let's go" akit ni Allie sa kanila.
Lalabas na sana sila nang biglang pumasok si Emma sa kanilang kwarto.

"Mommy?" Tanong ni Emmie.

"Uhm, Ready na ba kayo ulit?" Tanong ni Emma sa kanila. Napatango naman sila.

Napangiti si Emma at binuksan ang pinto, sunod-sunod naman silang umalis sa kwarto.

Nang makapasok na sila sa training room, pinaupo muna sila ni Emma at lumilingon-lingon din ito na parang may hinahanap "Wala pa sila" sambit nito.

"Sino po mag-tatraining sa amin?" Tanong ni Ralf. Napatingin sa kanya si Emma at umupo sa tabi niya.

"Isang lalaki at isang babae daw, hindi ko pa sila nakikilala, pero si boss ang kumuha sa kanila bilang tagapag-turo sa inyo" sagot ni Emma.

Yesenia/Boss[ON COMM]:"Malapit na sila d'yan"

"Okay, Boss" sagot ni Emma, napatingin naman sina Miggy sa kanya. "Sino pong kausap niyo, wala man lang po kayong hawak na phone?" Tanong ni Christopher.

"It's a COMM" Sagot ni Emma.

"What is COMM?" Tanong ni Miggy.

Yesenia/Boss[ON COMM]:"Nasa tapat na sila ng pinto"

Napatayo na si Emma at binuksan ang pinto, parehas itong naka-mask kaya hindi ito makilala ni Emma.

Nakipag-kamay ang lalaki kay Emma at napatingin sa anim na kanilang sasanayin.

"Sila ba?" Tanong ng lalaki at tumingin ulit sa anim. Napatango naman si Emma at napatingin sa babae na hindi nag-sasalita.

"Nice to meet you" ani Emma sa babae, napalingon ang babae sa kanya at tumango lang ito.

"Maiwan ko na kayo" ani Emma at lumabas nang kwarto.

"Are you all ready?" Tanong ng lalaki sa kanila.
Inalis nila pareho ang kanilang mask at nanlaki ang mga mata nila Anne nang makilala nila ito.

Ito ay ang babae at lalaki na nakita nila noong nakasakay sila sa van noon.

Napatingin si Allie sa lalaki na nasuntok niya non.

Ngumisi naman ang lalaki sa kanya at itinaas-baba ang kilay.

"Simulan na natin ang inyong pag-sasanay, pero mga ilang oras ay may dadating dito na mag-tuturo din sa inyo" ani ng babae.

Tinuruan nilang dalawa sila Anne ng ibat-ibang paraan kung paano makipag-laban.
Pero... Hindi nila makuhang anim kung paano ito mai-tama.

"We're sorry" paghingi ng tawad ni Anne.
Napapikit naman ang babae at lalaki "Wag kayong humingi ng tawad, seryosohin niyo ito, focus" ani ng lalaki.

"Let's try with weapons" sambit ng babae.

"1! 2! 3---" napatigil sila nang biglang bumukas ang pinto.

"Kami naman" Ngisi ni Mr. Baldwin.
Tumango naman ang lalaki at babae sa kanila bilang pag-bati.

"Let's go" ngiti ni Mr. Ortega sa kanilang anim. Inalis niya kanyang coat at inayos ang kanyang damit. Pansin sa polo ang maganda nitong katawan.

1 hour later...

"Ahh" ani Anne pagkatapos uminom ng basong tubig.

"All of you did a great job" ngiti ni Mr. Baldwin sa kanila at uminom din ng tubig.

The Second MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon