EPILOGUE

18 2 0
                                    

Third Person's POV

Napatigil silang lahat nang marinig ang isang putok ng baril. 

Napatingin sila kay Jenna na napahawak sa kanyang tagiliran na ayaw tumigil sa pag-dugo.

Napatingin siya kila Anne na nasa tapat niya at hindi man lang gumagalaw. 

Napapikit siya sa sakit na nararamdaman at napa-upo sa sahig.

Lalapit sana si jax sa kanya pero biglang may humila dito. 

"Itali sila pareho" utos ni Mr. Baldwin.

"Mr. Baldwin?" sabay-sabay nilang banggit, hindi makapaniwala sa nakita. 

Pinitik ni Mr. Baldwin ang kanyang daliri, "Itali niyo silang dalawa" kalmadong saad nito at tinapunan ng tingin sina Jenna at Jax bago tumalikod. 

"Dalawa lang ang mag-tatali sa kanila, ang matira ay sumunod sa akin" ani niya. 

Agad naman silang kumilos at sapilitan na itinali ang dalawa. 

Napansin nila na papunta sila sa cockpit at nanlaki ang mga mata nang makita nila kung sino ang sumalubong. 

"Hello, Stars" tipid na nakangiting bati ni Mr. Ortega. 

"Let me get this straight, how the two of you escaped?"

"Powers" tipid na sagot ni Mr. Ortega at tumawa ng saglit. 

"Maiba ako, sa sobrang pakikipag-laban niyo kila Jax. Hindi niyo napansin na ang eroplanong ito ay hindi pangkaraniwan. This is a luxury private jet" 

Lumabas silang saglit sa cockpit at tiningnan ang buong paligid. 

"Ay hala, oo nga" bulong ni Christopher. 

"Natali na namin sila" Lumapit sina Allie at Ralf. Sumunod sila papasok sa cockpit. 

"Sa inyo po ba itong plane?" tanong ni Allie kila Mr. Baldwin at Mr. Ortega. 

"Yes, sa akin ang plane na ito. May isa pa, at kay Mr. Ortega yun" sagot ni Mr. Baldwin at inayos ang suot na salamin, inilagay niya rin ang pareho niyang kamay sa kanyang bulsa. 

*Chuckles* "All of you are dumb" saad ni Charls at itinutok ang baril sa ulo ni Mr. Ortega. 

"Kanina pa ako nasa loob ng eroplanong ito, hinihintay ko lang kayo na mag-sama-sama para madali na" tawa nito. 

"Madali na, huh?" bulong ni Pearl at inagaw ang baril kay Charls. 

Nanlaki ang mata ni Charls nang madaling makuha ni Pearl ang baril sa kanya. 

"Skills" Pearl chuckles. 

Isang tango ang ginawa ni Pearl at mabilis na kumilos sina Ralf at hinawakan ang dalawang braso ni Charls. 

Sinimulan namang suntukin ni Pearl ang tyan at mukha nito. 

"That's enough for now" ani niya at pinalakad ito papunta sa upuan at itinali.

"Bakit niyo ba kami gustong kalabanin?" tanong ni Allie. 

Tawa lang ang sinagot nilang tatlo. 

"It's because of your stupid boss!" galit na saad ni Jenna. 

"Why?" tanong ni Allie at lumapit sa kanya. 

"It should be me! I should have been the boss pero dahil sa maduming ugali ni Yesenia na nag-papanggap sa harap ng aming pamilya.... S-siya! Siya ang naging tagapag-mana at hindi a-ako!" hagulgol ni Jenna na nagpa-tigil sa kanilang lahat. 

The Second MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon