A/N: Before Chapter 5 start, i just want to let you know that the six new stars age are 18-19 years old.
That's all. Enjoy reading!
*****************************
Third Person's POV
"S-sila Mr. Ortega at Mr. Baldwin" sambit nila Anne at Allie.
"Ang isang tanong natin ay nasagot na, nanggaling talaga sila dito. At halata naman na siguro na resign na sila pero pinag-papatuloy pa rin nila ang pag-tuturo, at tayo ngayon ang tinuturuan nila" ani Ralf.
"Huwag muna tayong lalayo sa kanila, mag-handa nalang tayo kung may gawin man sila sa ating masama" pagpapatuloy ni Ralf.
"Kaya siguro ayaw sa ating ipa-sabi nila Mr. Baldwin na tinuturuan nila tayo kasi resign na sila pero nag-tuturo pa rin. Pero teka, hindi naman ata masama yung ganun, bakit tinatago nila?" Tanong ni Christopher.
"May mas malalim na dahilan pa kaya sila nag-tatago" biglaang sambit ni Miggy habang nakatitig sa litrato.
"Baka tinatago talaga nila ang kanilang sarili, ayaw nilang ipa-sabi kahit kanino na tina-training tayo sapagkat sila ang nag-tatraining sa atin. Ibig sabihin, may nagawa sila at hinahanap sila pero ayaw nilang magpa-huli" dagdag ni Miggy. Nanlaki naman ang mata ni Anne at Christopher.
"Ibig sabihin, may ginawa silang masama at pinag-hahahanap sila ng mga pulis?" Tanong nila Anne at Christopher.
"Siguro" sagot ni Allie.
"Tsk" si Emmie. Lumingon ito sa paligid at pinag-bubuksan ang mga drawer.
"May mga gamit pa rin dito" ani niya.
Lumapit naman sila sa kanya at tiningnan kung ano ang mga nakalagay sa drawer.
"Ang tagal na nito ah" ani Christopher at pinagpag pa ang papel dahil sa alikabok nito.
"Lumang mga newspapers" sambit ni Ralf.
"Mga lumang mails din" singit ni Allie.
"May nakita pa ako, kanta ba ito?" Tanong ni Anne, napabaling ang tingin sa kanya at tinabihan siya.
Napakunot ang noo nila sa nakita at sabay nilang sinambit ito.
"Ich möchte die Antwort finden
Ich möchte herausfinden, wer es getan hat. Jetzt finde ich es.""quiero encontrar la respuesta, quiero encontrar quien lo hizo ahora lo encuentro."
"It's German and Spanish" banggit ni Ralf. Napatingin sila sa kanya.
"I want to find the answer. I want to find out who did it. Now I find it. Yan ang nakasulat sa unang line" turo ni Ralf.
"Alin dyan?" Tanong nila.
"Itong part na may Ich möchte die Antwort finden. That's German" turo ni Ralf.
"The next one is Spanish. Yung part na may quiero. Parehas lang sila ng ibig sabihin. Ang pinagkaiba nila ay ang language" ani Ralf.
Ralf can speak four languages and these are Tagalog, English, German, and Spanish.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago sila lumabas sa lumang opisina.
"Ang kailangan nalang nating gawin ngayon ay ang obserbahan sila Mr. Baldwin" ani Emmie.
*Phone Rings*
"Si Mr. Baldwin natawag" ani Allie.
"Hello? Mr. Baldwin?"
"Training" ang tanging sinabi ni Mr. Baldwin.
BINABASA MO ANG
The Second Mission
ActionC.A.M.E.R.A's Sequel Black Stars Agency has a new stars. And these are Christopher, Anne, Miggy, Emmie, Ralf, and Anne. But, the new stars are not able to do their training well, because they thought is that they are too young to dive into intense t...