Third Person's POV
"Ano ito?" Tanong ni Christopher sa dalawang lalaki.
Tinitigan nilang anim ang makapal na libro na binigay ng dalawang lalaki sa kanila.
"D'yan nakalagay ang mga code word ng espiya. Minsan, baka marinig niyo rin kina Emma ang mga salita na nandyan sa libro na yan" turo ng isang lalaki sa kanila. Napakunot ang noo nilang anim dahil paano nila nalaman ang pangalan ni Emma.
"Paano mo nakilala si Mommy?" Tanong ni Emmie sa lalaki. Napangiti naman ang lalaki at lumingon sa kanya. Inayos nito ang kanyang salamin bago nag-salita.
"Malalaman mo din yun, Emmie" sagot ng lalaki sa kanya at ngumiti.
"Ang kailangan niyong gawin ay basahin ang libro na yan. Kapag nag-kita ulit tayo, dapat may isasagot kayo sa aking mga tanong" ani ng lalaki at akmang lalabas na silang dalaw nang mag-salita si Miggy.
"Sino kayo?" Tanong ni Miggy sa kanila.
"Malalaman niyo din" sagot ng isang lalaki. Lalabas na sila pero humarang si Ralf sa kanila.
Tumingin ito ng diretso sa kanila "Bakit ayaw niyong sabihin ang inyong mga pangalan?" Tanong niya. Nag-katinginan ang dalawang lalaki.
"May dahilan yan kung bakit ayaw niyong sabihin ang inyong pangalan, tama po ba?" Tanong ni Allie.
Napatikhim ang isa sa kanilang dalawa at sumagot ito. "Tama ka, may dahilan nga kami" sagot nito.
"At ano ang dahilan na yun?" Tanong ni Anne.
"Malalaman niyo din yun, wag kayong masyadong mag-madali. Malalaman niyo din yan" sagot ng lalaki at tinapik ang balikat nila bago umalis sa kwarto.
"Teka, hindi ko natanong kung paano sila nakapasok dito" sambit ni Anne.
"Taga-dito kaya sila sa Agency na ito?" Tanong pa niya sa kanilang lima.
"Let's take a look of what's inside of that book" ani Ralf. Napatango naman sila at nilapitan ang libro na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
"Word Code of Espionage" sambit nilang anim habang nakatitig sa libro.
"Woah" manghang sambit ni Christopher habang binabasa ang laman ng libro.
"The word Pig in spies, means traitor."
"And the word swallow means a female agent employed to seduce people for intelligence purposes."
"Stop na muna tayo," ani Anne.
"Wait" ani Emmie, napalingon sila sa kanya.
"Nakita ko ang mga weapons at accessories ng Black Stars Agency" banggit ni Emmie, tumabi sina Allie sa kanya upang tingnan ang nakita ni Emmie.
"The Black Lipstick" ani Emmie.
"Bracelet" sambit naman ni Anne.
"Rings" singit ni Miggy.
"Micro earpiece bluetooth glasses" ani Ralf.
"Uy! Ang ganda naman nito! May nailaw na earpiece!" Turo ni Christopher sa libro.
"Red means that a opponent is after you. Green means you haven't seen an opponent yet. White means... You have finished your mission."
"Wow" sambit nila pagkatapos mabasa ang mga ibat-ibang kulay ng ilaw ng earpiece.
"Kailan kaya natin masusuot ang earpiece na yan?" Tanong ni Allie."Syempre kapag naging ganap na tayong isang star. Kaya kailangan nating seryosohin ito" sagot ni Miggy at lumabas na sa kwarto ni Allie.
Pagka-labas ni Miggy sa kwarto, napansin niya na marami na ulit nabukas na ilaw, hindi kagaya kanina na kakaunti lang ang nakabuhay na ilaw.
BINABASA MO ANG
The Second Mission
ActionC.A.M.E.R.A's Sequel Black Stars Agency has a new stars. And these are Christopher, Anne, Miggy, Emmie, Ralf, and Anne. But, the new stars are not able to do their training well, because they thought is that they are too young to dive into intense t...