Chapter 19: For Black Stars Agency

32 2 0
                                    

Third Person's POV

"Ahhh!"

Napabalikwas si Allie nang marinig ang mga sigaw na nanginginig at napakalakas.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang napakalaking apoy na sinasakop ang buong paligid.

Napansin niyang nasa loob siya ng kanilang agency. Ang Black Stars Agency.

Agad niyang tinakluban ang kanyang ilong at bibig gamit ang panyo niya na galing sa bulsa ng pantalon nito.

"Allie!" sigaw ng isang boses ng babae.

Lumingon siya sa direksyon ng nasigaw na babae, napatigil siya nang makita sina Alice na unti-unting kinakain ng apoy.

"Run, Allie!" sigaw ni Alice at tumulo ang isang luha sa kaliwang mata na dahan-dahang umagos sa pisngi nito.

Bumigat ang pag-hinga ni Allie at tiningnan niya ang kanyang mga kamay na nanginginig

"Please, Run!" sigaw ulit nito.

"Mom" bulong niya at pumatak ang isang luha.

"RUN!"

*****************

Bumukas ang mga mata ni Allie at biglang bumangon, habol ang hininga. Ramdam niya rin ang kanyang pawis na tumutulo sa kanyang mukha. 

"Allie" napalingon siya kay Anne na katabi niya at may dalang tubig. 

"Nananaginip ka" hinaplos ni Anne si Allie sa likod at inabutan ng bote ng tubig. 

Tinanggap ito ni Allie at ininum. 

Tumingin siya sa buong paligid at nakita niyang walang apoy na kumakalat sa paligid. 

Napansin niyang nasa building pa rin sila nina Jenna.

"Nakita ko ang ating agency. Nasusunog" sambit niya, kumalma na ito. 

"Ang Black Stars Agency?" tanong ni Anne. 

Tumango naman si Allie habang hawak ang bote ng tubig. 

"Si Mommy, sinasabi niya sa akin na tumakbo na ako. Nakita ko siyang nilalamon ng apoy at ang mga ibang kasama niya ay wala ng mga buhay" dagdag niya. 

"Panaginip lang yun, ah" pagpapakalma ni Anne sa kanya.

"Oo nga pala, bakit nakapatay ang ilaw?" tanong ni Allie at tumayo bago tingnan ang buong paligid.

"Pinatay nila Jenna ang ilaw, napansin rin namin na mukhang umalis na sila. Pero sa pinaka-exit door ay puro mga sarado kaya hindi pa rin tayo makakalabas" sagot ni Anne.

"Sina Jenna ang nag-sarado? Anong ibig mong sabihin? Diba niligtas tayo ni Pearl?" sunod-sunod na tanong ni Allie.

"Sa kalagitnaan ng pag-takbo natin, nakabangon pa si Jenna at pinukpok si Pearl sa ulo. Kaya nandito pa rin tayo ngayon" sagot ni Anne.

"Ano nangyari sayo? Okay ka lang?" tanong ni Emmie kay Allie, kakadating lang nito. 

"Oo, Asan sina Ralf?" tanong ni Allie. 

"Nag-lalakad sila ngayon sa buong paligid, sinabi ko sa kanila na bumalik na dito. Papunta na yun ngayon" sagot ni Emmie at ilang saglit pa bumukas na ang pinto. 

"Let's go now, nakita namin ang kotse nila Jenna pabalik dito. Kailangan na nating mag-handa" ani Christopher. 

"Okay, so here's the new plan" panimula ni Miggy. 

"Mag-hihiwahiwalay tayong anim. Wala tayo ngayong COMMS, kinuha nila Jenna. Pero kapag natapos na kayo sa iba't-ibang task. Babalik tayo dito, okay?" paliwanag ni Miggy, tumango silang lahat. 

The Second MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon