Chapter 20: The Last Battle

27 2 0
                                    

Third Person's POV

"I knew it" sambit ni Miggy at lumapit kay Christian na nakatali sa isang upuan. 

"Nasaan pa ang mga iba mong kasama, Dad?" tanong ni Christopher at tinulungan si Miggy na maalis ang tali sa katawan ni Christian. 

Wala itong suot sa ipang-taas at pantalon lang ang tanging suot niya. Kapansin-pansin rin ang mga pasa at bugbog sa katawan nito. 

"Mga naka-kulong sila, bago ako mawalan ng malay kanina, nakita kong nilagay sila sa isang kulungan" sagot niya sa anak at napahinga ng maluwag nang maalis na ang tali sa kanya, inangat niya ang kanyang ulo at dahan-dahan itong inikot habang nakapikit ang mga mata. 

"Tara pa dun sa dulo" aya ni Emmie kila Allie. 

"Tara" sagot ni Allie at hinila si Anne. 

Nag-lakad na silang tatlo papunta sa dulo, naka-ilang hakbang pa sila nang may makita sila na isang malaking kumot na may pinapatungan na isang malaking kulungan. 

"Allie... Anne" sambit ni Emmie at tiningnan sila pareho. 

"Sabay-sabay tayo" dugtong niya at pinag-palit ang tingin sa kanilang dalawa. 

"Okay" sagot nilang dalawa, Diretso silang lumapit at hinawakan ang maalikabok na kumot. Nagka-tinginan silang tatlo bago hilahin ang malaki at mahabang kumot.

Napatigil sila nang makita kung ano ang nasa loob nito. 

Magkaka-patong at nag-sisiksikan ang mga katawan nila Anna at ang iba pang miyembro ng Black Stars Agency. 

Pero ang sunod na pangyayari ang mas lalong nakapag-patigil sa kanila. 

Dahan-dahang itinapat ni Anne ang kanyang hawak na walkie talkie sa kanyang bibig.

"Miggy?" 

Napatingin si Miggy sa kanyang bulsa at narinig ang boses ni Anne. Mabilis niya itong kinuha. 

"Miggy?" pag-ulit ni Anne at nag-bigay nang mabigat na pag-hinga.

"Oh, Anne?" tugon ni Miggy, nag-tataka sa tono ng pag-sasalita ni Anne.

"Kasama niyo pa rin ba siya?" sinubukan ni Anne na hindi mahalata ang pagka-kaba sa kanyang boses. 

"Sino?" tanong ni Miggy at nilingon sina Ralf sa kanyang likuran. 

Napansin niya na nakababa ang ulo ni Christian at may isa pa siyang nakita sa may bandang batok nito. 

"Si Christian" sagot ni Anne.

Nag-taka si Miggy kung bakit hindi tinawag na Tito ni Anne si Christian.

"Hindi siya yan" dugtong ni Anne.

"Ano?" nag-tatakang sambit ni Miggy.

"Nandito si Tito Christian, iba yang kasama niyo" sagot ni Anne. 

Napalingon si Miggy nang biglang tumawa ng walang tigil ang taong nakaupo at nakayuko sa harapan nila. 

Biglang itong tumayo at malalim ng tinitigan si Miggy bago sipain ang walkie talkie sa kanyang kamay. 

"Ugh!" daing ni Miggy at hinawakan ang kanyang kamay. 

Sabay na hinawakan ni Ralf at Christopher ang lalaki at hinila pabalik sa upuan upang itali ulit ito. 

Nag-pupumiglas ang lalaki pero tumulong na rin si Miggy sa pagpapa-upo, walang nagawa ang lalaki at tinali ito.

"I think he's wearing a silicone all over his body" sambit ni Ralf.

The Second MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon