Chapter 8: Accusation

12 1 0
                                    

Third Person's POV

"Okay, that's enough for today" ani Dash at lumabas nang training room.

Wala pa rin sila Mr. Ortega at Mr. Baldwin sa kanilang pag-eensayo.

"I guess they're too busy" sambit ni Emmie at sinakbat ang kanyang bag bago lumabas ng training room.

"Coffee tayo?" Akit ni Allie sa kanila.

"Sige!" Sagot ni Christopher bago umakbay kay Miggy at Ralf.

"May malapit dyan na coffee shop, maliit lang siya. Matagal na daw yung nakatayo sa lugar na yun" paliwanag ni Allie.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, tumingin si Ralf at Emmie sa mata ng isa't-isa. Sa kanilang pag-titig, alam na agad nila kung ano ang nasa isip ng isa't-isa.

"Yun lang po" sambit ni Allie na nasa counter ng coffee shop. Siya ang nag-kusa na mag-sabi na siya ang bibili.

Pagkatapos niyang mag-bayad, dinala na niya ang tray at nag-lakad na ito papunta sa table kung saan nakaupo sila Miggy.

"Mmm" ani Anne nang matikman ang kanyang inumin.

"Sarap na sarap?" Pang-aasar ni Allie. Mahinang siyang hinampas ni Anne. Tumawa naman si Allie.

Pagkatapos nilang tapusin ang pagkain, lumabas na sila sa coffee shop. "I will go to the bathroom" ani Ralf bago umalis sa tabi nila.

"Wait, i have a phone call" paalam ni Emmie bago lumayo sa kanila.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik na sila Ralf at Emmie. "Let's go to Jenna's place" ngisi ni Christopher at pinaandar na ang sasakyan.

"Shh" sambit ni Miggy habang nakatapat ang kanyang daliri sa labi niya.

"Just follow me" dagdag niya at dahan-dahang lumakad papalapit sa pinto ng apartment ni Jenna.

"Oo nga po!" Tawa ni Christopher habang kausap ang tagapag-bantay ng CCTV sa apartment. Sinabi nila sa tagapag-bantay na sila ay pinsan ng may ari. Agad namang naniwala ang tagapag-bantay at kausap na ito ngayon nila Christopher at Anne.

Sila Emmie naman ang nasa taas at uusisain ang mga gamit ni Jenna.

Nag-lagay sila ng gloves sa kamay upang hindi mag-iwan ng fingerprints sa mga gamit na kanilang hahawakan.

"Ang tigas ng ulo natin 'no, hindi ba tayo ganap na star pero nandito tayo ngayon. Para tayong nasa misyon na" tawa ni Christopher habang pabulong na kausap si Anne.

"Ano?" Tanong ng tagapag-bantay.

"Ay wala po, hahaha" tawa ni Christopher. Kumunot naman ang noo ng tagapag-bantay pero sa huli, wala na itong sinabi pa.

Nang makita nila Christopher sila Miggy na papasok na sa kwarto ni Jenna.

"Excuse me po" paalam ni Anne bago lumabas.

Binuksan niya ang kanyang phone at tinawagan si Allie, "Now" sambit niya rito.

"Okay" sagot ni Allie bago mag-panggap na nasugatan at binagsak ang sarili sa lupa.

"Tulong po! May nahimatay!" Sigaw ni Anne kila Christopher.

"Ako na po ang bahala sa pag-babantay ng monitor" ani Christopher.

"Sige, salamat" ani ng tagapag-bantay bago pumunta kay Allie at tinulungan ito.

Parehas na tumaas-baba ang kilay nila Anne at Christopher habang nakangiti.

"Samahan mo na dun si Allie, ako na bahala dito" utos ni Christopher. "Sige" sagot ni Anne at lumabas.

Kinuha ni Christopher ang kanyang phone na galing sa bulsa nito. "Ako na nag-babantay dito, pumasok na kayo dyan" sambit niya.

The Second MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon