Chapter 7: Jenna

17 1 0
                                    

Third Person's POV

1:00 AM, Gising na gising pa rin si Jenna. Nakaupo ito sa rooftop at tumatama sa kanyang balat ang lamig ng hangin. Binuksan niya ang isang alak, bago niya mainom ito naalala niya ang isang importanteng lalaki sa buhay niya. Ang kanyang ama. Lagi siya nitong sinasabihan na wag uminom ng alak at manigarilyo.

Napabuntong hininga siya at nilapag sa kanyang tabi ang alak. Tinitigan niya lang ito at itinaas ang tingin upang makita ang kalangitan.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-titig, naalala niya ang tatlong babae na lagi niyang nakakasama noong wala pang gulo na nangyayari sa kanila.

Payapa, payapa sila noon simula nung buhay pa ang kanyang ama. Nang mamatay ito dahil sa asawa ng kanyang kapatid. Lumayo na ang kanyang loob sa kanila, sa tatlong babae at sa kanyang kapatid. Lumayo siya at hindi na sila binalikan dahil sa nag-uumapaw na galit at dismaya.

Hanggang sa makita niya si Jax, tinulungan siya nito na mag-higanti sa kanyang pamilya. Pero, nahirapan sila nang mag-tayo ng isang agency ang kanyang mga kapatid kasama ang tatlong babae. Sa kanilang tatlo, ang isa sa kanila ay naging Boss ng agency. Mas lalo lang nag-umapaw sa galit si Jenna dahil nang umalis siya, parang wala lang sa kanila at nag-tayo pa ng isang agency na hindi siya binabalitaan.

Nahirapan silang mag-higanti dahil dumami ang mga secret agent na nag-babantay sa agency.

"Auntie" sambit ng isang babae sa isipan ni Jenna. Napapikit si Jenna at sinarado ang mga palad. Naaalala niya ulit ang nakaraan na gusto na niyang i-baon sa limot. Ngunit, hindi ito mawala-wala sa kanyang isipan. Kahit nag-uumapaw ito sa galit, naiinis siya kung bakit may kaunting pag-mamahal at pakealam pa rin siya sa kanyang kapatid at sa tatlong babae.

"Kalaban sila Jenna, kalaban sila" sambit ni Jenna sa sarili.

Kinabukasan, agad na sumakay si Jenna sa kanyang sasakyan at pumunta sa isang maliit na coffee shop na matagal nang nakatayo sa lugar na yun. 

Nakasuot ito ng sumbrero at mask, upang hindi siya makilala ng mga tao sa labas.

Naalala niya ang kanyang mga kapatid at ang tatlong babae na lagi niyang kasama sa coffee shop na ito. Binuksan niya ang pinto at sinalubong agad siya ng lamig ng coffee shop dahil sa aircon nito. Kulay brown, white, black, at grey ang loob nito. Nag-lakad siya papunta sa counter pero napahinto nang makita niya ang isang babae na nakapila sa counter, kahit nakatalikod ito nakilala niya pa rin ito.

Naka-suot ito ng mask at shades, lahat ng kulay na kanyang suot ay black. Black fitted pants, black top and leather jacket with pair of boots.

Bago pa niya ito hawakan lumingon agad ang babae sa kanya.

"Yesenia" sambit ni Jenna.

Parehas itong nakatapat at nakatitig sa isa't-isa sa gitna ng mga nag-lalakad papunta sa counter. Pinag-titinginan na sila ng tao dahil parehas lang itong hindi naalis sa pwesto.
Hindi nag-salita si Yesenia at nilampasan si Jenna. Lumabas ito ng coffee shop at sumakay sa kanyang kotse.

Sunod na lumabas si Jenna at sinundan si Yesenia.

~

Hindi niya na ito nasundan, alam niyang binilisan ni Yesenia ang kanyang pag-mamaneho kaya hindi na niya ito naabutan.
Maraming gustong tanungin si Jenna sa kanya, gusto niya malaman kung bakit pinatay ng tatay ni Yesenia ang ama ni Jenna.

Binuksan ni Jenna ang pinto ng kanyang apartment, katabi lang ni Jenna ang kwarto ni Charls. 

Binuhay niya ang ilaw at pagod na lumakad papunta sa sofa at binagsak ang sarili. Ipinikit niya ang kanyang mata dahil sa matinding pagod at isipin.

The Second MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon