Third Person's POV"Edward, meet Isabelle Baldwin" pakilala ng trainor nila.
"Nice to meet you, Isabelle" inangat ni Edward ang kanyang kamay at itinapat kay Isabelle upang makipag-kamay.
Napatitig naman si Isabelle sa kamay nito at kinamayan si Edward.
"Nice to meet you, too" sagot ni Isabelle, nang tumingin siya sa mata ng lalaki, bigla itong nahiya dahil nakatitig na pala ito sa kanya. Naalala niya ito.
The Trainor clears his throat, "New couple" mabilis na sabi nito, at inilagay ang kamay sa kanyang bulsa.
"Let's go to the training room" aya nito sa dalawa. Tumango naman sila at sumunod sa kanya. Habang nag-lalakad sila, hindi napapansin ni Isabelle ang palihim na pag-titig ni Edward sa kanya.
******************
"At dun kami unang nag-kakilala ni Isabelle" ani Edward habang may hawak na tasa at nakaharap kila Anne.
"Kayong anim, ang unang naka-alam tungkol sa family history nila Isabelle, walang ibang stars o secret agent ang nakaka-alam nito" dugtong ni Edward at nilapag ang tasa sa maliit na lamesa.
"Mamayang 4:30, pupunta tayong lahat sa isang lugar kung saan tayo ay mag-tatraining" huling sabi nito.
Tumango naman silang anim sa kanyabilang sagot.
"Sandali po" pag-pigil ni Ralf sa pag-labas ni Edward.
"Narinig po namin na pumunta sina Mr. Ortega kina Jenna. Kasama po ba kayo sa pag-punta?" tanong ni Ralf.
"Sila ay—" napatigil silang lahat nang may kumatok sa pinto.
"Fritz(Edward), Boss is looking for you" ani Pearl.
"Okay" tumango si Edward at lumabas na.
Pagkasara ni Edward ng pinto, lumingon si Pearl kila Miggy,
"Narinig ko kanina ang tano ng niyo kay Fritz (Edward), wag kayo mag-alala, ako na ang mag-chichika sa inyo" ngiti ni Pearl sa kanila at umupo sa isang maliit na sofa na nasa harapan lang nila Allie."Ito kasi ang kwento na yun" umayos ito ng upo bago ipag-patuloy ang sasabihin,
"Para maganda ang kwento dapat maganda ang upo, ano? Hehe" Pabiro itong ngumiti."So ito na nga..." tumingin si Pearl isa-isa sa kanilang anim.
Bumuntong hininga ito, "Sina Fritz (Isabelle) at Mr. Ortega ay... Kasama mamaya sa training natin ngayon" dugtong ni Pearl.
Nanlambot naman ang mga balikat nila dahil sa sinabi ni Pearl.
"Let's go na, Dapat hindi tayo late, kapag late...May punishment, kaya mag-handa na kayo after 20 minutes, nandun na kayo sa garahe okay?" pagkatapos niya itong sabihin agad na siyang lumabas opisina.
"Si Tita Pearl talaga oh, pabitin" napailing si Christopher, tumayo na ito at kinuha ang kanyang bag.
"Tara na" akit ni Emmie sa kanila.
"Saang parking lot tayo pupunta? Maraming parking lot dito" tanong ni Anne sa kanila, lumingon silang lahat sa kanya at nag-salita si Miggy.
"Parking lot number 03" sagot nito kay Anne.
Napatango naman ito, "Oh, okay" kinuha niya sa kanyang bag ang isang maliit na salamin at tiningnan ang itsura.
"Okay pa" bulong nito sa sarili bago uli ilagay ang salamin sa bag.
"Let's go" ani Allie at lumabas na sa kwarto, sumunod naman si Ralf at Emmie sa kanya.
Sumakay silang anim sa elevator at pinindot ang ika-2nd floor.
BINABASA MO ANG
The Second Mission
ActionC.A.M.E.R.A's Sequel Black Stars Agency has a new stars. And these are Christopher, Anne, Miggy, Emmie, Ralf, and Anne. But, the new stars are not able to do their training well, because they thought is that they are too young to dive into intense t...