Introduction: First Horror

95 6 2
                                    

Rinig na rinig ang mga sigaw at iyak ng mga kaklase ko habang sila ay isa-isang pinapatay ng lalaking nakaitim. Dumanak ang dugo at mga katawan ng mga kaklase ko na parang mga basurang lumulutang sa pulang ilog. Pareho kaming hindi makagalaw sa takot ni Roché sa pinagtataguan namin. Nang matapos na ang mga ingay na naririnig namin, sumilip kami sa pagitan ng magkabilang pinto ng cabinet na pinagtataguan namin. Nakita namin siyang papalapit sa direksyon namin.
'R...Ro...ché..?..' takot na takot ako at nanginginig. Papalapit ng papalapit ang lalaking nakaitim na natatakpan ang mukha sa pinagtataguan namin. Mahina akong tinulak ni Roché sa may gilid ng cabinet.
'A..nong gagawin mo?..'
'^_^' ngumiti lang siya at humawak ng mahigpit sa kutsilyo.
'Aaaaaaaaaahhh!!!' Bubuksan na ng lalaking nakaitim ang cabinet nang biglang tinulak ni Roché ang pintuan habang sumisigaw ng malakas. Tumalon siya papalabas at natumba ang lalaki sa paglabas ni Roché. Medyo nahihilo ang lalaki dahil nauntog siya sa pintuang binuksan ni Roché. Sinamantala niya ang pagkakataon at tinaas ni Roché ang kamay niya na nakahawak ng kutsilyo. Tinusok niya ang kaliwang mata ng lalaki.
'Aaaargh!!!' Sumigaw siya sa sakit at madaming dugo ang lumabas. Nang itinaas muli niya ang kutsilyo ay nahawakan ng lalaki ang kamay ni Roché bago pa ito tumusok muli sa kaniyang kaliwang mata. Hinila niya ang kamay ni Roche at napahiga siya
sa sahig. Umipaibabaw ang lalaki sa kaniya at hinawakan ang magkabilang kamay ni Roché. Sa lakas ng pagkakauntog ni Roché ay nawalan siya ng malay. Tumingin ako sa paligid at nakakita ng duguang arnis stick. Kinuha ko ito at mabilis na ipinalo sa ulo ng lalaki. Nagdugo ang ulo niya pero mahigpit parin ang pagkakahawak niya kay Roché. Nang lumingon siya ay lalo akong nanginig sa takot dahil sa masama niyang tingin. Sa takot ay pinalo ko siya ulit pero umiwas siya at agad-agad na tumayo. Hinawakan niya ang arnis stick na itinutok ko sa kaniya ng mahigpit. Nabitawan ko ito at itinapon sa malayo. Nanginginig ang mga tuhod ko kaya hindi ako makatakbo. Sinakal niya ako gamit ang kanang kamay niya at napaangat ang mga paa ko mula sa lupa. Napaluha nalang ako sa takot bago niya ako suntukin sa sikmura. Napalipad ako hanggang sa naibangga ang likod ko sa pader. Sa sakit na nadarama ko ay unti-unti akong nawawalan ng malay. Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko siyang papalapit sa kinaroroonan ko.


***This is no horror story... Yong first chapter lang ang ganyan.

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon