Chance Encounter

9 3 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lisa's POV

Tanghali na pero hindi parin nagigising si Kiel. Buti nalang at day-off ko ngayon. Mababantayan ko si Kiel buong araw pero bakit kaya hindi pa siya nagigising?

Nawawala parin si Cielo mula kahapon. Asaan na kaya siya?

Napabuntong hininga ako sa dami ng tanong ko. Tinignan ko nalang si Kiel. Iminumulat niya ang kaniyang mga mata. Linapitan ko siya.

'Kiel! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?' nag-aalalang tanong ko.

Ngumiti siya at umiling. 'Ayos lang po ako mama.' mahinang sabi niya.

'Ano bang nangyari kahapon? Bakit mag-isa ka sa park nang matagpuan ka namin? Asan si Cielo? Hindi mo ba siya kasama?' sunod-sunod kong tanong.

'Mama, asan po si papa?' malungkot na tanong niya.

'May trabaho kasi siya anak eh kaya si mama na muna nag kasama mo buong araw.' naiiyak na sagot ko.

Kiel naman eh! Ako yong nandito, bakit yong papa mo ang hinahanap mo?! Nakakasakit ng damdamin ah!

'Kahapon biglang umulan, papaalis na ako sa parke nong harangin ako ng isang grupo ng mga binatang lasing. Kinulang ata ng pambili ng alak kaya naisipan akong kuhanan ng pera.

Binigay ko na nga yong wallet ko eh, hindi pa sila nakontento. Sinubukan nilang kunin yong bag namin ni Cielo kaya lang ayoko.

Binugbog ako tapos napatigil sila nong bigla akong nagsusuka ng dugo. Kumaripas sila ng takbo at ako naman nagdilim na ang paningin.' kwento niya saakin.

'Mga walang hiyang basura ng lipunan naman yan oh! Naisipan talagang tirahin yong anak ko! Lagot saakin talaga yang mga yan! Maghintay lang sila!' inis na sabi ko.

Paano ba naman kasi ako hindi magagalit, hindi ko na nga masyadong nakaksama yong anak ko tapos nong nakita ko, naliligo sa sarili niyang dugo?! Haay! Makakapatay ata ako eh!

'Salamat po mama.' tumuwa siya kaunti tapos nakangiting nagpasalamat saakin. Nakakagaan ng loob. Ito yong gusto kong makita, yong ngiti ng anak ko hindi yong nagsuswiming siya sa sariling dugo niya.

'Para saan?' natanog ko.

'Natuwa lang po kasi ako sa reaksiyon niyo.' humahagikgik na sabi niya.

Napangiti na lang ako sa narinig ko. Maya-maya lang ay tumunog ang telepono ko.

'Hello.' unknown number yong tumawag. Sino kaya to?

[Madam, lumabas na po yong resulta ng imbetigasyon sa nangyari sa kapatid ng boyfriend niyo po. Pumunta na lang po kayo dito sa istasyon for more information.] sabi nong pulis.

'Ah ganon po ba? Sige po, papunta na po ako diyan.' binaba ko na yong telepono ko at humarap kay Kiel.

'Ayos lang po. Pumunta na po kayo.' nakngiting sabi niya saakin.

'salamat.' yon na lang ang nasabi ko at nagsimulang maglakad papalabas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kiel's POV

Pagkaalis ni mama, tumingin ako sa labas ng bintana. Napaisip lang naman ako sa mga nakita ko kahapon sa bag ni Cielo.

Madami yong pictures na nakita ko sa album na iyon. At sa bawat litratong makita ko, wala akong maalala na kahit ano. Madaming tao ang mga kasama ko na hindi ko kakilala. Pati nga yong lugar eh, hindi ko maalala.

Siya ang mga alaalang nakalimutan mo na.

'Alam kaya ni Cielo? Asan na kaya siya?' mahinang sabi ko tapos bumuntong hininga ako.

'Ba't mag-isa ka? Asan na yong kambal mong babae?' may nagsalita sa may pintuan. Liningon ko siya at nakita ko si Ar... ah ewan! basta si ms. Diwerson.

'Anong kailangan mo? Natapos na ba yong kailangan mong gawin?'

'Oo eh. Kaya lang may bago. Nalaman kasi ng mga nakakataas yong pagkakamaling nagawa ko kaya heto... Inutusan akong itama ang pagkakamali ko.' mahabang paliwanag niya.

'Ha? Paano mo naman itatama?' tanong ko.]

'Kailangan kong patayin ang kakambal mong babae at kusa na siyang babalik sayo. Pag nakabalik na siya, mapupunta sa iyo ang mga alaalang naipon niya mula nong magising siya hanggang sa pagpatay ko sa kaniya.'

Ha? Kailangang mamatay ni Cielo? Ayoko. Siya ang bestfriend ko. Ayokong mawala siya. Napalapit na siya saakin.

'Hindi ako papayag.' matapang na sabi ko sa kaniya.

'Wala akong pakialam kung hindi ka papayag. Utos saakin yon kaya kailangan kong gawin.' naiiritang sagot niya.

'Bakit mo ba sinasabi saakin to?' tanong ko.

'Para masmapadali ang pagtapos ng gawain ko.'

'Tingin mno tutulungan kita? HUwag kang umasa.'

'Ahh~~ Kasi,,, madami siyang alam na tiyak na sasagot sa karamihan sa mga tanong mo. Madami siyang alam na hindi mo alam at tiyak na gugugstuhin mong malaman.' nakakaloko yong ngiti na ipinakita niya saakin.

'Kahit anong mangyari, ayoko parin. Ako ang maghahanap sa mga sagot sa mga tanong ko. Hindi kailangang bumalik saakin ni Cielo!' napagtaasan ko siya ng boses.

'Ah... ganoon?...Sayang naman. Sige, mauna na ako at hahanapin ko pa siya.' tumalikod siya at naglakad papalabas.

Kailangan ko siyang maunahan sa paghahanap kay Cielo. Hindi ko hahayaang mawala si Cielo!

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon