The Lost Medicine

21 3 0
                                    

(This chapter is skippable)

Kiel's POV

Pauwi na kami ni Cielo. Naglakad kami kasi gusto naming matingnan ang mga makikita sa daan.

Kinukwento ko kay Ciel ang mga naranasan ko nang ako palang mag-isa ang naglalakad pauwi.

Kaya lang tulala siya. Tinatawag ko siya pero patuloy parin siya sa paglalakad at di ako pinapansin.

Ano ba talaga ang problema nito? Kanina pa siya tulala ah.. Oo. Kanina pa. As in kanina pa! Mula nang ipakilala ko sa kaniya si Roché.

Kinulit ko siya hanggang pinansin niya ko.

'Kiel, tingin ko may naalala ako sa nakaraan ko.' seryosong sabi ni Cielo.

'May kinalaman ba to kay Roché?'

'Pa..pano mo nalaman?'

'Kung alam mo lang kanina ka pa tulala. Simula nang lumuha ka sa harap namin ni Roché. Ano bang naalala mo?'

'Kaunti palang pero may naalala ako. Mukha ng isang babae. Nakangiti siya at nakahawak ng mahigpit sa kutsilyo.' hinawakan niya ng mahigpit ang kanang kamay ko.

Masaya ako na may bumalik sa mga alaala ni Cielo pero...

Anong bang mangyayari pag naalala ni Cielo ang lahat?

Iiwanan na ba niya kami?

'Kiel? Bakit ikaw naman ang natulala ngayon?'

'Ah wala,, may iniisip lang ako.'

*tiit.tit.teet.tit*

Tumunog yong beeper ko na nagpapaalala sa'kin na oras na para sa gamot ko.

Haayy... Ano ba naman kasing klase ng sakit to??

Kinalkal ko yong bulsa ko at kinapkap yong gamot ko.

Patay...

Kinalkal ko lahat ng sulok ng bag ko habang naglalakad.

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa harap ng diretso.

'Kiel, may problema ba?'

'C...Cielo,,,' humarap ako sa kaniya na takot ang mukha.

'Ba't ganyan ang itsura mo?'

'Nawawala yong gamot ko.'

'Haaaa??? Ano???'

'Nawawala yong gamot ko.'

Hindi siya nagsayang ng oras at kinapkapan ako. Inagaw din niya yong bag ko at kinalkal.

'Patay...'

'°~° anong gagawin ko?'

'Gaano katagal pa bago ka magsimulang sumuka?'

Nakakatakot yong mga mata niya.

Tinignan ko yong beeper ko.

'6 minutes.'

'May oras pa tayo. Dali. Balikan natin yong dinaanan natin.'

Hanap kami ng hanap pero wala kaming nahanap.

Nakarating na kami sa convinience store malapit sa school.

'Gaano pa katagal?'

'Isang minuto nalang.'

'Huwag kang susuko.'

Desperado niyang hinanap ang gamot sa gilid ng daanan.

Patay, dapat ata magtago na'ko.

Tumakbo ako sa likod ng convinience store tapos may nakita akong babae na naninigarilyo.

Napatingin siya sa'kin at lumaki ang mga mata niya. Nahulog yong yosi niya dahil ang lawak ng pagkabuka niya sa bibig niya.

'Ahh!' nakanganga lang siyang nakatingin.

*owmph* patay na talaga...

Lalabas na...

Tinakpan ko yong bibig ko gamit ang kaliwang kamay ko sabay luhod.

Nakita ko yong lalagyan ng gamot ko sa may bulsa ng pantalon niya.

Ay putik naman ng taong to oh.

Desperado kaming naghahanap eh, nasakaniya lang pala!

Pero teka,, pano ba napunta yon sakanya?

Cielo's POV

Asan na ba yon? Nakuu!!

Hinalungkat ko na yong halamanan sa tabi ng daan. Wala pa'rin.

'Hoy Kiel, nahanap mo na--' lumingon ako at nakita ko yong gamit ni Kiel pero wala siya doon '-....ba?....'

Pinuntahan ko agad yong mga gamit niya at tumingin sa tabi-tabi.

Pumunta ako sa likod ng convinience store at nakita ko doon si Kiel na nakahawak sa paa nong babae habang nakadapa sa sahig.

Yong babae naman nakatulala siyang pinapanood.

Ano bang ginagawa niya?

Tapos nasilaw ako dun sa nasa bulsa ng babae na tinamaan ng sinag ng araw.

Nang tignan ko ito ng mabuti...

Yon yong lalagyan ng gamot ni Kiel.

Bakit na sakanya yon?

'Kiel!' tawag ko sa kaniya. Lalong nagulat yong babae.

'Guhh...' Narinig naming sabi niya.

Tumakbo ako papunta sa kaniya.

Sinubukan niyang tumakbo pero mahigpit ang pagkakahawak ni Kiel sa kaniya.

Kinuha ko agad ang gamot sa bulsa niya at ibinigay kay Kiel.

'Heto'ng tubig' sabi ko sabay painom sa kaniya ng tubig.

Inabot ko ang panyo sa bag niya at pinunasan niya ang bibig niya pagkatapos niyang uminom.

'...sa..lamat...' sabi niya habang humihingal.

Napapagod ata talaga siya tuwing pinipigilan niya ang pagsusuka niya.

'...um...hindi ko alam kung anong nangyayari pero...' nagsalita yong babae.

'Sino ka? Bakit nasayo ang gamot ni Kiel?' tanong ko ng seryoso sa kaniya.

'Naiintindihan ko. Sasagutin ko kayo pero baka pwede pakibitawan na yong paa ko. Ang sakit na eh...' naluluha niyang pakiusap.

Tinignan ko ang kanang kamay ni Kiel.

Ang higpit ng pagkakahawak niya sa paa ng babae. Halos mamula na ang parteng yon ng paa niya.

'Kiel! Kiel!' tawag ko sa kaniya 'Bitawan mo na siya'

'Pasensiya na. Mahigpit lang talaga ang kapit niya pag linalabanan niya ang sakit niya.' paumanhin ko sa kaniya.

'..ah.. Ayos lang...'

'Oo nga pala, sino ka ba?'

'Ako si Xylah Jonas.'

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon