Cielo's Return

8 1 0
                                    

Kiel's POV


May tatlong araw na mula nang mawala si Cielo. Hindi ko alam kung paano siya hahanapin. Pinahanap na nga nina papa si Cielo sa mga pulis eh pero hanggang ngayon hindi pa siya nahahanap.

Kakatapos lang ng klase kaya dumeretso ako sa lugar kung saan ko nahanap yong bag ni Cielo. Tumambay ako sa may tulay at napatingin sa langit.

'Cielo, asan ka na ba?' binulong ko sa sarili ko. Naalala ko yong mga litrato na nakita ko sa album. Bakit kaya hindi ko maalala yong mga yon? Dahil ba kay Cielo?

Maya-maya, biglang umihip ang malakas na hangin mula sa kaliwang parte ng tulay. Pinikit ko yong mga mata ko tapos gamit yong braso ko, hinarang ko yong hangin sa pagpunta sa mga mata ko. Nang maramdaman kong tumigil na ito, tumingin ako mula sa direksiyon na pinanggalingan nito.

May nakita akong babae na papalapit. Malayo siya kaya di ko masyado makita yong mukha niya. Nang makalapit siya, natuwa ako sa nakita ko.

'Cielo!' malakas na tawag ko sa kaniya at tumakbo papalapit sa kaniya. Yayakapin ko na sana siya pero biglang sumakit yong kaliwang tuhod ko kaya natumba ako kaunti sa kaliwa. Tapos nakaramdam ako ng sakit sa kanang bahagi ng sikmura ko.

Nagulat ako nang makita kong nakahawak ng kutsilyo si Cielo. Dahil natumba ako kaunti sa kaliwa, daplis lang ang inabot ko sa kanang bahagi ng sikmura ko. Paano pa kaya kung hindi sumakit yong kaliwang tuhod ko na inapakan nong nambugbog saakin nong minsan?

'Cielo? Bakit nakahawak ka niyan?' takot na tanong ko kay Cielo habang unti-unti kong inangat yong ulo ko para tignan siya. Ang seryoso ng mukha niya. Hindi ko masabi kong ano ba nararamdaman niya.

Mabilis niyang binwelo yong kamay niya na nakahawak ng kutsilyo palikod tapos mabilis na itinutok sa may banda ng puso ko.

Sa gulat ko, itinuloy ko na na matumba sa kaliwa kaya hindi tumama yong kutsilyo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ma ba to ginagawa Cielo?

Mabilis siyang humarap saakin at hinawakan ng mahigpit ang kutsilyo. NIlagay niya yong mga paa niya sa gilid ko. Lumuhod siya at natapat yong mga tuhod niya sa baywang ko.

Hinawakan niya yong kutsilyo gamit ang dalawang kamay niya at bumwelo sa bago niya tinutok sa mukha ko yong kutsilyo. Tatama na sana yong kutsilyo saakin pero nahawakan ko yong kamay niya. Nanginginig yong mga kamay ko sa takot.

'Cielo, bakit mo to ginagawa?' natatakot kong tanong.

Hindi siya sumagot habang blankong nakatingin sa mga mata ko. Ang lamig ng tingin niya. Wala akong emosyon na makita sa kaniya. Nailalapit na yong kutsilyo saakin pero ni hindi ko manlang siya mapigilan. Napabagal ko lang naman yong bilis ng pagtusok niya sa mukha ko.

'Kiel! Cielo!' napatingin kaming dalawa sa tumawag saamin. Si Roche. Nasa tulay siya. Kailan pa siya nakarating doon? Mabilis siyang tumakbo ng ilang hakbang tapos tumalon siya kay Cielo kaya nasugatan lang yong kaliwang pisngi ko.

Napahiga si Cielo. Si Roche, nasa ibabaw niya na nakahawak sa dalawang kamay niya.

'Cielo! Ano bang kalokohan to?! Hindi magandang biro to ah!' sigaw ni Roche. Nakatapat sa may ribs niya ang mga tuhod ni Roche na nasa magkabilang bahagi ng katawan ni Cielo.

Pinagtulongan naming itali si Cielo sa gilid ng tulay gamit ang jumping rope na nakalagay sa bag ni Roche. Tahimik niyang pinipilit na kumawala mula sa pagkakatali namin sa kaniya. Bakit kaya hindi siya nagsasalita?

'Cielo, bakit mo ko sinubukang saksakin?' usisa ko sa kaniya at tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.

Umiwas siya sa tingin ko at sumimangot. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ginawa ang ginawa niya. Ano ba ang nangyari nang mawala siya?

Nilapit niya yong bibig niya sa kanang balikat niya tapos kinagat niya yong dekorasyon ng damit niya na bilog.

'Anong gagawin mo?!' tarantang tanong ni Roche at lumapit kay Cielo pero biglang may lumabas na usok mula sa bilog na iyon. Napa-ubo kami ni Roche at pilit naming ibinubuka ang mga mata namin. Wala kaming maaninag sa sobrang kapal ng usok.

Nang mahawi na ang usok, wala na si Cielo. Putol yong jumping rope at nawawala yong kutsilyo na dapat hawak ni Roche.



The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon