Bloody Sight

12 1 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jun's POV

'Hello manang, nakauwi na po ba sina Kiel?' tanong ko sa telepono.

[Ay naku ser, hindi pa po eh. Hindi niyo po ba kasama?]

'Hindi po eh. Sige po susunduin ko nalang po siya.' pagkasabi ko no'n ay pinatay ko na agad ang telepono ko.

'Saan na kaya sila?' pabulong na tanong ko sa sarili ko. Umuulan parin pero hindi na kasin lakas nong kanina.

Bumaba ako mula sa office ko deretso sa parking lot. Pumunta agad ako sa paaralan nila pero wala sila doon. Bumaba ako ng sasakyan at nagtanong-tanong. Kaunti na ang mga tao kasi madilim na kaya wala rin akong masyadong nalaman.

*kring kring* *kring kring*

May tumatawag. Nang tignan ko kung sino ito ay agad kong sinagot ang telepono ko. 'Hello Lisa, ba't ka napatawag?' tanong ko.

['Nandito ako sa bahay niyo at ang sabi ni tito Miko, hindi pa daw umuuwi sina Kiel at Cielo. Asan ka na ba? Nahanap mo na ba sila?']

'Hindi pa nga eh kanina pa ako dito. Sa tingin ko nga mag-iisang oras na akong nagtatanong-tanong dito.'

[Ano?! Sige hintayin mo ako't sasamahan kitang maghanap.]

*tiiit tiiit* *tiiit tiiit*

Bumaba mula sa taxi si Lisa at agad akong nilapitan. Naghanap kami sa tabi-tabi at nagtanung-tanong sa mga nakakasalubong namin. Tumila na ang ulan at tatlong oras na rin ang nakalipas pero wala parin kaming nahahanap.

Medyo linawakan namin ang paghahanap kaya medyo napalayo kami sa paaralan. Tumingin-tingin kami sa mga malapit na tindahan at mga parke.

Nabaling ang aking pansin nang ako ay mapatingin sa banda kung saan naiipon ang maraming tao ng unti-unti.

Sumiksik kami ni Lisa sa pagitan ng mga tao. Nauna akong nakasilip at laking gulat ko sa nakita ko na hindi ako makagalaw habang nanginginig.

'Jun? Anong problema?' naramdaman ni Lisa ang panginginig ko kaya't sumilip na rin siya. Tumakbo siya at binitawan ang aking kamay.

'Kiel! Kiel! Kiel!' lumuluha niyang yinakap ang duguang bata na nakahandusay malapit sa isang upuan sa harap ng parke. Itinakbo namin siya kaagad sa ospital na pinakamalapit sa amin. Hindi parin ako makatigil sa panginginig sa nakita ko kanina.

Napakaraming dugo ang pumapalibot sa kaniya at pulang-pula ang suot niyang uniporme. Kahit ang kulay asul na bag na yakap-yakap niya namantsahan ng dugo niya.

Katabi ko si Lisa na naghihintay sa labas ng emergency room. Umiiyak siyang nakakapit sa kaliwa kong braso. Tinapik-tapik ko nalang ang likod niya ng dahan-dahan gamit ang nanginginig kong kamay.

Ano ba talaga ang nangyari kanina? Nakalimutan niya kaya uminom ng gamot niya? Para saan pa't kumuha kami ng beeper kung ganito rin lang ang mangyayari?

Matapos ang ilang sandali, dumating si papa. Umiiyak na yinakap siya ni Lisa.

'Anong nangyari?' tanong niya saamin. Umiling na lamang ako habang pinipigilan ang mga luhang nangingilid sa gilid ng mga mata ko.

Lumabas ang duktor mula sa emergency room. 'Sino dito ang kamag-anak ng pasyente?' tanong niya.

'Kami po. sabay naming tatlo na sinabi. Lumapit siya sa amin at pinakalma na muna kami. 'Kumusta po ang anak ko?' tanong ni papa. Nakalimutan ko nga pa lang kuya niya lang ako sa harap ng publiko.

'Huwag na po kayong mag-alala Mr. Montero. Magiging ayos lang po siya. Mukhang may lagnat po ang pasyente at ilang mga galos sa katawan ang natamo niya. Nauntog rin po ata ang pasyente at matigas ang tinamaan nito. At ang pinakahuli po ay mukhang nagsusuka ng maraming dugo ang pasyente.'

'Ano po bang nangyari doc?' mahinahong tanong ni papa.

'Kung ibabase po sa kaniyang mga sugat sa katawan, ang isa po sa mga posibleng dahilan ay ang pakikipag-away. Heto po.' may iniabot siyang bag saamin. Kinuha iyon ni Lisa mula sa kamay ng duktor.

'Ano po ito?' tanong ni papa. Namumukhaan ko ang bag na yon, bag yon ni Cielo at iyon din ang bag na yakap-yakap ni Kiel.

'Nahirapan po kami sa pag-alis ng bag na ito mula sa kaniyang pagkakahawak kaya't malamang ay napakahalaga ng laman nito dahil sa kaniyang inasal.' sabi ng duktor.

'Salamat po doc.' lumuluhang sabi ni Lisa.

Inilipat na si Kiel sa isang private room sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya namin kung nasaan yong pribadong duktor niya.

Sabi ng duktor hayaan na muna siyang magpahinga at bukas nalang daw namin siya kausapin.

Ibinigay din saamin yong mga gamit na natagpuan sa mga damit niya at yong malapit sa pinangyarihan ng insedente. Hindi parin maalis ang tingin ko sa bag ni Cielo. Oo nga pala, asaan si Cielo? Hindi ba sila magkasama ni Kiel? Hindi kaya, may masamang nangyari sa kaniya?! Naku huwag naman sana.


The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon