That Suplada Girl

7 2 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lisa's POV

'Ano?! Paano naman nangyari yon??' galit na sabi ko kay Michael.

'Nakalimutan kong ilock yong pinto sa kwarto ko. Sorry.' paumanhin ni Jun.

'Haayyy...' sabi ko sabay hawak sa batok ko.

'Kuya! Papa! Alis na po kami!' paalam ni Cielo mula sa pinto papalabas.

'Sige ingat!' sigaw na sagot ni tito Miko.

'Teka, alam ba ni Cielo yong nangyari kagabi?' tanong ko.

'Hindi kami sigurado pero nandoon siya nang buksan ni Kiel ang pintuan.' sabi ni Jun.

'Sa pagkakaalala ko, noon pa kayo may balak magpakasal. Oh, kailan pa yon?' tanong ni tito Miko.

Natahimik kami ni Jun.

'Sa susunod na buwan na po.' sabi ko.

'Sa susunod na buwan. Tuloy na ba talaga yan?'

'Opo papa, nakapagsimula na rin po kami sa paghahanda.' sabi ni Jun.

'Iinvite niyo ba ang media sa wedding niyo?'

'Opo tito. Pagkatapos po ng wedding at saka sila darating. Hindi po sila pupunta sa simbahan.' sagot ko.

Roché's POV

Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin.

Kung bakit ko naman kasi sinabi yon?

Ah. Natatanaw ko na sila. Naglalakad papuntang school.

Ayos! Nakapagdesisiyon na ako.

Linapitan ko sila at umasta na parang walang nangyari.

'Oi! Kiel! Cielo! Kumusta ang araw niyo?' pinilit kong ngumiti pero kabadong-kabado talaga ako.

Normal. Act normal. Normal.

'Ayos naman. Alam kong nag-aalala ka sa nangyari kahapon. Hindi mo kailangang itago.' nakangiting sabi ni Cielo na parang walang nangyari.

Buti naman. Akala ko biyernes santo ang mga mukha nilang papasok ngayon.

'Salamat Roché.' sabi bigla ni Kiel.

'Ha? Para saan?' tanong ko.

'Salamat kasi sinabi mo saakin yong tungkol sa DNA Test namin.' masaya niyang sabi.

'Ah yon ba? Wala lang yon.' ngayon talagang napangiti na ako kasi masaya talaga ako.

Tumuloy kami sa paglalakad papunta sa school.

Habang naglalakad kami, may nakabanggaan akong babae.

Mukhang nagmamadali.

'Sorry.' seryoso kong sabi.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa paglalakad.

'Suplada.' mahina kong sabi.

Mahinhing tumawa si Cielo.

'Ano bang nakakatawa?' tanong ko.

'Wala, wala.' sabi niya.

Napatingin kami sa likod nang biglang tumigil si Kiel. Mukhang gulat na gulat ang itsura niya.

'Anong problema mo?' tanong ko.

'Yong babaeng kadadaan...' sabi niya.

'Yong suplada?' tanong ko.

'Roché, Cielo! Sigurado ako, siya yong babaeng nakabanggaan ko noong unang araw ng pasukan.'

'Ahh.' Liningon namin yong babaeng kakadaan.

Patakbong sinundan ni Kiel yong babae.

'Mauna na kayo! Susunod nalang ako.' sabi niya habang tumatakbo.

'Cielo, na-love at first sight ba yong kapatid mo sa supladang yon?' tanong ko.

'Hindi ko alam eh.' sabi niya at tumuloy na kami sa eskwelahan.

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon