What She Knows

22 3 0
                                    

Jun's POV

'Ah...' Hindi makapaniwala si papa sa nakita niya.

'Ako po si Cielo.' pagpapakilala ng dalaga.

Tumingin sa'kin si papa na para bang sinasabing Michael,anong ibig sabihin nito?!

Ako naman, nagtaas ng mga balikat at nagkunot noo na para bang nagsasabing Aba malay ko.

Hinila ako bigla ni papa palabas ng kwarto.

'Anong ibig sabihin nito, hindi ba't si Kiel lang ang anak mo?'

'Hindi ko nga rin po alam eh'

'Mabuti pa tanungin natin si Lisa.'

'Opo' kinontak ko si Lisa

'Hello.'

'Lisa, naaalala mo pa ba nung araw na nanganak ka?'

'Ha?'

'Basta, sagutin mo nalang. Importante to.'

'Oo. Naaalala ko buong araw maliban nalang nong mga oras na nanganganak ako. Wala akong maalala dahil sa sakit at stress na naramdaman ko. Bakit ba?'

'Ganito kasi yon...' ikinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari?

'Ano?! P...paanong nagkaganoon?! Isa lang ang ibinigay saakin nong araw na yon!'

'Eh kaya nga kita tinawagan kasi hindi nga namin alam.'

'Namin?..anjan si tito Miko?'

'Yes Lisa, so you better come here this instant.' inagaw ni papa yong phone ko.

'Kiel! Kiel!' boses babae na sumisigaw. Si Cielo!

Pumasok kami agad at nakita namin si Kiel na nakaluhod sa sahig. Tumutulo ang dugo sa pagitan ng mga daliri ng kamay niya na nakatakip sa bibig niya.

Kinuha ko agad ang syringe sa may drawer. Buti nalang may laman pang gamot. Tinusok ko sa balikat ni Kiel at tumigil siya sa pagsusuka.

Binatukan siya ni papa ng malakas.

'Aray ko naman!'

'Ilang beses ko bang kailangang batukan ka para hindi mo kalimutan na uminom ng gamot?!' sabi ni papa

'Pasensiya na po... Nasanay kasi akong minsan lang uminom ng gamot eh.' paumanhin ni Kiel sabay simangot.

'Oh heto... punasan mo yang bibig mo.' sabi ni papa sabay abot ng panyo kay Kiel.

'Salamat po.'

Lumipas ang tatlumpong minuto.

'...hah...ha...ah....' hinihingal si ate Lisa pagpasok niya sa kwarto.

'Ate Lisa...' sabi ni Kiel na nakaupo sa kama niya.

'Kiel, sino siya?' tanong ni Cielo na nakaupo sa gilid ng kama ni Kiel. Tinignan siya ni Lisa. Napanganga siya sa nakita niya.

Mabilis siyang linapitan ni Lisa. Nagulat si Cielo at tinignan lang niya si Lisa na tumitingin sa kaniya ng mabuti.

'Magkamukha nga talaga sila.' hinawakhawakan niya si Cielo.

'Ahh,, heto pala ang pinagkaiba nila.' sabi niya habang sinusundot ang dibdib ni Cielo na namumula na sa hiya.

'Ate Lisa? Ano pong ginagawa niyo?'
namumulang tanong ni Kiel.

'Ah! Pasensiya na. Nadala lang ako.' tumayo kaagad siya ng duretso.

'Ako si Elisa Joan Rodriguez or better known as Lisa Rodriguez. You may call me whatever you please.' sabi niya na nagpoposing pa. Kala mo naman nasa harap ng camera at gumagawa ng commercial.

'Aah! Lisa Rodriguez!!' nakamulagat na sabi ni Cielo sabay turo kay Lisa.

'The one and only.' nakangiti niyang sabi.

'Cielo, naaalala mo si ate Lisa? tanong ni Kiel.

'Oo. Siya ang isa sa pinakakilalang artista sa buong mundo.'

Kinuha ni Kiel ang magazine sa ikalawang drawer ng side table niya at binuklat ito.

'Heto, kilala mo?' pinakita niya ang picture ng isang sikat na model.

'Sherina Mateyeé'

Mukhang naaalala niya yong mga common knowledge pero hindi nakalimutan niya yong mga importante sa alaala niya.

Kiel's POV

Napagdesisyonan ni papa na patirahin muna si Cielo sa bahay pansamantala. Makakapasok na rin siya sa paaralan sa susunod na linggo.

Naging maayos naman ang unang linggo ko sa paaralan. Hindi ko na rin nakita pa ang babaeng nakabanggaan ko nong unang araw ng pasukan.

No'ng weekend, nag-outing kami. Busy si papa kaya hindi siya nakapunta pero ok lang. Nandiyan naman si kuya Jun. Dumating din si ate Lisa pero tatlong oras lang namin siya nakasama.

First time kong mamasyal sa labas kaya para akong bata na takbo ng takbo sa parke.

Pero sa di malamang dahilan...

Pakiramdam ko...

Naranasan ko na to...

At hindi ito ang unang beses...

Na lumabas ako para mamasyal...


The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon