The Search For Cielo

7 1 0
                                    

Kiel's POV

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. 'Kiel? May problema ba?' tanong ni kuya Jun na kakatapos lang maligo at nagpupunas ng basa niyang buhok.

'Nagsimula na kasing umulan eh walang dalang payong si Cielo.'

'Gusto mo ba sunduin ko nalang siya?' pagkasabi niya, biglang tumunog yong telepono niya. 'Sandali lang ah.' sabi niya.

Maya-maya lang ay natapos na silang mag-usap. 'Naku anak may kailangan pala akong puntahan. Paano ba yan?'

'Ayos lang po. Ako na po ang susundo sa kaniya.'

'Sigurado ka ba?' nag-aalalang tanong niya.

'Opo. Kaya ko naman po eh.' nakangiting sagot ko.

'Sige ganito na lang,,, ihahatid na lang kita hanggang sa paaralan tapos sabay na lang kayong umuwi. Ayos lang ba yon?'

'Hindi na po kuya, kaya ko na naman po pumunta sa paaralan mag-isa.'

'Hindi ayos lang, dadaanan ko din naman yong paaralan niyo eh.'

Pumayag nalang ako at nagdala ng dalawang payong.

Pagdating namin ng paaralan, nagpaalam muna ako kay kuya bago tuluyang pumasok.

Dumeretso ako sa classroom pero wala siya. Nakauwi na kaya siya?

Naghanap-hanap pa ako sandali hanggang mag-iisang oras na eh hindi ko pa siya nakikita. Saan na ba talaga siya.

Binuksan ko ang payong ko at nagsimulang maglakad-lakad papalabas ng paaralan.

Si Cielo ay bahagi ng pagkatao mo. Siya ang mga alaalang nakalimutan mo na.

Mga alaalang nakalimutan ko na? Kagaya ng ano?

Bigla kong naalala yong album na nakita ko sa kwarto ni kuya Jun noon. Nasaan na nga pala yong album na iyon? Nakalimutan ko na ata kung asaan. Binalik ko ba iyon sa kwarto ni kuya? Arrgh! Ano ba yan?! Ganoon na ba ako kakalimutin para di ko maalala kung saan ko yon nilagay? Naku naman!

Natumba ako nang matisod ako sa isang bagay na nasa daan. 'Ahh! Ano ba namang kamalasan to oh!' inis na sabi ko.

Nang tignana ko ang tumisod saakin ay namukhaan ko ito. Eto yong school bag ni Cielo. Nandito lang kaya siya? Tumingin-tingin ako sa paligid at napansin kong nasa isang tulay ako na medyo malayo sa paaralan.

Masyado ata akong nag-iisip at di ko na namalayan na kung saan-saan na ako nakarating. Ang linis ng tubig at nakikita ko pa yong mga isdang lumalangoy-langoy sa ilog sa ilalim ng tulay.

Hinanap ko si Cielo sa tabi-tabi pero hindi ko siya nahanapan. Nakaramdam ako ng gutom kaya umupo ako sa malapit na upuan at kinain ang binili kong tinapay. Tumigil na ang ulan kaya isinara ko na ang payong ko at inilagay sa tabi ko.

Habang kumakain ay nakita ko ang bag ni Cielo sa tabi ko.

Nagdadalawang-isip tuloy ako kung bubuksan ko ba ito o huwag na lang. Curious din kasi ako sa laman ng bag niya pero invasion of privacy tong ginagawa ko eh. hmmm...~.~

'Ahhh! Bahala na!' binuksan ko ang bag ni Cielo at nagulat ako dahil tatatlo lang ang notebooks niya. Binuklat ko ito at nakita ko ang magandang sulat niya. Madaming scribbles sa likod ng notebook niya.

'Bakit ko naaalala ang mga bagay na dapat si Kiel lang ang nakakaalam?' nakasulat sa maliliit na sulat sa gilid ng pahina.

'Ha? Totoo ba to?' naguguluhang tanong ko.

Binuklat ko pa ang ibang mga pahina ng tatlong kwaderno at nakahanap ng mga sulat na kagaya sa unang nakita ko kanina.


Sino si Rocheley Leeway?

Hindi ngayong taon ang unang beses na nag-aral si Kiel.

Bakit itinatago nina ate Lisa at kuya Jun ang bagay na ito kay Kiel?

Ano ba talaga ang nangyari noong nakaraang taon at muhang ayaw talaga nina ate Lisa na maalala ni Kiel ang mga ito?

Hinahanap nila yong album ni Kiel na itinakbo ko. Dapat ko na ba itong ibalik?


Napamulagat nalang ako sa mga nabasa ko at hinanap sa bag ni Cielo yong album. Binuklat ko ito at maraming litrato na hindi ko maalala ang nakita ko. Marami ding mga tao sa ltrato na hindi ko kilala pero kasama kong nakangiti.

Napakagat ako sa labi ko at kumulimlim ang mukha.

Sinungaling ka papa. Nangako ka diba? Na wala nang lihiman.... lalo na kung tungkol sa pagkatao ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa album sa inis ko. Palagi nalang kasi eh.

Naramdaman ko na pumatak na ulit ang ulan kaya itinago ko na ang album sa bag ni Cielo tsaka ko naalala,,, nasaan na nga pala si Cielo???

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon