Cielo's DNA Test Result

30 4 0
                                    

Lisa's POV

'Positive' sabi ni tito Miko at linapag ang resulta ng DNA Test ni Cielo.

'Anak din namin si Cielo?' tanong ko

'Yes, and what's more... pinapakita ng mga resultang ito na kambal sila ni Kiel.' sabi ni Michael habang hinahawakan ang resulta ng DNA ni Cielo.

Hindi ko talaga maalala nong araw na nanganak ako kaya hindi ako sigurado kung isa lang ba ang linabas ko o may sumunod pa.

Para makasigurado, pinuntahan namin ni Michael ang bahay ng duktor na nagpaanak sa'kin.

'Pasensiya na po pero nasa abroad po ngayon si Ma'am Shanelle.' sabi ng babaeng kasambahay na sumalubong saamin.

'Ah ganun ba, sige pakicontact nalang kami pag bumalik na siya.' sabi ko.

'Ah eh, sino po ba sila?' magalang na tanong niya.

'Siya si Michael Jun Montero at ako naman... si Lisa Rodriguez.' sagot ko sabay tanggal ng shades ko.

'Aaaaaaah!' nagtatalon siya sa tuwa at hinawakan ang mga kamay ko.

'Kokontakin ko po talaga kayo pag dumating na si Ma'am Shanelle! Ms. Lisa, idol na idol ko po talaga kayo! I love you pow talaga!' sabi niya.

'Salamat.' sabi ko.

'Sandali lang po ha, may kukunin lang po ako sa loob.'

Pagkatapos ng limang minuto, dumating na siya.

'Heto po o yong contact number niya sa abroad.' sabi niya.

'Salamat talaga ah. Malaking tulong ito.' sabi ko.

'Pwede po bang pa-autograph?'

'Sure'

'Tsaka, papicture na rin po.'

'Ok.'

Matapos ang ilang minuto...

Sumakay kami sa kotse at mangiyak-ngiyak pa siyang nagbabay sa amin.

Cielo's POV

Ako si Cielo. 15 years old. Hanggang doon lang naaalala ko tungkol sa sarili ko.

Marunong ako ng mga pinag-aaralan ng isang karaniwang bata na nasa edad ko pero hindi ko maalala ang mga naging kamag-aral, guro at mga karanasan ko.

Nong araw na lumabas kami nina Kiel at kuya Jun, alam ko na hindi iyon ang unang beses na lumabas ako para mamasyal.

Sigurado ako na may pamilya ako na nakasama ko noon at pinasyal din ako.

Sino nga kaya talaga ako? Bakit kamukha ko si Kiel? Ano ko ba sila?

Madami akong tanong pero sa mga oras na to, isa lang ang nasa isip ko.

Ayos lang. Hindi na mahalaga kung sino ako noon.

Masaya ako ngayon at yon lang ang mahalaga.

Buhay ako at tumatawa, sapat na saakin yon.

Unang araw ko ngayon sa paaralan. Sabay kami ni Kiel pumasok.

'Kiel, bakit pakiramdam ko nakatingin sila saatin?' kinakabahan kong tanong.

'Hindi. Sa isip mo lang yan.' sabi niya sabay ngiti.

Napangiti na rin ako at kumalma ang nararamdaman kong nerbyos.

'Ok class, may bago tayong kaklase.' sabi ng babaeng guro sa harap. Naglakad ako papasok at tumayo sa harap sa tabi ni Ma'am.

'Ako si Cielo Montero. 15 years old. Pleased to make your acquaintance.'

Fastforward

Break time na. Pinuntahan ko agad si Kiel na nakikipag-usap sa isang babae.

'Cielo, lika. Makiupo ka sa'min.' pag-iimbita ni Kiel. Umupo ako sa tabi nina Kiel at ng babae.

'Hi Cielo, ako si Ariela Roché Nicole I. Escola. Roché nalang itawag mo sa'kin. 15 years old rin ako.'

'R..roché...' sa di malamang dahilan. Tumulo ang luha ko nang marinig ko ang pangalan niya.

'Cielo? Bakit ka umiiyak?' tanong ni Kiel.

'Ah wala... Napuwing lang ako.' palusot ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

Bakit ako napaluha nang marinig ko ang pangalan ni Roché?

Biglang may alaalang pumasok sa utak ko nang makita kong ngumiti si Roché.

Mukha rin ng isang babae. Nakangiti siya sa akin at nasa isang maliit at masikip na lugar kami.

Maliwanag sa may banda niya dahil nakabukas ng kaunti yong pintuan at nasisinagan yong mukha niya.

Sino ang babaeng yon? Ang ganda niya. Pero baakit parang may halong takot at kaba ang ngiti niyang iyon.

Para bang napipilitan lang siyang ngumiti nang mga panahong iyon.

'Cielo? Cielo?'  tinatawag ako ni Kiel at ginagalaw niya yong kamay niya pataas at pababa sa tapat ng mukha ko.

Liningon ko siya sa may kanan,
'Ha? Bakit?' tanong ko.

'Kanina pa kita tinatawag pero di ka sumasagot.'

'Bakit ba?'

'Kanina ka pa kasi nakatulala jan. Salita ako ng salita dito pero di ka naman nakikinig. May problema ka ba?'

Dapat ko bang sabihin sa kaniya?

'Kiel, tingin ko may naalala ako sa nakaraan ko.' seryoso kong sabi.

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon