Roché Like Rocheley

8 2 0
                                    

Cielo's POV

'Ok class, bago lang si Kiel dito kaya paki assist nalang siya.' sabi ng guro.

'Yes ma'am!' sabay-sabay nilang sabi.

'Ms. Leeway, please stand up.'

Tumayo yong nasa dulo sa likod sa kanan ng silid-aralan na babae.

'Since you are the class president, paki-tour nalang si Mr. Montero during break time arround the school.' utos ng guro.

'Yes ma'am.' sabi ng babae.

Umupo si Kiel sa bakanteng upuan sa tabi ni Ms. Leeway.

Naglesson-lesson sila tapos nagbreak after 2 subjects. Linapitan ni Ms. Leeway si Kiel.

'Ako si Rocheley Leeway, homeroom president.' pagpapakilala niya.

'Kiel Elco Cielo Montero.' nahihiya siyang tumingin.

'Hindi porke mayaman ka, pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo dito ah.' pabirong sabi niya.

Tumango lang si Kiel.

'Lika na.' anyaya niya.

'Ha? Saan?' mahina niyang tanong.

'Sa canteen. Tsaka ipapasyal pa kita sa buong school kaya sisimulan natin ngayong break.' friendly si president ah...

'Salamat Roché.' kala mo naman babaeng nakakita ng gwapo kung makaasta etong si Kiel.

'Roché?'

'Ahh~~ pasensiya na nasanay lang akong paikliin ang pangalam na mahahaba.' tarantang sabi ni Kiel.

'Hindi ok lang. Cute nga eh.'

Nagsmile naman si Kiel.

Wait wait wait... Roché??

Saan ko nga ulit narinig yon?

'Ah! Si Roché na kaklase namin.'

Naalala ko nong nagsmile si Roché tapos nakita ko yong babae na nakahawak ng kutsilyo.

Oh my gosh... May pagkahawig nga si Rocheley kay Roché.

Sinundan ko sila habang nagtotour sa school.

Ang saya-saya nilang nagkukwentuhan nong break at nong lunch.

Nong dissmissal, last stop nila yong rooftop.

'May mini-garden kami dito na ginawa ng gardening club.' sabi ni Roché.

Madaming mga bulaklak sa maliit na greenhouse sa bandang gilid ng rooftop.

'Ang ganda naman ng mga bulaklak. Halatang lagi silang naaalagaan.' masayang sabi ni Kiel.

'Heto si Michelle Joy, ang kasalukuyang presidente ng gardening club.' ipinakilala niya ang babaeng nagdidilig.

'Hi! Nice to meet you. Ako si Kiel. Kakatransfer ko lang at first day ko ngayon.' nahihiya niyang pagpapakilala.

'Nice to meet you too. Sabihan mo lang ako kung gusto mong sumali sa club namin.' sabi ni Michelle.

'Ok.' sagot ni Kiel.

Pagbalik nila sa classroom, kinuha ni Kiel ang camera sa bag niya.

'Roché.' tawag pansin niya sa kaklase.

Paglingon niya, nagflash yong camera ni Kiel.

~~~~~~

Tumingin ulit ako sa litrato sa album.

Yong litratong kinuha ni Kiel sa classroom.

Ang stolen shot ni Rocheley Leeway. Nakasmile siya habang nasisinagan ng araw.

Naalala ko bigla, bakit nga ulit nakahawak si Rocheley Leeway noong araw na iyon ng kutsilyo?

Madami akong tanong pero di ko alam kung sino ang tatanungin ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~

Kiel's POV

Pagdating ko ng school, dumeretso agad ako sa classroom.

Walang tao kaya iniwan ko yong bag ko sa upuan ko.

Nahulog yong bag sa likod ng upuan ko dahil di ko inayos yong pag-iwan ko sa bag ko.

Biglang may narinig akong paparating sa classroom.

Pinuntahan ko yong bag ko at umupo para pulutin ito nang biglang pumasok ang dalawa kong kaklase.

'Star, totoo ba yong sinasabi ni Ana?' boses ng babae.

Pamilyar saakin ang boses na iyon.

Sumilip ako at nakita ko si Roché na nakikipag-away kay Star.

'Arnie! Maniwala ka saakin, sinisiraan lang niya ako sa'yo para magbreak tayo!' sagot ni Star.

Whoah! Magbreak? Kailan pa naging sila? Eh kapag may nagkakarelasyon mas mabilis pa sa kidlat kung kumalat ang balita.

'Eh ano nga itong litratong ito?!' malakas na tanong ni Roché habang may ipinapakitang litrato kay Star.

'P-paanong!' nataranta si Star.

'Arrgh!' malakas na sabi ni Roché at sinampal kay Star ang litrato tapos umalis siya ng classroom.

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon