Why She Was There

8 1 0
                                    

Roche's POV


Ilang araw na mula nang mabalitaan ko kay Kiel na nawawala si Cielo.


Una palang, hindi na ako naniniwala kay Kiel tuwing sinasagot niya saakin na hindi niya alam kung bakit nawawala si Cielo. Habang tumatagal, lalong nagiging halata sa mga kilos niya na desperado siya sa paghahanap kay Cielo.


Lalo tuloy akong nakukumbinsi na may alam siya tungkol sa pagkawala ni Cielo. Lalo ko siyang kinukulit hanggang sa nag-away kami.


...flashback...


***lunch break***


'Umamin ka na kasi Kiel, may alam ka sa pagkawala ni Cielo!' pangungulit ko.


'Bakit ba ang kulit mo?! Sinabi ko na ngang hindi ko alam diba!' napasigaw siya. Natulala naman ako sa gulat.


Naubos ko na ata pasensiya niya sakin.


'Wala ka bang tiwala sakin? Tingin mo ba nagsisinungaling ako?' mahinang sabi niya sabay talikod.


Nakokonsensiya na ata ako sa ginawa ko.


'Kahit naman ako gusto ko ring malaman kung bakit siya nawawala eh.' malungkot na pahayag niya pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo.


Hinala ko, umiiyak siya at nahihiya siyang ipakita saakin yon kaya siya tumakbo.


Ang sama ng pakiramdam ko. Nahihiya ako sa sarili ko. Naalala ko yong mga panahon na magkakasama kaming tatlo.


Kami lang ni Cielo ang kaibigan niya at ngayong wala si Cielo, ako nalang ang masasandalan niya... pero sa halip na pagaanin ko ang loob niya... lalo ko pang pinaparamdam sa kaniya na mag-isa lang siya.


'...nie ...rnie... Arnie!' napalingon ako bigla.


'Star!' naiiyak akong yumakap sa boyfriend kong nakaluhod.


'Arnie? Anong problema?' nag-aalalang tanong niya.


'Star, inaway ko si Kiel.' ikinwento ko sa kaniya yong mga nangyari.


'Arnie, anong gagawin mo pag nakasakit ka ng tao?' malambing na tanong ni Star.


Napaisip ako sandali tapos naging seryoso yong mukha ko.


'Hihingi ako ng tawad sa kaniya mamaya pagkatapos ng klase.' determinado kong sagot.


...end of flashback...


At heto na nga't kakatapos lang ng klase. Kinakabahan ako. Papaano ko ba sasabihin sa kaniya? Uwaaah! Bahala na.


Pagtingin ko sa tabi ko, wala na si Kiel. Lumingon-lingon ako at nakita ko siyang papalabas ng pintuan.


Sumunod agad ako sa kaniya pero paglabas ko ng pintuan, nakabangaan ko yong class president namin na maraming dalang libro. Nagkalat yon sa paligid at pareho kaming napaupo.


Humingi agad ako ng patawad. Mabilis kong pinulot yong mga libro tsaka iniwan sa tabi niya bago tumakbo papalabas. Nasa corridor ako ng 2nd floor at doon ko nakita na papalabas na si Kiel sa gate.


Napabuntong hininga nalang ako habang pinapanood siyang umalis. Ang ikinagulat ko, papunta si Kiel sa kabilang direksiyon ng daan papuwi sa bahay nila. Nanlaki ang mga mata ko at kung anu-ano ang mga pinag-iisip ko.


'Hindi nga kaya, may alam si Kiel sa pagkawala ni Cielo?' agad akong kumaripas ng takbo at dumeretso sa direksiyong dinaanan ni Kiel.


Tuwing makakarating ako sa mga intersections, tinatanong ko yong mga nandoon kung nakita ba nila si Kiel. Malamang hindi nila kilala si Kiel kaya yong mga pisikal na kaanyuan niya ang inilarawan ko.


Mabuti nalang at kaunti lang yong mga intersections. Nakarating ako sa isang tulay at nakarinig ako ng mga tunog. Pagtingin ko sa kabilang dulo ng tulay, nakita ko si Cielo na sinusubukang saksakin si Kiel.


Hindi ko alam kung bakit nangyayari to at hinihiling ko na sana misunderstanding lang ang nakikita ko.


By reflex, bigla kong inatake si Cielo. Ginamit namin yong jumping rope na ireregalo ko dapat sa pinsan kong minsan lang dumalaw sa isang taon na pantali kay Cielo sa gilid ng tulay.


Sa kabila ng lahat ng ginawa namin ni Kiel, nakatakas parin si Cielo na nag-iwan ng malaking katanungan sa amin.


'Kiel, anong nangyayari? Bakit ka sinubukang patayin ni Cielo?' tanong ko sabay tingin ng diretso sa mga mata niya.


'Hindi ko alam. Basta bigla nalang niya akong tinangkang patayin nang makalapit ako sa kaniya.' nanginginig na sagot ni Kiel. Natatakot siya.


'Mamaya na ako magtatanong pero dalhin na muna kita sa clinic.' sabi ko.


'Hindi na. Ayos lang ako.' pagtanggi niya sa alok ko at tumayo. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang niya tinakpan yong bibig niya.


'Kiel! Anong problema?! Kiel!' nag-aalalang tanong ko. Napaluhod siya tapos itinuro niya yong bag niya. Tinakbo ko iyon at ibinigay sa kaniya. May nilabas siyang gamot mula sa bulsa nito at agad niya itong ininom na walang tubig.

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon