Cielo's Album Reading

5 2 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Cielo's POV

Break time na wala parin si Kiel. Saan na kaya yon napadpad?

'Cielo, Cielo, Cielo!' ay tinatawag ako ni Roché.

'Bakit?'

'Nag-aalala na ako sa kapatid mo ah. Dalawang oras na siyang wala.'

Kanina pa ako nababagot. Bakit kaya? Kinakausap naman ako ni Roché. Hindi naman boring yong mga klase namin.

Pero bakit pakiramdam ko nakikinig ako sa walang katapusang kwento na nakakabagot?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kiel's POV

'Kapag nakahanap kami ng posibleng ika-limampung henerasyon ng angkan ni Kreshalina, isang mahika ang gagamitin namin.

Mananatili siyang gising kung siya nga ang hinahanap namin pero pag hindi, makakatulog siya.'

'Ang kaso, nakatulog ako kaya natanggal sa listahan si Prince Kyle Leonheart at nalaman mo na hindi pala ako si Prince kaya ka nagsosorry.'

'Ganoon na nga.'

'Ahh~~ Sino si Cielo?'

'Ha?'

'Paggising ko sa ospital, sinabi nila saakin na nahanapan nila si Cielo malapit saakin na walang malay.'

Nanlaki ang mga mata niya.

'Umm...kamukha ka ba niya?'

'Oo. Paano mo nalaman?' ako naman ang nagulat.

'Ugh!!' sabi niya at inuntog niya yong ulo niya sa lamesahan.

'Ano ba talaga ang nangyayari dito?'

'Nagkamali ako ng mahika na ginamit sa'yo at si Cielo ang resulta.'

'Ha? Pero lumabas sa DNA Test na kakambal ko siya,,,'

'Malamang, eh iisang tao lang kayo eh.'

'Hindi ko gusto to ah. Anong ibig mong sabihin?'

'Si Cielo ay bahagi ng pagkatao mo.

Siya ang mga alaalang nakalimutan mo na kaya't isang tingin lang niya sa mga bagay o lugar na maaaring magpaaalala ng mga alaalang kinalimutan mo na ay maaalala niya ang mga alaalang ito.

Konektado kahit ang mga emosyon mo sa kaniya. Alam niya kung ano ang nararamdaman mo ngayon.'

Maniniwala na ba ako?

'Aah! Pasensiya na pero kailangan ko na talagang umalis.' tumayo siya at pumunta sa cashier.

'Whoah woah wait! Madami pa akong mga tanong.' sinundan ko siya papalabas.

'Next time nalang. May mas importante pa akong gagawin kaysa sagutin ang mga tanong mo.' lumabas siya ng pintuan at ako naman nakatulala.

Pagbukas ko ng pinto, wala na siya.

Kung totoo man ang mga pinagsasabi niya, bakit niya ako napagkamalang si Prince? Magkamukha ba kami?

Cielo's POV

'Roché, saan ka pupunta?' tanong ko.

'Sa banyo.' masaya niyang sabi sabay alis agad.

'Teka! Roché! Sa kabilang direksiyon ang banyo!' sigaw ko pero di niya ako pinansin at tumuloy sa pagtakbo.

Weird? Nah! Just my imagination.

Linagay ko sa bag ko yong natirang baon ko at nakita ko yong album sa gilid.

Kinuha ko ito at binuklat.

May litrato ng isang babae. Parang nakita ko na siya sa kung saan...

Naalala ko na! Yong babaeng nakita ko nang ngumiti si Roché.

~~~~~~

Sa isang silid-aralan na hindi ko pa nakikita kahit kailan, nakatayo ako sa harap. Madaming estudyante ang nakatingin saakin.

'Kiel Elco Cielo Montero ang pangalan ko.' may biglang nagsalita sa tabi ko.

Napatingin ako sa gulat. Si Kiel. Suot niya ulit yong uniporme ng ibang paaralan.

Parehas sa uniporme ng ibang mga estudyante.

Hindi kaya isa nanaman ito sa mga alaala ni Kiel?

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon