The Hidden Album

18 3 0
                                    

Kiel's POV

'At bakit may mantsa ng dugo yang damit mo ha?' nakakatakot na tanong ni papa.

'..ah..ano po kasi..' di ako makatingin ng duretso sa kaniya.

...flashback...

*teet.tit.teet.tit*

Tumunog yong beeper ko.

~~super fastforward~~

'Ako si Xylah Jonas.'

'Pa'no naman napunta sayo yong gamot ko?'

'Ah...ano..kasi...'

Tinignan namin siya ng masama.

'Pasensiya na.' sabi niya sabay luhod.

'Akala ko kasi mamahalin kaya ko kinuha nang magkatapat tayo sa daan. Gamot lang naman pala.'

'Mandurukot.' sabay naming sabi ni Cielo.

'Pasensiya na talaga...'

'Alam mo bang muntik na akong maubusan ng dugo sa ginawa mo?!' galit na sabi ko.

'Maubusan ng dugo??? Nakuuu!! Pasensiya na talaga!!'

'Bakit ka ba nandurukot?' tanong ni Cielo.

'Nagugutom na kasi yong mga kapatid ko sa bahay eh wala akong maipakain sa kanila. Iniwan kasi kami ng mga magulang namin...' mangiyak-ngiyak niyang kwento.

'Sinungaling.' sabay naming sabi ni Cielo.

'Eh... Pano niyo nalaman?' pinagpapawisan niyang tanong.

'May pambili ka ng yosi pero wala kang pambili ng pagkain ng mga kapatid mo? Wow ah, hanep ka,'
Sabi ni Cielo

'Hmph! Oo na nga. Wala akong pambili ng yosi kaya ako nandukot.'  Inis na sabi niya at umalis.

...end of flashback...

'Ano?! Nadukot yong gamot mo? Sinabi ko naman kasing talian mo diba?!'

'Pasensiya na papa. Hindi na talaga mauulit.'

'Dapat lang!' sabi ni papa.

Tapos na ang kainan.

Oras na ng tulugan.

Magkatabi ang kwarto namin ni Cielo. Nakagilid sa kanan yong kama ko at nakagilid naman sa kaliwa yong kama ni Cielo.

Madalas kaming mag-usap bago matulog.

Kinukwento ko sa kaniya yong mga naranasan ko sa paaralan noong nakaraang linggo.

Umaga na. Narinig ko yong tilaok ng manok ng kapit-bahay namin.

Narinig ko din yong nakakainis na tunog ng beeper ko.

Uminom ako ng gamot at tinabi yong kurtina sa bintana. Pumasok ang sinag ng araw sa kwarto ko.

Binuksan ko yong bintana sa may kaliwa ng kwarto ko.

Natatanaw ko doon ang isang bakanteng lote. Madaming matataas na damo ang tumutubo doon.

Pagsandal ko sa may bintana, natabig ko yong beeper ko na ipinatong ko kanina.

'Aaaaahh. Waiiit!'

Sinubukan kong abutin pero di ko na naabutan.

Bumibilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

'Naku, anong sasabihin ko kay papa.'

Umupo ako sa gilid ng kama ko at kinatok yong pader...

'Oh, bakit?' antok na tanong ni Cielo.

'Ano kasi... eh...'

'Ano nanaman ang nangyari? Nawawala nanaman ba gamot mo?'

'Ah hindi. Nahulog ko yong beeper ko sa may bakanteng lote.'

Biglang tumahimik at walang nagsalita.

'Cielo?' kinatok ko ulit yong pader.

Bumukas bigla yong pintuan ng kwarto ko. Si Cielo. Mukhang inis.

'Sa ilalim ng anong bitwin ka ba ipinanganak at minamalas ka ng ganito?'

Nakasimangot lang ako habang nakaupo.

'Haaaayy.. Sige na nga. Tutulungan na kita.'

'Talaga?! Salamat!'

'So? Anong plano?'

'Nakalock yong gate sa likod papunta sa bakanteng lote.'

'Ha? Paano tayo makakapasok?'

'May susi si kuya sa kwarto niya kaya abalahin mo siya tapos kukunin ko yong susi.'

'Mahahanap mo ba agad yong susi?'

'Oo yan.'

*tok.tok.tok*

Kinatok ni Cielo ang pintuan sa kwarto ni kuya.

'Oh Cielo, bakit?' tanong ni kuya sabay bukas ng pinto.

'Ano po kasi kuya, magpapatulong po sana ako. Nasira po ata yong ilaw sa kwarto ko. Pwede pong pakitignan?'

'Ah ganoon ba, sige tara.' umalis na sila.

Pumasok ako agad sa kwarto ni kuya.

Ang linis ah, naglinis ba siya kagabi?

Nahanap ko yong susi sa drawer ng lamesahan sa tapat ng kama niya.

Ang linis ng kwarto pero hindi pa niya naayos yong kama niya.

May nakita ako sa ibabaw ng kumot  niya. Envelope.

'Ano to?' kinuha ko ito at ilinabas ang lamang papel.

'DNA Test Result. Kanino? Kay Cielo ba?'

*tap.tap.tap.tap*

Mahinang yapak nina kuya at Cielo.

Nagtago agad ako sa ilalim ng kama.

'Salamat po kuya.' sabi ni Cielo.

'Walang anuman' sabi ni kuya.

Naku patay.. Nakalimutan kong ibalik yong laman ng envelope.

Nakita kong inilagay ni kuya yong envelope sa drawer niya.

Lumabas siya ng kwarto.

Lumabas agad ako para ibalik yong laman ng envelope.

Binuksan ko yong drawer. Nakita yong envelope.

Sa ilalim no'n ay may photo album.

'Kiel. SY:2028-2029. First Time At School.'

Ha? Saakin ba to?

Kinuha ko yong album tapos pumunta agad ako sa kwarto ko.

Nandon si Cielo sa kama ko na nakaupo.

Itinago ko sa likod ko yong mga kinuha ko sa kwarto ni kuya.

'Nakuha mo ba?'

'Oo.'

Palihim kong nilagay ito sa school bag ko.

Pumunta agad kami sa bakanteng lote.

Nang mahanap namin yong beeper, naghanda agad kami papunta sa school.

Palihim din naming binalik sa kwarto ni kuya yong susi.

Nakita ko yong bakanteng envelope.

Naalala ko yong kinuha ko.

Pumunta agad ako sa kwarto ko at kinuha yong school bag ko.

Ibabalik ko na sana pero nakita ko si kuya na nilalock yong pinto.

Sabay silang umalis ni papa papuntang trabaho.

Di bale, ibabalik ko nalang mamaya.

The Two Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon